Fast as Race
Part 4
Nadatnan ko si Ran na kausapap ang kaibigan naming mekaniko. At seryoso silang pinaguusapan ang karera kagabi. Na ang nanalo si Victor, mahigpit ang labanan ng dalawa.
"Pare andito ka" pambati ko kay Ran.
"San ka galing? Hinahanap kita saan saan di kita makita tinatawagan kita di ka sumasagot." pagsalubong sa akin ni Ran.
"Sorry linibang ko lang sarili ko sa pamamasyal." sagot ko kay Ran.
"May nangyari nanaman sa bahay ninyo noh?" tanong ni Ran.
"Pare kilala kita kung may problema ka ganyan ang ginagawa mo." dugtong ulit nito.
Hinarap ko ang aking kotse. Tiningnan ko kung tapos na itong ginawa. Ngunit nakasalang pa ito at hindi pa tapos ang settings na ginagawa pa dito.
“Mhikz pare baka sa isang araw pa matatapos yung setting ng sasakyan mo. Bukas pa kasi darating yung peyesang enorder ko para sa sasakyan mo.” Sabi sakin ni Bryan ang mekaniko aming kaibigan.
“ganun ba?! Basta pare ikaw na bahala sa baby ko. So next week pwede ko na siyang ipangkarera.” Sabi ko na lang tanong ko kay Bryan .
“Next week pwede na pero kailangan pa nating itest run at iadjust pa ang mga previous setting niya para tumugma sa gagawin nating settings.” Explain ni Bryan.
“ok sige ba pare. Salamat tawagan na lang kita” at nagpaalam na akong uuwi.
“ano pa hinihintay mo diyan Ran? Paglalakarin mo ba ako?” tawag ko kay Ran.
“Ginawa daw ba akong driver. Kung ano ang ginagawa sayo ni Grace wag mong gawin sa akin.” Reklamo niya. Napatawa na lang ako sa sinabi niya.
Nasa loob kami ng sasakyan patungo ng aming bahay. Nang ikuwento ko ang nangyari kanina sa bahay, dahil alam kong kukulitin ako ni Ran kaya kwenento ko na rin na nagaway nanaman kami ng aking ama. At di katagalan, kwenento ko na rin tungkol kay kulot.
Natawa siya sa aking kwenento. Para daw gawa gawa ko lang ito at napaka coincident naman daw kung asan ako dun din sumusulpot at bigla na lang nawawalang parang bula.
Si Ran alam niya ang buong kwento ng aking buhay kung ano ako ay tanggap niya. Di kami talo magkapatid lang ang turingan namin. Kung si Grace ang bestfriend kong babae si Ran naman ang bestfriend kong lalake.
Bago ako iuwi ni Ran dumaan muna kami sa isang fastfood Chain sa may Guadalupe. Para kumain na ng hapunan doon at para pag uwi ko deretso na lang akong matulog dahil sa pagod na rin akong sa maghapon na yun.
Habang kumakain kami. Nagkukuento ako kay Ran tungkol sa mga sasakyang magaganda ngunit napansin ko siyang nakatulala siya at may tinititigan mula sa aing likod.
“hoy! Anong nangyayari sayo?” tawag ko kay Ran habang winawagayway ko ang aking kamay sa harap ng kanyang mukha.
“ah pasensya na. hehe yung lalake kasi sa likod mo yung nakabonet at eyeglass napatingin ako sa kanya nagtama yung tingin namin nginitian ako. kakatuwa ang kulit niya.” Sagot sa akin ni Ran.
“Pare sis na rib a kita?” pangaasar ko kay Ran.
“Ewan ko pare nahawa na ata ako sa iyo.” Sagot sa akin.
“Gago!” napamura ako sa kanya. Sa usapan naming yun napaisip ako tungkol kay Ran kung natutulad nab a siya sa akin.
Nang lingunin ko yung lalakeng sinabi niya wala na ito sa upuan niya. Ng CR na lang ito. Kaya yinaya ko na rin si Ran na iuwi na lang niya ako. bago kami lumabas nagCR muna siya at ako naman nagabang na lang sa labas.
Matagal din akong naghintay sa labas. Nang dumating si Ran nakita ko na lang ang ngiti sa kanyang mukha na parang nanalo siya sa lotto. At sabi lang niya may nagtext sa kanya ng joke. Na siya naman di ko pinaniwalaan. Alam ko na may kinalaman yung taong nakabonet at eyeglass na sinabi niya. At talagang nagduda na ako sa aking best friend na lalake.
…………………………..2 months ago……………………………………………….
“Mhiks mahal na mahal kit asana bago ako mawala sa tabi mo sana mapatawad mo ako..”
“Napatawad na kita ngunit di ko na maibabalik ag dati kung ano tayo. Dahil sa iyo nawala ang kuya ko.”
“Sorry talaga hindi ko sinasadya ang pangyayari sorry….”
…………………………present………………………………………………………..
Nagising ako mula sa aking pagkakatulog. Alas tres ng madaling araw ako nagising. Sama ng panaginip ko si kuya napaginipan ko hinahabol ko daw siya habang papalabas siya ng pinto at mga korteng mga kamay na anino ang humihila sa akin at pinipigilan akong mahabol si kuya.
Magtatatlong buwan na rin simula nawala si kuya tuwing naaalala ko si kuya naiiyak ako. si kuya ang lagging promoprotekta sa akin nagtatanggol kay papa. Kalaro. Kakwentuhan at lahat ng gusto ko binibigay niya. Walang araw na wala akong pasalubong sa akin na brownies kahit na parehas na kaming graduate. At kung may gusto akong babae tinutulungan niya ako. masgwapo si kuya sa akin. Artistahi ang dating. Daming nagkakagusto sa kanya. Kalaro ko siya sa basketball at kahit na anong sports kasama ko siya. Perpekto na ang aking buhay dahil kay kuya hanggang dahil kay Dan nawala ang aking kuya.
Napatawad ko na siya ngunit andun pa rin ang galit sa aking puso na kung hindi dahil kay Dan di mawawala ang akng Kuya Marcus ko. Hindi alam ni Daddy at Mommy ang tunay na dahilan.
………………………2 months and 4 weeks later………………………………………
“Nasa Hong Kong si Daddy at Mommy tita baka next next week pa ang balik nila” explain ko sa aking tita mula sa kabilang linya ng telepono kakagaling ko lang kila Ran nang magring ang telepono at ako na ang sumagot. Alas singko na ng hapon ako nakarating nun sa bahay.
Dumaan muna ako sa kusina para kumuha ng maiinom na juice. Hinanap ko si manang kung asa kusina ngunit wala siya doon, nakita ko na lang ang isang note na kasama niya ang ibang katulong para mamalengke kasama rin ang driver namin. Tinungo ko ang refregirator, binuksan at kumuha ng pineapple juice in can at yun ang aking ininom.
Tinungo ko na ang aking kwarto upang magpahinga dahil sa pagod buong araw din akong nagging busy kasama si Ran. Nang….
“ah… ah…. Ah….!” Nagmumula ito sa aking kwarto at nakalock ang pinto ko.
Kinuha ko sa aking bagpack ang susi ng aking kwarto at unti unti ko itong binuksan. Madilim ang loob ng aking kwarto dahil natatakpan ng kurtina ang mga bintana sa aking kwarto. Bigla ko na lang sinindihan ang ilaw ng aking kwarto. Na nagulanatang ako sa aking nakita. Si Dan nakaupo sa ibabaw ng aking kuya na siya namang nakahiga sa aking kama .
Nagulat din silang dalawa sa akin na nakatayo sa may pinto. Agad silang tumayo mula sa aking kama at hinanap nila ang kinilang mga saplot at nagmadaling pumunta sa aking harap upang magpaliwanag.
Hindi ko na sila hinintay agad na rin akong umalis sa aking kwarto at pinuntahan ang aking sasakyan (Honda Civic ko) at pinaandar na ito. Nagmadali akong umalis sa bahay na iyon dahil ayaw kong kausapin ni isa man sa kanila.
………………………………….present……………………………………………………..
Lingo ng umaga ginigising ako ng aking Mommy para samahan siyang magsimba. At si Daddy asusual kasama nanaman niya ang mga business partner niya. Naligo na ako at nagbihis matapos bumaba ako upang kumain ng agahan kasama si Mommy.
Pasakay na ako ng family car ng sabihin ni Mommy yung bago ko na lang na sasakyan ang gamitin. Ngunit sinabi kong asa talyer pa iyon at inaayos pa. sabi na lang ni Mommy na yung ivic ko na lang ang gamitin dahil gusto niyang kaming dalawa lang ang kasama hindi kasama ang driver. Upang makapagbonding daw kami.
