Khiefblue
Part 6
hay sorry po talaga busy lang ngayon ko lang po nagawa itong part 6 but im working na yung book 3 nito hehehe..... salamat sa mga readers ko kahit paano may bumabasa.
Papalapit sa amin ang aking best friend na babae si Grace may bitbit nanamang mga pinamili. Ang ngiti ko kanina ay naglaho. Bigla na lang akong hinila ni Ran at tumakbo. Ewan ko ba kung parehas ang takbo ng utak namin ni ran. Ang gagawing alipin kami ni Grace.
Ilang minuto rin kaming tumatakbo ni Ran sa loob ng Greenhills at ako’y pagod na at pinagpapawisan. Malapit na kami sa may exit ng may humarang na tao sa harapan namin. Si Grace nakapameywang at bitbit pa rin niya ang mga pinamili niya. Sa bilang ko ay mga walong paperbag yun. Nanggagalaiti sa galit ang mukha ni Grace namumula ang kanyang pisngi sa inis.
“at saan naman kayo pupunta? Galit na nakangisi si Grace. Sa pagkakataon na yun umakyat sa batok namin ang takot. Hindi namin alam kung ano ang gagawin.
“Mag CCR lang sana kami. Naiihi na kasi kami e.” palusot ni Ran.
“Tinatawag ko kayo kanin at tiakbuhan nyo ako.” mataray na sabi ni Grace. Ang mga tao ay unti unti ng nagsisilingunan sa amin. At nahihiya na ako sa mga taong nakapaligid sa amin.
“Di ka namin nakita hehe” nagaalangan kong palusot.
“Lumingon ka…. Nakita ko nung lumingon si Ran sa akin bigla ka niya hinatak patakbo.” Walang tigil na pagtataray ni Grace.
“sorry na best lolokohin ka lang naman namin. e” paghingi ko na ng paumanhin ayaw ko nag magsisisigaw sya doon at maraming tao na ang nakatitig sa amin.
“Hmp!” pagirap sa amin ni Grace.
“Sorry naman Grace kasalanan ko naman e.” hingi din ng paumanhin ni Ran.
“Oh sige dahil kaibigan ko naman kayo bitbitin nyo na tong pinamili ko at samahan ninyo ako.” Si Grace mala Hitler kung magutos. Parang lahat ng saya sa aming katawan ay naglaho.
Wala kaming laban sa oras na iyon isang babaeng mala terorista kung magalit laban sa dalawang lalakeng malaanghel ang pagkatao hehe. Bitbit namin ni Ran ang mga pinamimili niya habang sumusunod sa kanya.
“Grace paano mo kami nahabol?” tanong ko.
“Madali lang yun gala ako dito kaya alam ko ang mga shortcut at alam kong dun kayo lalabas kasi dun ko kayo nakitang pumasok, na ang ibig sabihin dun malapit ang sasakyan ninyong ginamit.” Explain niya sa amin.
Tinginan na lang kaming dalawa ni Ran. Kahit kelan talaga wala kaming panama kay Grace. Kung tingin nyo isa siyang mahinhin sopistikadang dalagang pilipina sa loob nito daig pa niya ang sigang maton sa kanto kaya di kami lumalaban sa kanya.
Als siyete ng ng gabi ako nakataring ng bahay. Pagpasok ko sa sala walang katao tao dun ngunit may narinig akong nagkekwentuhan sa may dining area. Pagdating ko sa dining nakita ko sila Daddy, Mommy at si Kuya nagkekwentuhan halatang Masaya ang mga magulang ko ngunit makikita mo pa rin na bakas sa mukha ng aking kuy na naguguluhan pa.
“anak buti dumating ka na andito na kuya mo.” Bati sa akin ni Mommy.
“kuya buti umuwi ka na namiss kita.” Linapitan ko ito at inakap habang nakaupo ito katabi ni daddy.
Ngunit nanatili siyang blanko ang emosyon at pinagmamasdan lamang ang kami. Naupo ako sa tabi niya at sinabayan silang kumain. Pakiramdam ko parang hindi siya komportable sa amin. Andun pa rin ang iniisip niya kung kami nga ang kanyang pamilya. Nananatili siyang nakatitig sa kanyang kinakain at kung may itatanong ang aming Daddy tutungo lamang ito o kaya ay sasagot ng matipid.
“anak alam kong hindi ka komportable sa amin ngayon at hindi mo pa kami naaalala. Hahanap tayo ng magagaling na doctor upang tumingin sayo at maibalik ang iyong alaala.” Banggit ni Daddy habang nakahawak ang kanang kamay niya sa kaliwang balikat ni kuya.
Matapos kumain inihatid ni yaya si kuya sa kanyang kuwarto upang makapagpahinga ito. Pagka alis niya sa hapag kainan. Nagusap kaming tatlo nila Daddy at Mommy kung ano ang gagawin at kung papaano maibalik ang alaala ni kuya. Maghahanap sila Daddy at Mommy ng magagaling na doctor samantala ako ay magbabantay sa aking kuya at sisiguraduhin kong ligtas ang aking kuya.
Tanaw ko ang pinto ng kwarto ni kuya na tapat lamang ng pinto ng aking kuwarto. Nasa harapan ako ng kuwart ni kuya kakatukin ko sana siya upang alamin ang lagay nito. Ngunit nahihiya ako at natatakot na mamaya ay may magawa akong ikatakot niya. Ngunit linakasan ko na ang loob ko matagal na panahon din nang hindi ko siya nakita at namiss ko siya ng sobra.
“tok tok tok! Tatlong mahinang katok ang aking binitiwan. Ngunit walang sumasagot.
“tok tok tok! Inulit ko ngunit wala pa rin. Pinagpasyahan ko na lang na ualis doon at pumasok na lang sa aking kuwarto ng biglang bumukas ang pinto. Si Kuya nakatapis lamang itop ng tuwalya mukhang kakaligo lang nito.
“anong kailangan mo?” tanong niya na animo’y ibang tao ako sa kanya.
“kakamustahin lang sana kita kung ayos ka lang?” tanong ko sa kanya.
“Uhm…. Ayos lang ako. yun lang ba?” si kuya
“yun lang kuya good night na lang po.” Paalam ko na lang sa kanya.
Sinarado na niya ang pinto ng kanyang kuwarto at ako naman tinungo ko na ang aking kuwarto upang makapagpahinga na rin. Nalungkot ako dahil hindi ako kilala ni kuya at malamig ang pakikitungo sa akin. At andun ang guilt ko sa aking sarili ng dahil sa akin nagkaganun si kuya kung pinakinggan ko lang siya kung hindi ko siya tinakbuhan sana hindi nangyari sa kanya lahat iyon.
Nahiga ako sa aking kama na maraming iniisip. Kung ano ano ang tumatakbo sa aking utak kung ano ang magandang gawin para maibalik ang alaala ni kuya. At saan ako magsisimula na ipaalaala kay kuya ang mga nakaraan niya. Mga ilang minuto rin at nakatulog ako ng hindi namamamalayan.
Alas dos ng madaling araw nagising ako sa pagkakatulog nakaramdam ako ng uhaw bumaba ako sa kusina upang kumuha ng maiiinom ng tubig. Paakyat ko ng second floor ng aming bahay naisipan kong silipin ang aking kuya.
Kinatok ko muna ang kanyang pinto at walang sumasagot pinihit ko ang doorknob ng pinto niya hindi nakalock. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sinilip si kuya himbing naman ito sa pagkakaktulog. Pumasok ako sa kuwarto niya at pinagmasdan siya naka boxer shorts lamang ito at may akap akap na picture frame. Dahan dahan ko itong linapitan at sinilip kung kaninong larawan ang andun. Kita ko ang picture naming dalawa kung saan kuha naming dalawa nung bata pa kami nasa beach kami nun at nakaakbay si kuya sa akin.
Unti unting pumatak ang luha ko sa aking nakita. Akap ni kuya ang larawan naming dalawa. Kung akap niya ibig sabihin naaalala niya ako. ngunit bakit di niya ako kilala. Tanong ko sa aking sarili.
Bumalik na ako sa aking kuwarto at nagisip habang nakahiga sa aking kama . Nakaisip din ako ng paraan kung papaano ang aking gagawin para maibalik ang nawalang alaala ni kuya. Nakatitig lamang ako sa kisame ng aking kuwarto ta untiunting pumikit ang aking mga mata at nakatulog.
Maaga akong nagising upang mapuntahan ko ang aking kuya dahil matagal ko rin itong hindi nakita at namiss ko rin ito. Pababa na ako galing ng aking kuwarto upang kumuha ng maiinom na kape, pagdating ko sa sala namin nakita ki si Grace at ang ate nitong si Olivia kasama si Mommy na nakikipagkwentuhan at nakaupo sa sofa.
“Good morning Mhikz!” bati sa akin ni Grace tumayo ito.at lumapit sa may hagdan.
Naalala ko na lang na nakaboxer shorts ako at walang pang-itaas na damit. Bigla na lang akong tinamaan ng hiya. Ayos lang sa amin na makita kami ni Mommy sa ganong itsura pero kung may ibang babae iba na.
Nagmadali akong tumalikod sa kanila at tatakbo paakyat upang kumuha ng damit na maisusuot. Nang biglang may humatak sa likuran ng garter ng aking boxer shorts.
“at saan ka nanaman pupunta? Tatakbuhan mo nanaman ako tulad kahapon?” si Grace hatakhatak niya ang aking boxer shorts mula sa aking likod.
Nakarinig na lang ako ng tawanan. Si Mommy at si Olivia di mapigil ang kanilang tawa. Napalingon din si Grace kila Mommy at kung ano ang pinagtatawanan ng dalawa. Paglingon ni Grace sa akin. Bigla na lang binitawan ang pagkakahawak niya sa akin. At kita ko rin na labas ang aking puwet na siyang pinagtatawanan nila. Agad kong itinaas ang boxer shorts ko.
“Sorry mhikz” maumanhin ni Grace namatawatawa sa kanyang kinatatayuan.
“Tang na naman oh” tanging banggit ko.
Tumakbo ako paitaas at agad kong tinungo ang aking kuwarto. Rinig ko pa rin ang malakas na tawanan nila sa baba. At ako naghanap agad ng short pants at sando na maisusuot. Pagharap ko sa salamin namumula pa rin ang aking mukha sa hiya di muna ako bumaba hanggang naririnig ko pa ang kanilang mga tawanan.
“tok tok tok!” may kumatok sa aking pinto nang aking pagbukas si kuya naka shorts at t-shirt naka paa lamang ito. Bakat ang kanyang mga muscle sa suot niyang sando. At napansin kong may pilat na mahaba ito sa kaliwang braso. Siguro nakuha niya iyon mula sa pagkakaaksidente.
“kuya kaw pala. Ano kailangan mo” tanong ko siya na napangiti.
“ah Mickey manghihiram sana ako toothpaste kung maaari” sagot ni Kuya.
Tinungo ko ang banyo ko at kumuha ng toothpaste na hindi pa nagagamit. Pagdating ko ng pinto inabot ko kay kuya ang totthpaste. Pagkakuha ni kuya ng toothpaste tumalikod na ito. Nalungkot ako dahil wala man lang reaksyon ito. Papasok n asana siya ng kuwarto niya ng….
“salamat little bro!. gala tayo mamaya.” At pumasok na ito sa kanyang kuwarto.
Napangiti ako sa kanyang sinabi. Yun ang tawag niya sa akin lagi. Napaisip tuloy ako bakit niya ako tinawag ng ganun kung di siya nakakaalala. Hindi namin alam kung ano tlaga ang lagay ni kuya. At bakit niya akap aka pang picture naming dalawa nung bata pa kami.
Ilang minuto rin akong nakaupo sa aking kama at ngiisip. Nag biglang bumukas ang aking kuwarto at may tumakbo papalapit sa akin. Nagulat na lang ako ng may dumagan sa akin. Parang isang wrestler na binagsakan ang kapwa wrestler.
“Grace….. array kupo….. babae ka ba?” banat ko kay Grace. Na nakangiti lamang ito na nakakaloko.
“ano nanaman ang gagawin mo?” tanong ko sa kanya.
“wala lang naglalambing lang ako sa aking bestfriend”
“best friens? Kala ko alipin?” sarkastiko kong banat.
“pwede rin alipin na kita hehe.” Nakaibabaw pa rin ito sa akin.
“hay best mamaya maoospital na ako dahil sa mga pinaggagawa mo. Alam mo bang nakakahiya ang ginawa mo sa akin wala pang nakakakita sa aking puwet. Na ngayon nakita na ninyo ang tinatago tago ko.” Reklamo ka sa kanya.
“maganda naman ang puwet mo ha. Makinis” umalis siya mula sa pagkakadagan niya sa akin at umupo sa tabi ko.
“Ano ba ang ginagawa ninyong mag ate dito?” tanong ko.
“si ate nabalitaan niyang andito na si Kuya Marcus kaya nagpasamang pumunta dito. Alam mo namang mahal ni ate yun e. kaya wag mong sasabihing alam mo na yun ha.” Habang ang kanyang hintuturo ay idinikit niya sa kanyang nguso at ng shhhh…
Nagulat na lang kami ng may taong nakatayo sa pinto ng aking kuwarto at nanglilisik ang mata. Na waring gusto kaming patayin ni Grace. Kita sa mata ni Grace ang takot at nag tago ito sa aking likuran na ako ang ginawa niyang panangga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento