Navigation Bar

Miyerkules, Setyembre 21, 2011

Chained II (Part6)



Fast as Race
Khiefblue
Part 7
sorry sa sobrang tagal ng part na ito hehehe..... sorry talaga. naging busy lang po.

“Ate sorry kay mhikz ko naman lang sinabi. Saka mapagkakatiwalaan naman siya.” Hingi ng tawad ni Grace habang nagtatago sa aking likuran.

Hindi pa rin nagsasalita ang ate ni Grace at nakatingin lamang ito sa aman at ang kanyang mata ay naniningkit sa galit. Ano mang oras ay bigla na lang tong susugod na parang isang lobo sa kanyang biktima. Inangat niya ang dalawang kamao niya at napapikit na lang si Grace habang nakatago pa rin sa aking likuran.

“Olivia wag kang mag-alala di ko sasabihin kay kuya kung gusto mo tulungan pa kita.” Tangi ko na lang nasabi kay Olivia.

“oo ate tulungan ka na lang ni Mhikz pati ako tutulong.” Nakakapit parin ng mahigpit sa aking likuran si Grace.

Bigla na lang ibinaba ni Olivia ang kanyang kamay at unti unting lumapit sa amin. Nang nasa haraman ko na si Olivia na nakatayo bigla na lang lumuhod sa aking harapan at hinawakan ang aking kamay.

“totoo bay an?” nakatitig  sa aking mata na parang nagmamakaawa. Totoo ba tong nakikita ko? Tanong ko sa sarili ko. Isa magandang babae na kagalang galang at renerespeto ng lahat ng tao parang masasabi mong lahat ng katangian ng isang prensesa ay nasa kanya na. ay isa palang baliw sa aking kuyang may amesia.

“oo ate tutulungan tayo ni mhiks.” Sabat ni Grace, isang malakas na batok ang dumapo kay Grace mula sa kanyang Ate.

“array” sigaw ni Grace. Napakamot ito sa kanyang ulo sa sakit.

“Ate naman ano naman ang kasalanan ko sayo.” Reklamo niya.

“di ba sabi ko sayo sekreto lang yun pero ano ang fginawa mo?” kwenento mo kay mhikz.

“ate naman, tingnan mo at least may tutulong na sa iyo para mapalapit kay kuya Marcus.

Lokohan tuksuhan ang nangyari sa loob ng aking kwarto. Nasa lagay kaming tinutukso si Olivia kay Kuya Marcus ng mapansin naming may nakatayo sa may pinto ng aking kwarto. Si Kuya Marcus nakatitig lang sa amin na nakangiti.

“Marcus kanina ka pa ba dyan?” tanong ni Olivia na nanigas na parang estatwa.

“Medyo.” Nakangising sagot ni Kuya Marcus.

“kuya ano narinig mo?” tanong ko sa kanya.

Wala naman akong narinig nakatakip naman ang tenga ko parang ganito.” Tinakpan niya ang kanyang mga mata at hindi ang tenga niya. Sa nakita ni Olivia kitang kita kong pinagpawisan siya kahit na malamig dahil naka aircon naman ang kuwarto ko.

“Mag ayos na kayo at labas tayong apat sabi ni Mommy.” Linapitan niya si Olivia at hinaplos ang buhok nito.

Pagkaalis ni Kuya sa kuwarto ko bigla na lang hinimatay si Olivia. Napahiga siya sa sahig, imbes na magalala ako natawa na lang ako sa nangyari. Habang si Grace tinungo niya agad ang kanyang nakahandusay na ate sa sahig at pinapaypayan.gamit ang kanyang kamay. Hay mag-ate nga naman napakawierdo. Ngunit parang may kakaiba kay kuya kung nakalimot siya bakit ganun siya umasta parang kilala na kami.

Alas onse ng umaga kami nakarating sa Mall of Asia. Apat lamang kami si Kuya, Olivia, Grace at ako. gamit ang kotse kong Honda Civic. Ipinarada ko ang kotse sa park at sabay sabay na kami tinungo ang mall. Ang magkapatid na babae naman ay agad nilang tinungo ang mga boutique. Samantala kami ni kuya ay sumusunod sunod lamang sa dalawa na parang kami ang mga boyfriend nila.

Wala pa ring imik si kuya nagsasalita lamang siya pagtinatanong siya ni Olivia o kaya sino man sa amin. Minsan kung magbibitaw kami ni Grace ng nakakatawang linya nakikitawa rin siya.

Mag aalas dose na ng nagyaya na si Grace na kumain at nagugutom na raw siya. Hila hila ako ni Grace patungo ng isa sa mga sikat na restaurant sa MOA habang si Olivia ay nage-enjoy na nakaangkla kay kuya Marcus.

Naghanap ang mag-ate ng mauupuan namin samantala kami ang omorder ng makakain namin. kilala ko na ang mag-ate alam ko na ang gusto nilang kainin. Habang nakapila kami sa counter kinausap ko si kuya Marcus.

“Buti sumama ka kuya namiss kita kasama sa mga ganito.” Sambit ko sa kanya.

“Ako rin bunso miss ko rin” anya.

natulala at napaisip kung naaalala nya na ang lahat. Bumalik na ba ang mga alaala nya? Kung naaalala nya na ang lahat bakit hindi niya sabihin sa amin kung naaalala na niya. Parang may tinatago pa siya sa amin.

“hoy andito na ang inorder natin” si kuya.

Parating kami sa lamesa kung asan ang mag ate habang bitbit namin ang mga inorder namin nang may tumili.

“Ay si Justin Cruz” sigaw ng isang babae na nasa likuran namin  (Justin Cruz isang sikat na artista dito sa kwento ko hindi ako gumamit ng pangalan ng artista at baka makasuhan ako hehe.)
“Naku andyan na ang kaibigan mo Mhikz” si Grace habang nanlilisik ang mga mata nya na nakatitig sa Lalakeng nagdulot ng eskandalo.

“Kanina ko pa kayo hinahanap” si Justin papalapit sa aming mesa habang pinagtitilian.

“Hindi ba pwedeng i-silent mode ang mga fans mo jassy?” sarkastikong salubong ni Olivia

“Babes wala tayong magagawa talagang ganyan ang sikat.” Sagot ni Justin kay Olivia.

“Wag mo nga akong matawag na Babes at baka madamay pa ako sa skandalo mo.” Si Olivia

“Tama na muna iya kain muna tayo at gutom na ako” awat ko sa kanila.

“Marcus musta na pare? Nabalitaan kong nakauwi ka na kaya pinuntahan kita agad sa bahay kaso wala ka sa bahay sabi ni tita dito ko kayo makikita kaya pinuntahan ko na kayo dito.” Bati niya kay Kuya.

Halatang tulala pa rin si kuya habang nakatingin siya kay Justin. Siguro iniisip kung sino ang nasa harapan namin.

“Pasensya na Justin may amesia si kuya kaya di pa siya masyadong nakakaalala” bulong ko kay Justin.

“Pwede ba Justin patahimikin mo muna ang mga babae mo.” Reklamo ni Olivia kay Justin.

“Sige alis muna ako at nang makakain ang mahal na prensesa, text nyo na lang ako pag saan ko kayo pupuntahan pagkatapos kumain ng barbarong prensesa.” Pangasar ni Justin kay Olivia at umalis na.

“Anong tinawag niya sa akin? Barbarong prensesa? Sino siyang akala niya? Kala mo kung kagwapuhan.” Paghihimutok ng butsi ni Olivia.

Sinulyapan ko si Kuya at lihim siyang tumatawa. Napangiti na lang ako at kumain.

Matapos naming kumain agad kong tinext si Justin kung asan na siya. Makalipas ng ilang minuto nagreply siya at sabi nya nasa ticket both siya ng sinehan. Dahil sa malapit lang naman kami sa Ticket both pinuntahan na lang namin siya.

Pagkarating namin sa kinaroroonan ni Justin. Kita namin kung paano siya napapalibutan ng mga tao at halos mga andun ay mga babae at beki. Pansin din namin na may kasama siyang isang lalake na mukhang college student. Namukhaan ko ito si Kim ang pinakilala niya sa aking kaibigan niya na kasama niya sa condong tinutuluyan niya.

“Sino yang yang totoy na kasama mo?” Tanong ng mag-ate kay  Justin.

“Si Kim kaibigan ko kilala na ni Mhikz si Kim. Kim si Grace na Hitler at si Olivia na Barbarong Prensesa.” Pangaasar na pakilala ni Justin sa mag-ate.

“Gago!” malutong na  bitaw ni Olivia sabay batok kay Justin.
“array ko po!, kitam kung gaanong kabarbaro siya” dagdag pa ni Justin habang hinihimas ang ulo.

“Ay Sorry!” harap sa amin ni Olivia at nagpa umanhin.

“nagiging basto ako dahil sayo” harap ulit niya kay Justin at kurot niya dito.

Tara na nga bago magkaworld war dito pasok na tayo.” Anyaya ko sa kanila.

Comedy ang pinanood namin kaya sa loob ng sinehan ay nagtatawanan kami. Hindi maiwasan na pinagtitinginan kami ng mga tao dahil sa kasama namin si Justin, kaya kung maaari ay iniiwasan naming ang mataong lugar pagkasama namin si Justin.

Alas 8 na ng gabi kami nakauwi ng bahay ni kuya hinatid muna namin ang mag-ate at deretso kami uwi ng bahay. Habang nasa loob kami ng kotse pinaguusapan naming magkuya mga nangyari maghapon ng.

“Mhikz sorry kung ano man ang nagging kasalanan ko sayo” humarap sa akin si kuya at hinawakan niya ang aking balika habang ako ay nagdadrive.

“Kuya anong kasalanan naman yun?” tanong kong sa kanya.

“Basta pakiramdam ko may kasalanan ako sayo kaso hindi ko lang talaga matandaan.” Napatingin siya sa malayo.

“kung ano man yun kuya pinatawad na kita, at kung tutuusin ako ang dapat mag sorry sayo.” Ani ko.

Pagkarating namin sa bahay sinalubong kami ni Mommy.

“Kamusta ang nagkagwapuhan kong anak?” nakangiti ito habang inaakap kami.

“Mabuti naman mom” si kuya habang humalik siya sa pisngi ni Mommy.

Kita ko na ang pagka at home ni kuya wala na ang ilang na nararamdaman niya. Siguro komportable na siya kahit wala pa siyang naaalala.

……………………….

Lumipas ang araw namuhay kami ng tahimik. Habang si kuya ay laging chenecheck-up ng doctor. Ngunit lagi niyang sinasabing wala pa rin siyang naaalala. Normal din ang pakikitungo niya sa amin kahin may amesia siya pamilya pa rin ang pakikitungo niya sa amin. May mga araw na umaalis ito para dalawin ang mga taong kumopkup sa kanya.

Araw ng huwebes nakatanggap ako ng message kay Ran na may humahamon sa akin. Si Alex na may 2005 Mazda MAZDASPEED RX-8. isa siya sa mga kinakatakutan ng mga drag racer dahil sa galing ng kanyang pagpapatakbo. Reneplayan ko si Ran na tinatanggap ko ang hamon ni Alex at hindi ako papatalo gamit ang aking Toyota Trueno.

Nasa may garden ako ng may humawak sa aking balikat at tinawag ang aking pangalan. Gulat naman ako kung sino iyon

“Mhikz pwede ka bang makausap?” mula sa likod isang lalake….

Huwebes, Setyembre 08, 2011

Having a Coke with you



is even more fun than going to San Sebastian, IrĂșn, Hendaye, Biarritz, Bayonne
or being sick to my stomach on the Travesera de Gracia in Barcelona
partly because in your orange shirt you look like a better happier St. Sebastian
partly because of my love for you, partly because of your love for yoghurt
partly because of the fluorescent orange tulips around the birches
partly because of the secrecy our smiles take on before people and statuary
it is hard to believe when I'm with you that there can be anything as still
as solemn as unpleasantly definitive as statuary when right in front of it
in the warm New York 4 o'clock light we are drifting back and forth
between each other like a tree breathing through its spectacles

and the portrait show seems to have no faces in it at all, just paint
you suddenly wonder why in the world anyone ever did them

I look
at you and I would rather look at you than all the portraits in the world
except possibly for the Polish Rider occasionally and anyway it's in the Frick
which thank heavens you haven't gone to yet so we can go together the first time
and the fact that you move so beautifully more or less takes care of Futurism
just as at home I never think of the Nude Descending a Staircase or
at a rehearsal a single drawing of Leonardo or Michelangelo that used to wow me
and what good does all the research of the Impressionists do them
when they never got the right person to stand near the tree when the sun sank
or for that matter Marino Marini when he didn't pick the rider as carefully
as the horse

it seems they were all cheated of some marvelous experience
which is not going to go wasted on me which is why I am telling you about it

Frank O'Hara

Martes, Setyembre 06, 2011

Rolling in the Deep - Adele




There’s a fire starting in my heart
Reaching a fever pitch
And it’s bringing me out the dark
Finally, I can see you crystal clear
Go ahead and sell me out and I’ll lay your ship bare
See how I leave, with every piece of you
Don’t underestimate the things that I will do
There’s a fire starting in my heart
Reaching a fever pitch
And it’s bringing me out the dark
The scars of your love, remind me of us
They keep me thinking that we almost had it all
The scars of your love, they leave me breathless
I can’t help feeling.
We could have had it all…
(you’re gonna wish you, never had met me)…
Rolling in the Deep (Tears are gonna fall,
Rolling in the deep)
Your had my heart… (you’re gonna wish you)… Inside of your hand (Never had met me)
And you played it… (Tears are gonna fall)…
To the beat (Rolling in the deep)
Baby I have no story to be told,
But I’ve heard one of you
And I’m gonna make your head burn.
Think of me in the depths of your despair
Making a home down there
As mine sure won’t be shared
The scars of your love, remind you of us.
They keep me thinking that we almost had it all
The scars of your love, they leave me breathless
I can’t help feeling…
We could have had it all
(you’re gonna wish you never had met me)…
Rolling in the Deep
(Tears are gonna fall, rolling in the deep)
Your had my heart… (you’re gonna wish you)… inside of your hand (Never had met me)
And you played it… (Tears are gonna fall)…
To the beat (Rolling in the deep)
Could have had it all
Rolling in the deep.
You had my heart inside of your hand
But you played it with your beating
Throw yourself through ever open door (Whoa)
Count your blessings to find what look for (Whoa-uh)
Turn my sorrow into treasured gold (Whoa)
And pay me back in kind- You reap just what you sow
(You’re gonna wish you… Never had met me)
We could have had it all
(Tears are gonna fall… Rolling in the deep)
We could have had it all yeah
(you’re gonna wish you… never had met me)
It all. (Tears are gonna fall)
It all
It all (Rolling in the deep)
We could have had it all
(you’re gonna wish you, never had met me)
Rolling in the deep
(Tears are gonna fall rolling in the deep)
You had my heart inside… (you’re gonna wish you)… of your hand (Never had met me)
And you played it… (Tears are gonna fall)… to the beat (Rolling in the deep)
We could have had it all
( you’re wish you never had met me)
Rolling in the deep (tears are gonna fall, rolling in the deep)
You had my heart… ( you’re gonna wish you)… Inside of your hand (Never had met me)
But you played it
You played it
You played it
You played it to the beat

Huwebes, Agosto 11, 2011

Frustration



There's no windows in this place 
For me to show my weary face 
Rage I hold within my soul 
At times, I cannot control 

What's the point of me being here? 
When being here is what I fear 
Every day it's all the same 
Trapped again in my own pain 

I cry myself to sleep 
So many secrets I must keep 
No one to reach me, nobody cares 
Trapped in the middle of a distant stare 

I've prayed that I was free 
Of this grief that's filling me 
Everywhere I turn 
Every bridge must burn
 
There's no windows in this place 
For me to show my weary face


Martes, Agosto 09, 2011

Chained II (part6)





Fast as Race
Khiefblue

Part 6
hay sorry po talaga busy lang ngayon ko lang po nagawa itong part 6 but im working na yung book 3 nito hehehe..... salamat sa mga readers ko kahit paano may bumabasa. 

Papalapit sa amin ang aking best friend na babae si Grace may bitbit nanamang mga pinamili. Ang ngiti ko kanina ay naglaho. Bigla na lang akong hinila ni Ran at tumakbo. Ewan ko ba kung parehas ang takbo ng utak namin ni ran. Ang gagawing alipin kami ni Grace.

Ilang minuto rin kaming tumatakbo ni Ran sa loob ng Greenhills at ako’y pagod na at pinagpapawisan. Malapit na kami sa may exit ng may humarang na tao sa harapan namin. Si Grace nakapameywang at bitbit pa rin niya ang mga pinamili niya. Sa bilang ko ay mga walong paperbag yun. Nanggagalaiti sa galit ang mukha ni Grace namumula ang kanyang pisngi sa inis.

“at saan naman kayo pupunta? Galit na nakangisi si Grace. Sa pagkakataon na yun umakyat sa batok namin ang takot. Hindi namin alam kung ano ang gagawin.

“Mag CCR lang sana kami. Naiihi na kasi kami e.” palusot ni Ran.

“Tinatawag ko kayo kanin at tiakbuhan nyo ako.” mataray na sabi ni Grace. Ang mga tao ay unti unti ng nagsisilingunan sa amin. At nahihiya na ako sa mga taong nakapaligid sa amin.

“Di ka namin nakita hehe” nagaalangan kong palusot.

“Lumingon ka…. Nakita ko nung lumingon si Ran sa akin bigla ka niya hinatak patakbo.” Walang tigil na pagtataray ni Grace.

“sorry na best lolokohin ka lang naman namin. e” paghingi ko na ng paumanhin ayaw ko nag magsisisigaw sya doon at maraming tao na ang nakatitig sa amin.

“Hmp!” pagirap sa amin ni Grace.

“Sorry naman Grace kasalanan ko naman e.” hingi din ng paumanhin ni Ran.

“Oh sige dahil kaibigan ko naman kayo bitbitin nyo na tong pinamili ko at samahan ninyo ako.” Si Grace mala Hitler kung magutos. Parang lahat ng saya sa aming katawan ay naglaho.

Wala kaming laban sa oras na iyon isang babaeng mala terorista kung magalit laban sa dalawang lalakeng malaanghel ang pagkatao hehe. Bitbit namin ni Ran ang mga pinamimili niya habang sumusunod sa kanya.

“Grace paano mo kami nahabol?” tanong ko.

“Madali lang yun gala ako dito kaya alam ko ang mga shortcut at alam kong dun kayo lalabas kasi dun ko kayo nakitang pumasok, na ang ibig sabihin dun malapit ang sasakyan ninyong ginamit.” Explain niya sa amin.
Tinginan na lang kaming dalawa ni Ran. Kahit kelan talaga wala kaming panama kay Grace. Kung tingin nyo isa siyang mahinhin sopistikadang dalagang pilipina sa loob nito daig pa niya ang sigang maton sa kanto kaya di kami lumalaban sa kanya.

Als siyete ng ng gabi ako nakataring ng bahay. Pagpasok ko sa sala walang katao tao dun ngunit may narinig akong nagkekwentuhan sa may dining area. Pagdating ko sa dining nakita ko sila Daddy, Mommy at si Kuya nagkekwentuhan halatang Masaya ang mga magulang ko ngunit makikita mo pa rin na bakas sa mukha ng aking kuy na naguguluhan pa.

“anak buti dumating ka na andito na kuya mo.” Bati sa akin ni Mommy.

“kuya buti umuwi ka na namiss kita.” Linapitan ko ito at inakap habang nakaupo ito katabi ni daddy.

Ngunit nanatili siyang blanko ang emosyon at pinagmamasdan lamang ang kami. Naupo ako sa tabi niya at sinabayan silang kumain. Pakiramdam ko parang hindi siya komportable sa amin. Andun pa rin ang iniisip niya kung kami nga ang kanyang pamilya. Nananatili siyang nakatitig sa kanyang kinakain at kung may itatanong ang aming Daddy tutungo lamang ito o kaya ay sasagot ng matipid.

“anak alam kong hindi ka komportable sa amin ngayon at hindi mo pa kami naaalala. Hahanap tayo ng magagaling na doctor upang tumingin sayo at maibalik ang iyong alaala.” Banggit ni Daddy habang nakahawak ang kanang kamay niya sa kaliwang balikat ni kuya.

Matapos kumain inihatid ni yaya si kuya sa kanyang kuwarto upang makapagpahinga ito. Pagka alis niya sa hapag kainan. Nagusap kaming tatlo nila Daddy at Mommy kung ano ang gagawin at kung papaano maibalik ang alaala ni kuya. Maghahanap sila Daddy at Mommy ng magagaling na doctor samantala ako ay magbabantay sa aking kuya at sisiguraduhin kong ligtas ang aking kuya.

Tanaw ko ang pinto ng kwarto ni kuya na tapat lamang ng pinto ng aking kuwarto. Nasa harapan ako ng kuwart ni kuya kakatukin ko sana siya upang alamin ang lagay nito.  Ngunit nahihiya ako at natatakot na mamaya ay may magawa akong ikatakot niya. Ngunit linakasan ko na ang loob ko matagal na panahon din nang hindi ko siya nakita at namiss ko siya ng sobra.

“tok tok tok! Tatlong mahinang katok ang aking binitiwan. Ngunit walang sumasagot.

“tok tok tok! Inulit ko ngunit wala pa rin. Pinagpasyahan ko na lang na ualis doon at pumasok na lang sa aking kuwarto ng biglang bumukas ang pinto. Si Kuya nakatapis lamang itop ng tuwalya mukhang kakaligo lang nito.

“anong kailangan mo?” tanong niya na animo’y ibang tao ako sa kanya.

“kakamustahin lang sana kita kung ayos ka lang?” tanong ko sa kanya.

“Uhm…. Ayos lang ako. yun lang ba?” si kuya

“yun lang kuya good night na lang po.” Paalam ko na lang sa kanya.

Sinarado na niya ang pinto ng kanyang kuwarto at ako naman tinungo ko na ang aking kuwarto upang makapagpahinga na rin. Nalungkot ako dahil hindi ako kilala ni kuya at malamig ang pakikitungo sa akin. At andun ang guilt ko sa aking sarili ng dahil sa akin nagkaganun si kuya kung pinakinggan ko lang siya kung hindi ko siya tinakbuhan sana hindi nangyari sa kanya lahat iyon.

Nahiga ako sa aking kama na maraming iniisip. Kung ano ano ang tumatakbo sa aking utak kung ano ang magandang gawin para maibalik ang alaala ni kuya. At saan ako magsisimula na ipaalaala kay kuya ang mga nakaraan niya. Mga ilang minuto rin at nakatulog ako ng hindi namamamalayan.

Alas dos ng madaling araw nagising ako sa pagkakatulog nakaramdam ako ng uhaw bumaba ako sa kusina upang kumuha ng maiiinom ng tubig. Paakyat ko ng second floor ng aming bahay naisipan kong silipin ang aking kuya.

Kinatok ko muna ang kanyang pinto at walang sumasagot pinihit ko ang doorknob ng pinto niya hindi nakalock. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sinilip si kuya himbing naman ito sa pagkakaktulog. Pumasok ako sa kuwarto niya at pinagmasdan siya naka boxer shorts lamang ito at may akap akap na picture frame. Dahan dahan ko itong linapitan at sinilip kung kaninong larawan ang andun. Kita ko ang picture naming dalawa kung saan kuha naming dalawa nung bata pa kami nasa beach kami nun at nakaakbay si kuya sa akin.

Unti unting pumatak ang luha ko sa aking nakita. Akap ni kuya ang larawan naming dalawa. Kung akap niya ibig sabihin naaalala niya ako. ngunit bakit di niya ako kilala. Tanong ko sa aking sarili.

Bumalik na ako sa aking kuwarto at nagisip habang nakahiga sa aking kama. Nakaisip din ako ng paraan kung papaano ang aking gagawin para maibalik ang nawalang alaala ni kuya. Nakatitig lamang ako sa kisame ng aking kuwarto ta untiunting pumikit ang aking mga mata at nakatulog.

Maaga akong nagising upang mapuntahan ko ang aking kuya dahil matagal ko rin itong hindi nakita at namiss ko rin ito. Pababa na ako galing ng aking kuwarto upang kumuha ng maiinom na kape, pagdating ko sa sala namin nakita ki si Grace at ang ate nitong si Olivia kasama si Mommy na nakikipagkwentuhan at nakaupo sa sofa.

“Good morning Mhikz!” bati sa akin ni Grace tumayo ito.at lumapit sa may hagdan.

Naalala ko na lang na nakaboxer shorts ako at walang pang-itaas na damit. Bigla na lang akong tinamaan ng hiya. Ayos lang sa amin na makita kami ni Mommy sa ganong itsura pero kung may ibang babae iba na.

Nagmadali akong tumalikod sa kanila at tatakbo paakyat upang kumuha ng damit na maisusuot. Nang biglang may humatak sa likuran ng garter ng aking boxer shorts.

“at saan ka nanaman pupunta? Tatakbuhan mo nanaman ako tulad kahapon?” si Grace hatakhatak niya ang aking boxer shorts mula sa aking likod.

Nakarinig na lang ako ng tawanan. Si Mommy at si Olivia di mapigil ang kanilang tawa. Napalingon din si Grace kila Mommy at kung ano ang pinagtatawanan ng dalawa. Paglingon ni Grace sa akin. Bigla na lang binitawan ang pagkakahawak niya sa akin. At kita ko rin na labas ang aking puwet na siyang pinagtatawanan nila. Agad kong itinaas ang boxer shorts ko.

“Sorry mhikz” maumanhin ni Grace namatawatawa sa kanyang kinatatayuan.

“Tang na naman oh” tanging banggit ko.

Tumakbo ako paitaas at agad kong tinungo ang aking kuwarto. Rinig ko pa rin ang malakas na tawanan nila sa baba. At ako naghanap agad ng short pants at sando na maisusuot. Pagharap ko sa salamin namumula pa rin ang aking mukha sa hiya di muna ako bumaba hanggang naririnig ko pa ang kanilang mga tawanan.

“tok tok tok!” may kumatok sa aking pinto nang aking pagbukas si kuya naka shorts at t-shirt naka paa lamang ito. Bakat ang kanyang mga muscle sa suot niyang sando. At napansin kong may pilat na mahaba ito sa kaliwang braso. Siguro nakuha niya iyon mula sa pagkakaaksidente.

“kuya kaw pala. Ano kailangan mo” tanong ko siya na napangiti.

“ah Mickey manghihiram sana ako toothpaste kung maaari” sagot ni Kuya.

Tinungo ko ang banyo ko at kumuha ng toothpaste na hindi pa nagagamit.  Pagdating ko ng pinto inabot ko kay kuya ang totthpaste.  Pagkakuha ni kuya ng toothpaste tumalikod na ito. Nalungkot ako dahil wala man lang reaksyon ito. Papasok n asana siya ng kuwarto niya ng….

“salamat little bro!. gala tayo mamaya.” At pumasok na ito sa kanyang kuwarto.

Napangiti ako sa kanyang sinabi. Yun ang tawag niya sa akin lagi. Napaisip tuloy ako bakit niya ako tinawag ng ganun kung di siya nakakaalala. Hindi namin alam kung ano tlaga ang lagay ni kuya. At bakit niya akap aka pang picture naming dalawa nung bata pa kami.

Ilang minuto rin akong nakaupo sa aking kama at ngiisip. Nag biglang bumukas ang aking kuwarto at may tumakbo papalapit sa akin. Nagulat na lang ako ng may dumagan sa akin. Parang isang wrestler na binagsakan ang kapwa wrestler.

“Grace….. array kupo….. babae ka ba?” banat ko kay Grace. Na nakangiti lamang ito na nakakaloko.

“ano nanaman ang gagawin mo?” tanong ko sa kanya.

“wala lang naglalambing lang ako sa aking bestfriend”

“best friens? Kala ko alipin?” sarkastiko kong banat.

“pwede rin alipin na kita hehe.” Nakaibabaw pa rin ito sa akin.

“hay best mamaya maoospital na ako dahil sa mga pinaggagawa mo. Alam mo bang nakakahiya ang ginawa mo sa akin wala pang nakakakita sa aking puwet. Na ngayon nakita na ninyo ang tinatago tago ko.” Reklamo ka sa kanya.

“maganda naman ang puwet mo ha. Makinis” umalis siya mula sa pagkakadagan niya sa akin at umupo sa tabi ko.

“Ano ba ang ginagawa ninyong mag ate dito?” tanong ko.

“si ate nabalitaan niyang andito na si Kuya Marcus kaya nagpasamang pumunta dito. Alam mo namang mahal ni ate yun e. kaya wag mong sasabihing alam mo na yun ha.” Habang ang kanyang hintuturo ay idinikit niya sa kanyang nguso at ng shhhh…

Nagulat na lang kami ng may taong nakatayo sa pinto ng aking kuwarto at nanglilisik ang mata. Na waring gusto kaming patayin ni Grace. Kita sa mata ni Grace ang takot at nag tago ito sa aking likuran na ako ang ginawa niyang panangga.

Miyerkules, Hulyo 27, 2011

Chained II (part5)

Fast as Race
Napakalungkot ng aking nadarama ngayon sunodsunod na pagsubok para sa aking puso. sana wag kang mawawala sa akin. Hi kay kuya don, ran, kim, mama rose at mga silent reader ko kung meron man hihihi...

Part 5

Blumentrit Station siya bumaba ng tren, sa kabilang pinto ng tren ako bumaba upang di niya ako makita. Para akong isang detective na nagmamanman sa aking suspek. Bumaba na siya ng istastyon ng LRT, at ako naman ay aking sinundan pinapanatili kong 10 metro ang layo ko. Halos hindi ako kumurap sa pagkatututok sa kanya ng hindi siya mawala sa aking paningin.

Sumakay siya ng jeep na ang karatula ay Balut, may ganung lugar pala sa isip isip ko. Sumakay siya sa may bandang harap ng jeep at ako naman sa may likod sa may dulo upang di ako mapansin. Magkahalong tuwa at kaba ang aking nararamdaman sa oras na iyon. Tuwa dahil nakita ko na ang kuya ko ngunit malungkot ako hindi kami naaalala. At kaba dahil sa aking ginagawa na pagsunod sa kanya.

………………………2 months and 4 weeks later………………………………………

“anak asan ka ba kuya mo nawawala, at natagpuan ang sasakyan niya wasak ang harapan sa may highway.” Naiiyak si Mommy sa kabilang linya.

Bigla na lang akong nag lambot. Sinundan pala ako ni kuya upang magpaliwanag. Nakita na lang ako ni Ran na napaupo sa may lapag ng kanyang kwarto. Tinanong niya ako kung anong nangyari. Sinabi ko sa kanya kung anong masamang balita na sinabi ni Mommy sa akin.

Sinamahan ako ni Ran pauwi sa bahay namin. Iniwan ko muna ang aking sasakyan kila Ran at pinagmaneho niya ako gamit ang kanyang sasakyan.

“Sir! Nakupo wala po dito Mommy at Daddy ninyo nagiikot ikot pos a mga hospital sila. Hinahanap po kuya ninyo.” Ani ng katulong namin.

Agad ko namang tinawagan si Mommy. Nagriring ang kanyang cellphone ngunit hindi sinasagot. Nagpasama ako kay Ran na hanapin din sila Mommy. Nadaanan namin ang sasakyan ni kuya na wasak ang harap at may bahid ng mga dugo. Agad akong namutla sa aking nasaksihan. Kung naaksidente si kuya bakit wala ito sa sasakyan  at nawawala pa siya. Huminto kami sa lugar ng pangyayari at andun pa ang mga pulis na nagiimbestiga.

Tinanong ko ang mga pulis tungkol sa kaso. Tama nga ang hinala ko sinundan nga ako ni kuya nang umalis ako ng bahay.

Ayon daw sa nakakita bigla na lang daw iniwasan ni kuya ang biglang lumusot na tricycle na ang may kasalanan naman talaga. Biglang tumama na lang sa konkretong barikada ang sasakyan ni kuya. Bumaba daw ang sakay ng sasakyan na duguan at balisang balisa. At nag umpisa siyang tahakin ang daanan na kanyang tinatahak.

Napaiyak ako sa akig narinig na kwento. Alam kong mahal ako ng kuya ko. Ginagawa niya lahat para sa akin. Sa kabila ng kanyang pagkakaaksidente pinili pa niyang sundan pa rin ako. ngunit naguguluhan ako kung bakit nawawala siya.

……………………………………..…present …………………………………………..

Biglang tumigil ang sasakyan at bumaba na si kuya sa  jeep. Bumaba na rin ako ngunit bigla akong nagtago sa may likuran ng truck na nakaparada lamang sa may binabaan ko.. Naglakad siya hanggang marating niya ang kanto, at lumiko siya. Sinundan ko nanaman siya sa kantong linikuan niya. Lumiko ako sa kanto at sinusundan ko pa rin at patago tago  ako sa mga poste doon parang yung napapanood sa isang pelikula.

Sa dulo ng daan matatagpuan ang isang ilog. Ilog na wala ng buhay mistulang isang kumonoy nag basura ito. Paglumubog ka dito di ka na makakaahon sa dami ng basura.sa gilid ng ilog ay mga bahay na mga tagpi tagpi isang squatter area ang aking napasukan. Kinabahan ako dahil sa tanang buhay ko ngayon lang ako napadpad sa isang squatter area. Nakakatakot may mga maskuladong mga nakatambay na animoy mga siga sa lugar na iyon. At may mga nagiinumnan din sa daan.

Linakasan ko ang aking loob para lamang kay kuya. Pagdating niya sa tapat ng isang bahay na may gate na yari sa yero pumasok siya doon. Siguro dun siya nakatago ngayon. Pinuntahan ko ang bahay at sinilip ko muna ito.

Isang maliit na bahay lamang ang aking nakita at mag asawang matanda ang aking nakitang kausap ni kuya. Sa tingin ko sila ang may ari ng bahay. Pinakinggan ko ang kanilang paguusap. Hindi naman kalayuan sila sa aking pwesto na nakasandal sa isang konkretong pader ng kanilang kapit bahay. Habang nagtatago sa may gate nila na yari sa yero.

“Toto kamusta naman ang lakad mo” tanong ng matandang lalake habang inaayos ang kanilang pintuan.

“Ayos  lang po Tay. May nagpakilalang kapatid ko raw.” Paliwanag nito sa matandang lalake.

“nakausap mo ba?” tanong naman ng matandang babae habang nakaupo ito sa bangko at inaayos ang mga sinampay niya.

“pasensya nap o ngunit tumakbo nap o agad ako. natakot ako.” paliwanag niya sa magasawa.

Umalis na ako sa lugar na yun at nagmadaling umuwi. Sapat na ang malaman ko kung saan nakatira si kuya at kausapin ko na lang ang magasawa pag wala diyan si kuya pra tulungan kami kay kuya.

Sinundan ko lang ang daan kung saan ako dumaan kanina. Buti hindi mahirap alalahanin ang lugar kaya bukas babalikan ko na alng ang magasawa.

Pagkarating ko sa bahay sinalubong agad ako ni Mommy habang si Daddy nakaupo lamang sa may sofa. At halatang naghihintay din siya sa aking ibabalita.

“anak asan na kuya mo?” nagaalalang tanong ni Mommy.

“alam ko po kung saan nakatira si kuya. Kaya lang kailangan nating makausap muna ang magasawang tinitirhan niya para magpatulong sa kanya at baka matakot nanaman ito sa atin Mommy.” Paliwanag ko.

“sabihin mo sa akin at pupuntahan ko.” Utos sa akin ni Daddy.

“Daddy  wag kayong padalos dalos kung pupuntahan nyo agad si kuya matatakot lang yun at ano pa ang mangyari.” Wxplain ko kay Daddy.

“Kung hindi kasi sayo hindin magkakaganun ang kuiya mo. Kasalanan mo lahat ito.” Paninisi ni Daddy sa akin.

“Pwede ba wag na kayong magtalo. Nakita na si Marcus. Isipin nyo na lang kung papaano natin siya maiibabalik at hindi nagsisisihan..” awat sa amin ni Mommy.

Binigay ko sa kanila ang address at pinagusapan namin ang plano kung papaano makukuha si kuya na hindi matatakot. Ngunit kailangan muna naming makausap ang magasawang kumopkop sa kanya. Upang hindi ito mabigla.

Kinaumagahan naghanda na kami nila Mommy kasama si Daddy upang kausapin sila. Wala pang alas nuwebe ng umaga asa Balut Tondo na kami halong imosyon ang aming nararamdaman. Makikita mo sila Daddy at Mommy tahimik lamang. At makikita mo sa kanilang mukha ang balisa at malalim ang kanilang iniisip.

“Daddy, Mommy ako muna ang pupunta doon para masiguradong wala doon si kuya.” Sabi  ko sa aking mga magulang.

Tinungo ko na ang bahay ng magasawa at nagmanman kung andun pa si kuya. Hindi ko pinahalata sa mga kapitbahy nila na nagmamanman ako at nasa Tondi pa naman ako ng mabugbog ako. nang mapansin kong wala doon si kuya kumatok ako sa may gate. Agad naman nilang tinugon ang aking katok.

“sino sila?” bati sa akin ng matandang babae.

“Magtatanong lang po ako.” sagot ko sa kanya.

“ano yun totoy?” tanong sa akin. Tinawag akong totoy? Mukha ba akong bata?

“Manang kilala nyo po ba ito?” pinakita ko sa kanila ang larawan ni kuya.

“Si Toto yan ha? Aba Totoy kakilala mo ba siya?” si Manang at nakita ko ring palabas na rin ang kanyang asawa sa kanila munting bahay.

“opo kuya ko po siya matagal na namin po siya hinahanap.” Sagot ko naman kay manang.

“Aba’y mabuti natagpuan mo kami.. at matagal na rin siya naghahanap kung sino siya. Dadalhin sana namin siya sa presinto eh ayaw niya. Natatakot daw.” Si Manong.

“sandali lang po at tatawagin ko Daddy at Mommy ko sa sasakyan.” Paalam ko sandali sa kanila.

Nagmadali akong tumakbo papuntang sasakyan. Di ko alintana kung sino man ang mga taong nakatitig sa akin. Dahil sa aking saya na nadarama. Nakarating ako ng sasakyan at naabutan ko ang dalawa naguusap.

“Daddy Mommy kausapin nap o natin yung magasawa.” Sinundan nila ako habang si Mommy inaalalayan ko sa daan. Na medyo maputik.

Nakabalik agad ako sa bahay ng magasawa at kasama ko ang aking mga magulang. Pinagusapan namin kung ano ang nangyari at kung ano ang gagawin. Ang kwento ng matandang lalake na ang pangalan ay Mang Dencio at ang asawa naman niya ay Aling Tinay. Naglalakad daw siya sa daan nang makita niya naglalakad ang aking kuya ng makakasalubong niya bigla na lang ito nawalan ng malay. Dinala niya sa may klinika ng kanilang Barangay at dun nila ginamot. Nagpagkagising niya nawalan siya ng malay. Hinanapan daw nila ito ng wallet o ano mang pagkekelanlan nitop wala naman silang makita. Alam kong di hilig ni kuya magdala ng wallet kahit saang man lakad nagdadala lang to ng sapat na pera. Dahil saw ala itong matuluyan kaya napagdesisyunan na lang ni Mang Dencio na kupkupin pansamantala si kuya para may matirahan, at payag naman dito ang asawa niya.

Dahil sa nahihiya eto sa magasawa kaya nagtitinda na lang siya ng kung anu-ano sa Divisoria minsan naman sa Quiapo para lamang makatulong sa araw araw na gastusin. Hindi naman daw nahihirapan si kuya sa pagtitinda dahil sa angking kagwapuhan ni kuya marami din siyang nagiging suki. Kaya maaga pa lang nakakauwi ito at nagkakaroon ng pagkakataong hanapin kung sinu man ag nakakakilala sa kanya.

Napagdesisyunan nila na dalhin ng magasawa si kuya sa bahay upang hindi ito maghysterical. Inaabutan ni Daddy ang magasawa ng sobre na laman ay pera ngunit di tinanggap ng mag-asawa, tumutulong lang daw sila at hindi dila humihiling ng kapalit sa kanilang ginagawang pagtulong. Ngunit pinilit ni Mommy na kunin nila, kunin na lang daw nila at pambili na lang dawn g kanilang makakain para rin daw kay kuya. Kaya napilitan na rin tanggapin ng magasawa ang binigay ni Daddy.

Hindi pa raw nila alam kung kalian nila madadala si kuya sa bahay basta ipapaalam na lang nila kung nakausap na nila si kuya at pumayag. Binigay ni Daddy ang address at telephone no ng bahay. Pagkatapos nun umalis na kami sa lugar na yun at baka madatnan pa kami ni kuya.

Kinahapunan pinuntahan ko na ang aking sasakyan sa kaibigan namin upang alamin kung tapos na ba ang settings ng aking sasakyan.

“Pare buti dumating ka tapos na pero test drive pa at konting adjust na lang ang gagawin.” Si Bryan.

“Sige test na natin.” Sakay agad sa aking sasakyan sumunod din si Bryan.

Dinala damin sa lugar na malawak at walang kataotao upang masubukan ang bilis ng aking sasakyan. Ayos amg takbo maganda. Mabilis pwede nang isabak sa laban. Pero may konting adjust na lang at pwede ko nang ipangkarera. Kaya iniwan ko ulit sa talyer ang aking sasakyan.

Bali tatlo na ang aking hinihintay. Ang aking sasakyan, si kuya at makilala si kulot. Hindi na ako makapaghintay sa mga pangyayari. Sana dumating na ang mga hinihintay ko.

“ring ring ring” cell phone ko tumutunog sinagot ko ito at si Ran pala.

“Pare asan ka andito ako ngayon Greenhills samahan mo naman ako bumili ng damit di ako matunong pumili.” Pagmamakaawa ni Ran sa akin.

Sinabi ko na lang na maghintay siya at papunta na ako. pumara ako agad ng taxi at sinabing sa Greenhills ang punta agad namang hinarorot ng driver nakarating ako agad dahil kung saan saan nilusot ni Manong ang taxi kaya’t nakarating ako agad.

Alas kwatro ng hapon na ako nakarating sa Greenhills. Tinext ko si Ran at sa may sikat na fastfood chain na lang daw kami magkita pagdating ko dun nakita ko si Ran nasa loob at umiinom ng softdrink. Pagpasok ko tinanong niya ako kung nagugutom daw ba ako sabi ko okay lang ako. at tumayo na kami upang mamili ng kanayng damit.

Habang tumitingin kami kwenento ko sa kanya ang mga pangyayari na nakita na namin si kuya. Hanggang sa anong plano. Kwentuhan at habang naghahanap ng damit ng….

“Ran nakikita mo ba yung lalake na yun? Yung kulot na may kasamang babaeng nakaponytail at nakasalamin.?” Turo ko kay Ran. Napansin kong nagulat si Ran ngunit di ko na lang pinansin.

“Oo bakit?” matipid niyang sagot.

“Siya yung sinasabi kong lalakeng lagi kong nakikita. Tulad ngayon  andito nanaman siya.” Kwento ko sa kanya.

Di ko rin alam kung bakit lagi ko na lang siya nakikita. Ganun ba talaga siyang gala?

Tanging pilit na ngiti binitawan ni Ran sa akin. Hindi ko alam parang merong kakaiba kay Ran nung nakita niya si kulot.

“Mhiks! Ran! Andito pala kayo.” Isang pamilyar na kaibigan ang sumulpot mula sa aming likuran.

Lunes, Hulyo 25, 2011

COMING SOON


ang tinatago kong sekreto ay maisisiwalat na. at ang aking paghihiganti..  ABANGAN!!!

Miyerkules, Hulyo 20, 2011

Chained II (part4)

Fast as Race
 Love andito lang kami....... and ito na yung part 4 enjoy reading.
Part 4

Nadatnan ko si Ran na kausapap ang kaibigan naming mekaniko. At seryoso silang pinaguusapan ang karera kagabi. Na ang nanalo si Victor, mahigpit ang labanan ng dalawa.

"Pare andito ka" pambati ko kay Ran.

"San ka galing? Hinahanap kita saan saan di kita makita tinatawagan kita di ka sumasagot." pagsalubong sa akin ni Ran.

"Sorry linibang ko lang sarili ko sa pamamasyal." sagot ko kay Ran.

"May nangyari nanaman sa bahay ninyo noh?" tanong ni Ran.

"Pare kilala kita kung may problema ka ganyan ang ginagawa mo." dugtong ulit nito.

Hinarap ko ang aking kotse. Tiningnan ko kung tapos na itong ginawa. Ngunit nakasalang pa ito at hindi pa tapos ang settings na ginagawa pa dito.

“Mhikz pare baka sa isang araw pa matatapos yung setting ng sasakyan mo. Bukas pa kasi darating yung peyesang enorder ko para sa sasakyan mo.” Sabi sakin ni Bryan ang mekaniko aming kaibigan.

“ganun ba?! Basta pare ikaw na bahala sa baby ko. So next week pwede ko na siyang ipangkarera.” Sabi ko na lang tanong ko kay Bryan.

“Next week pwede na pero kailangan pa nating itest run at iadjust pa ang mga previous setting niya para tumugma sa gagawin nating settings.” Explain ni Bryan.

“ok sige ba pare. Salamat tawagan na lang kita” at nagpaalam na akong uuwi.

“ano pa hinihintay mo diyan Ran? Paglalakarin mo ba ako?” tawag ko kay Ran.

“Ginawa daw ba akong driver. Kung ano ang ginagawa sayo ni Grace wag mong gawin sa akin.” Reklamo niya. Napatawa na lang ako sa sinabi niya.

Nasa loob kami ng sasakyan patungo ng aming bahay. Nang ikuwento ko ang nangyari kanina sa bahay, dahil alam kong kukulitin ako ni Ran kaya kwenento ko na rin na nagaway nanaman kami ng aking ama. At di katagalan, kwenento ko na rin tungkol kay kulot.

Natawa siya sa aking kwenento. Para daw gawa gawa ko lang ito at napaka coincident naman daw kung asan ako dun din sumusulpot at bigla na lang nawawalang parang bula.

Si Ran alam niya ang buong kwento ng aking buhay kung ano ako ay tanggap niya. Di kami talo magkapatid lang ang turingan namin. Kung si Grace ang bestfriend kong babae si Ran naman ang bestfriend kong lalake.

Bago ako iuwi ni Ran dumaan muna kami sa isang fastfood Chain sa may Guadalupe. Para kumain na ng hapunan doon at para pag uwi ko deretso na lang akong matulog dahil sa pagod na rin akong sa maghapon na yun.

Habang kumakain kami. Nagkukuento ako kay Ran tungkol sa mga sasakyang magaganda ngunit napansin ko siyang nakatulala siya at may tinititigan mula sa aing likod.

“hoy! Anong nangyayari sayo?” tawag ko kay Ran habang winawagayway ko ang aking kamay sa harap ng kanyang mukha.

“ah pasensya na. hehe yung lalake kasi sa likod mo yung nakabonet at eyeglass napatingin ako sa kanya nagtama yung tingin namin nginitian ako. kakatuwa ang kulit niya.” Sagot sa akin ni Ran.

“Pare sis na rib a kita?” pangaasar ko kay Ran.

“Ewan ko pare nahawa na ata ako sa iyo.” Sagot sa akin.

“Gago!” napamura ako sa kanya. Sa usapan naming yun napaisip ako tungkol kay Ran kung natutulad nab a siya sa akin.

Nang lingunin ko yung lalakeng sinabi niya wala na ito sa upuan niya. Ng CR na lang ito. Kaya yinaya ko na rin si Ran na iuwi na lang niya ako. bago kami lumabas nagCR muna siya at ako naman nagabang na lang sa labas.

Matagal din akong naghintay sa labas. Nang dumating si Ran nakita ko na lang ang ngiti sa kanyang mukha na parang nanalo siya sa lotto. At sabi lang niya may nagtext sa kanya ng joke. Na siya naman di ko pinaniwalaan. Alam ko na may kinalaman yung taong nakabonet at eyeglass na sinabi niya. At talagang nagduda na ako sa aking best friend na lalake.

…………………………..2 months ago……………………………………………….

“Mhiks mahal na mahal kit asana bago ako mawala sa tabi mo sana mapatawad mo ako..”

“Napatawad na kita ngunit di ko na maibabalik ag dati kung ano tayo. Dahil sa iyo nawala ang kuya ko.”

“Sorry talaga hindi ko sinasadya ang pangyayari sorry….”

…………………………present………………………………………………………..

Nagising ako mula sa aking pagkakatulog. Alas tres ng madaling araw ako nagising. Sama ng panaginip ko si kuya napaginipan ko hinahabol ko daw siya habang papalabas siya ng pinto at mga korteng mga kamay na anino ang humihila sa akin at pinipigilan akong mahabol si kuya.
Magtatatlong buwan na rin simula nawala si kuya tuwing naaalala ko si kuya naiiyak ako. si kuya ang lagging promoprotekta sa akin nagtatanggol kay papa. Kalaro. Kakwentuhan at lahat ng gusto ko binibigay niya. Walang araw na wala akong pasalubong sa akin na brownies kahit na parehas na kaming graduate. At kung may gusto akong babae tinutulungan niya ako. masgwapo si kuya sa akin. Artistahi ang dating. Daming nagkakagusto sa kanya. Kalaro ko siya sa basketball at kahit na anong sports kasama ko siya. Perpekto na ang aking buhay dahil kay kuya hanggang dahil kay Dan nawala ang aking kuya.

Napatawad ko na siya ngunit andun pa rin ang galit sa aking puso na kung hindi dahil kay Dan di mawawala ang akng Kuya Marcus ko. Hindi alam ni Daddy at Mommy ang tunay na dahilan.

………………………2 months and 4 weeks later………………………………………

“Nasa Hong Kong si Daddy at Mommy tita baka next next week pa ang balik nila” explain ko sa aking tita mula sa kabilang linya ng telepono kakagaling ko lang kila Ran nang magring ang telepono at ako na ang sumagot. Alas singko na ng hapon ako nakarating nun sa bahay.

Dumaan muna ako sa kusina para kumuha ng maiinom na juice. Hinanap ko si manang kung asa kusina ngunit wala siya doon, nakita ko na lang ang isang note na kasama niya ang ibang katulong para mamalengke kasama rin ang driver namin. Tinungo ko ang refregirator, binuksan at kumuha ng pineapple juice in can at yun ang aking ininom.

Tinungo ko na ang aking kwarto upang magpahinga dahil sa pagod buong araw din akong nagging busy kasama si Ran.  Nang….

“ah… ah…. Ah….!” Nagmumula ito sa aking kwarto at nakalock ang pinto ko.

Kinuha ko sa aking bagpack ang susi ng aking kwarto at unti unti ko itong binuksan. Madilim ang loob ng aking kwarto dahil natatakpan ng kurtina ang mga bintana sa aking kwarto. Bigla ko na lang sinindihan ang ilaw ng aking kwarto. Na nagulanatang ako sa aking nakita. Si Dan nakaupo sa ibabaw ng aking kuya na siya namang nakahiga sa aking kama.

Nagulat din silang dalawa sa akin na nakatayo sa may pinto. Agad silang tumayo mula sa aking kama at hinanap nila ang kinilang mga saplot at nagmadaling pumunta sa aking harap upang magpaliwanag.

Hindi ko na sila hinintay agad na rin akong umalis sa aking kwarto at pinuntahan ang aking sasakyan (Honda Civic ko) at pinaandar na ito. Nagmadali akong umalis sa bahay na iyon dahil ayaw kong kausapin ni isa man sa kanila.

………………………………….present……………………………………………………..


Lingo ng umaga ginigising ako ng aking Mommy para samahan siyang magsimba. At si Daddy asusual kasama nanaman niya ang mga business partner niya. Naligo na ako at nagbihis matapos bumaba ako upang kumain ng agahan kasama si Mommy.

Pasakay na ako ng family car ng sabihin ni Mommy yung bago ko na lang na sasakyan ang gamitin. Ngunit sinabi kong asa talyer pa iyon at inaayos pa. sabi na lang ni Mommy na yung ivic ko na lang ang gamitin dahil gusto niyang kaming dalawa lang ang kasama hindi kasama ang driver. Upang makapagbonding daw kami.

Simbahan sa Quiapo ang napagpasyahan namin ng aking Mommy. Kahapon lang andito ako ngayon andito nanaman. Masaya kaming nagkekwentuhanni Mommy habang tinutumbok namin ang lugar ng aming pagpaparkingan ng aking sasakyan. Malapit sa Simbahan namin iniwan ang aking sasakyan dahil kilala rin namin ang may ari ng pwesto kung saan namin pinark ang kotse.

Kakaumpisa pa lang ng misa ng nakarating kami ni Mommy buti at may isa pang bakanteng upuan at dun ko pinaupo si Mommy samantala ako nakatato sa may gilid nag pader ng simbahan. Tanaw ko rin naman si Mommy mula sa aking pwesto.

Mula sa pwesto ko natanaw ko ang isang pamilyar na lalake tinitigan ko siyang mabuti, hindi ako nagkakamali si kuya ngunit parang kakaiba siya. Linapitan ko ito habang taimtim sa kanyang pagdadasal waring may hinihiling na gusto niyang mabigyan agad ng tugon.

“Kuya? Ikaw bay an?” nangingilid na ang aking luha.

“Sino ka?” tanging sagot lamang niya.

Lumakas ang kabog ng aking dibdib sa aking narinig hindi ako kilala. Pero imposible hindi ako pwedeng magkamali si kuya talaga ag kaharap ko siya lang ang may balat sa bandang ibaba ng leeg na hugis puso.

“Kuya di mo ba ako naaalala? Si Mhikz ito kapatid mo?” pagtataka kong tanong sa kanya.

“Pasensiya na di kita kilala at wala akong naaalalang kapatid ko.” Hindi mawari ang kanyang ekspresyon kung maniniwala o hindi.

“Kuya nagkaabmisya ka ba?” mabilis kong tanong sa kanya alam ko kung hindi ka naaalala ng isang tao mamaaring nagkaroon ng abmisya ito. Kaya ito agad ang napasok sa aking isip.

Nakatingin lang ito sa akin na sinusuri ang aking mukha hindi sa kalayuan tumayo ang aking Mommy mula sa inuupuan nito at agad na tumakbo nang makita niya kami ng lalakeng pinaghihinalaan kong kuya.

“Marcus anak ko!!!!” sigaw ni Mommy papalapit sa amin habang umiiyak ito.

Sa gulat ng lalake agad itong tumakbo paabas ng simbahan. Halos lahat ng tao sa simbahan nakatingin sa amin na waring may shooting na nangyayari may lumapit na mga secrity upang alamin kung ano ang nangyayari sa amin.

Nakalabas na ng simbahan ang lalake na akmang hahabulin ni Mommy sa labas agad kong pinigilan si Mommy at sinabi kong hintayin na lang niya ako sa sasakya at ako na lan ang hahabol kay kuya.
“Anak ibalik mo kuya mo.” Pakiusap sa akin ni Mommy.

Agad akong tumakbo palabas ng simbahan. Dahil sa maraming tao nahirapon akong mahanap siya. Ngunit di ako bigo nakita ko siya patungo sa gawing kung asan ang LRT1 agad ko itong sinundan.

Mga ilang minuto ko rin siyang sinundan ng lumiit na ang agwat namin. Mga limang metro na lang ang layo ko sa kanya.pagdating nito sa may tapat ng Isetan na katabi lang ng SM Clearance Outlet huminto ito. Hindi ko na lang muna ito linapitan at pinagmasdan ko lamang ito.

Gulong gulo ang kanyang isip sa aking tingin nakayuko lamang ito habang sinasabunutan nito ang kanyang buhok. Naaawa ako sa lagay ng lalake parang nanlulumo ang kanyan itsura. Gusto kong lapitan ngunit baka tumakbo na ang ito palayo sa akin.

Tumayo ito ulit at nagumpisang maglakad lakad ito. Tinungo niya ang istasyon ng LRT1 at dun sumakay ng tren. Nasundan ko rin siya sa loob ng tren. Ang plano ko na ang sundan ito kung siya nakatira at doon ko na lang siya kausapin. Habang nasa tren naisipan kong tawagan si Mommy na pasundo na lang siya sa aming driver at dalhin na rin pauwi ng bahay ang aking kotse, magcocommute na lang ako pauwi at itetext ko sa kanila kung ano na ang nangyari.