Simbahan sa Quiapo ang napagpasyahan namin ng aking Mommy. Kahapon lang andito ako ngayon andito nanaman. Masaya kaming nagkekwentuhanni Mommy habang tinutumbok namin ang lugar ng aming pagpaparkingan ng aking sasakyan. Malapit sa Simbahan namin iniwan ang aking sasakyan dahil kilala rin namin ang may ari ng pwesto kung saan namin pinark ang kotse.
Kakaumpisa pa lang ng misa ng nakarating kami ni Mommy buti at may isa pang bakanteng upuan at dun ko pinaupo si Mommy samantala ako nakatato sa may gilid nag pader ng simbahan. Tanaw ko rin naman si Mommy mula sa aking pwesto.
Mula sa pwesto ko natanaw ko ang isang pamilyar na lalake tinitigan ko siyang mabuti, hindi ako nagkakamali si kuya ngunit parang kakaiba siya. Linapitan ko ito habang taimtim sa kanyang pagdadasal waring may hinihiling na gusto niyang mabigyan agad ng tugon.
“Kuya? Ikaw bay an?” nangingilid na ang aking luha.
“Sino ka?” tanging sagot lamang niya.
Lumakas ang kabog ng aking dibdib sa aking narinig hindi ako kilala. Pero imposible hindi ako pwedeng magkamali si kuya talaga ag kaharap ko siya lang ang may balat sa bandang ibaba ng leeg na hugis puso.
“Kuya di mo ba ako naaalala? Si Mhikz ito kapatid mo?” pagtataka kong tanong sa kanya.
“Pasensiya na di kita kilala at wala akong naaalalang kapatid ko.” Hindi mawari ang kanyang ekspresyon kung maniniwala o hindi.
“Kuya nagkaabmisya ka ba?” mabilis kong tanong sa kanya alam ko kung hindi ka naaalala ng isang tao mamaaring nagkaroon ng abmisya ito. Kaya ito agad ang napasok sa aking isip.
Nakatingin lang ito sa akin na sinusuri ang aking mukha hindi sa kalayuan tumayo ang aking Mommy mula sa inuupuan nito at agad na tumakbo nang makita niya kami ng lalakeng pinaghihinalaan kong kuya.
“Marcus anak ko!!!!” sigaw ni Mommy papalapit sa amin habang umiiyak ito.
Sa gulat ng lalake agad itong tumakbo paabas ng simbahan. Halos lahat ng tao sa simbahan nakatingin sa amin na waring may shooting na nangyayari may lumapit na mga secrity upang alamin kung ano ang nangyayari sa amin.
Nakalabas na ng simbahan ang lalake na akmang hahabulin ni Mommy sa labas agad kong pinigilan si Mommy at sinabi kong hintayin na lang niya ako sa sasakya at ako na lan ang hahabol kay kuya.
“Anak ibalik mo kuya mo.” Pakiusap sa akin ni Mommy.
Agad akong tumakbo palabas ng simbahan. Dahil sa maraming tao nahirapon akong mahanap siya. Ngunit di ako bigo nakita ko siya patungo sa gawing kung asan ang LRT1 agad ko itong sinundan.
Mga ilang minuto ko rin siyang sinundan ng lumiit na ang agwat namin. Mga limang metro na lang ang layo ko sa kanya.pagdating nito sa may tapat ng Isetan na katabi lang ng SM Clearance Outlet huminto ito. Hindi ko na lang muna ito linapitan at pinagmasdan ko lamang ito.
Gulong gulo ang kanyang isip sa aking tingin nakayuko lamang ito habang sinasabunutan nito ang kanyang buhok. Naaawa ako sa lagay ng lalake parang nanlulumo ang kanyan itsura. Gusto kong lapitan ngunit baka tumakbo na ang ito palayo sa akin.
Tumayo ito ulit at nagumpisang maglakad lakad ito. Tinungo niya ang istasyon ng LRT1 at dun sumakay ng tren. Nasundan ko rin siya sa loob ng tren. Ang plano ko na ang sundan ito kung siya nakatira at doon ko na lang siya kausapin. Habang nasa tren naisipan kong tawagan si Mommy na pasundo na lang siya sa aming driver at dalhin na rin pauwi ng bahay ang aking kotse, magcocommute na lang ako pauwi at itetext ko sa kanila kung ano na ang nangyari.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento