khiefblue
first of all i want to thank kuya don sa pagbigay sakin ng lakas loob na subukang mag sulat at kay kuya jeffy for being my inspiration dahil gandang ganda ako sa mga kwento nya. how i wish kaya ko rin gumawa ng ganung kagandang istorya. this is my first time to write a story. sana po gabayan nyo ako hehe....
Part 1
Napakainit…. Yan lang ang nabanggit ko habang papasok noon sa aking trabaho. Alas 10 kasi ang pasok naming 10am to 7pm hinahabol kasi namin ang office hours sa Japan.
Ako nga pala si Ronnie…. 22 years old galing ng Carmona Cavite. pinalaki ako ng aking magulang na mabait at may takot sa Diyos kahit minsan ay sira ulo hehe… Hindi naman kagwapuhan maputi medium built kahit paano may abs at nasa 5’5” ang aking height. Kahit papaano may mga nagkakagusto rin saking mga babae at minsan linalandi ng mga bakla. nangungupahan pala ako sa Pio del Pilar dahil dito ako nagtatrabaho sa Makati ..
First day ko sa trabaho. Pinasok kasi ako ng aking boss na hapon sa company nya. Nakilala ko kasi sya sa isang charity institution kung saan ako nagvolunteer. Nabaitan sakin at tinanong kung gusto kong magtrabaho bilang CAD Operator ngunit HRM ang natapos ko, sabi lang nya na turuan na lang daw ako. Dahil nga graduate ako at wala pang trabaho pumayag naman ako.
Pagpasok ko sa opisina kitang kita ko kung paano nagtinginan sa akin ang mga empleyado doon. Sa hiya yumuko na lang ako at umupo sa may waiting area may lumapit naman sa aking lalake na tantya ko nasa early 40’s. nagtanong sya sa akin “ ikaw ba si Ronnie yung bagong CAD? “opo ako po” sagot ko. Ako pala si Ed ang translator dito sa office halika samahan kita sa HR. pagdating ko sa loob ng isang kwarto kung nasaan ang HR, isang matabang babae ang lumingon sa direksyon namin. “ikaw pala si Ronnie halika maupo ka dito” turo nya sa silyang nasa harapan ng kanyang lamesa. “ako pala si Heidi kung may problema ka sabihin mo lang sakin.” Pakilala nya sa kanyang sarili. Pirmahan mo lang tong kontrata. Bali 1 month ka tuturuan, tapos 3 months under provision then after nun pwede ka nang gawing regular. At in-explain nya pa sakin ang mga policies dito sa kompanya. Matapos nya akong kausapin at i-orient pinasamahan na ako kay kuya Ed kung saan ang pwesto ko. Tinuro sakin ang bakanteng pwesto sa bandang harapan. At lumapit naman sa akin ang isang magandang babae na tantya ko nasa 24 pa lang ito, “siya pala si Ammie ang magtuturo sayo isa sya sa mga Checker/supervisor. Magiging under ka nya” pakilala ni Kuya Ed sa akin. “Good morning Mam Ammie” bati ko naman. “ano na ang mga alam mo sa CAD? Tanong ni Mam Ammie “wala pa po mam” sagot ko. Patay tayo dyan banggit na lang nya.” Ito ang libro ng basahin mo to muna bago tayo mag hands-on” at kung anu-ano pa ang mga instruction nya sa akin. Kung andito lang si Lesslie mapapadali ang pagtuturo ko sayo. Sabay turo sa bakanteng pwesto na nas likuran ko lamang. “nag leave kasi sya may inisikaso” paliwanag ni Mam Ammie. “Mabait yun si Lesslie at madaldal baka sya ang maging partner mo dito sa trabaho.” Nung nakita ko ang picture sa may lamesa ni Lesslie nakita ko ang isang magandang babae na may medyo cute na lalakeng nakaakbay. “Ganda pala nung Lesslie” banggit ko na lang sa aking sarili. Ngunit sa isip isip ko na rin baka boyfriend nya yung lalakeng nakaakbay sa kanya.
Maghapon kong binasa ang makapal na libro. Sinabihan na rin ako ni Ms. Ammie na bukas na lang ako mag-hands on upang matapos ko ang pagbabasa. Alas 7 na nang gabi nang kami ay nag-uwian. Tinanong ako ni Mam Ammie kung saan ako umuuwi at sinabi kong sa may Pio del Pilar ako nangungupahan.Dahil sa pareho lang pala kami ng lugar, minabuti naming magsabay na lang. Malapit lang naman ito sa aming opisina kayat napagpasyahan naming maglakad na lamang. Marami kaming napagkwentuhan… at nababanggit nya si Lesslie na palagi daw niyng kasama sa lahat ng lakaran. Ngunit umuwi naman ito sa probinsya daw nila dahil emergency daw at bukas pa ang balik. Bigla naman akong na-excite na makilala ko si Lesslie dahil kwento nga naman ni Mam Ammie ay nabakabait nito, isama mo pa ang nakita kong magandang babae na nasa picture ng kanyang lamesa.
Kinaumagahan nagising ako sa ingay nang mga kasama ko sa kwarto nagmamadali silang maligo at late na raw sila samantala ako naman ay bumalik lamang sa tulog dahil aas 10 pa naman ang pasok ko. Nang biglang nagtext sa akin si Mam Ammie sabay na lang daw kami pumasok dahil sa kabilang kanto lang naman ang boarding house nila. Umoo ako at nagbabakasakaling kasabay nya na si Lesslie. Naligo na ako at nagbihis at tumambay muna sa malapit na karinderya at kumain. Nang dumating na ang oras na napagusapan naming pinuntahan ko na si Mam Ammie. “Good morning Mam Ammie” bati ko na nasa labas na ng boarding house nila “Good morning din!” ang bait talaga ni Mam Ammie at maganda pa. Pero masmaganda si Lesslie” sa isip ko. Habang naglalakad kami tinanong ko sya tungkol kay Lesslie. “hindi po ba nyo kasabay sa maglakad si Lesslie?” tanong ko. “la pa ata sya e, nagtext sa akin baka isang lingo sya pumasok, at sa isang linggo mo na sya makilala” sambit nya. Ganun po ba. Sabi ko na lang. nakarating na kami ng office at diretso sa pwesto ko at inumpisahan ulit ang pagbabasa. Mayamaya inumpisahan na akong turuan ni Mam Ammie sa trabaho. Ganun… ganyan… at ano pa ang tinuturo. At mabilis ko naming na pick-up ang mga tinuturo nya. Sino ba ang hindi gaganahan sa kanya magaling, maganda at mabait. At maghapon nanaman akong busy sa kakaaral. May oras naman na susulyapan ko ang table ni Lesslie at hinihiling na dumating na sana sya para makilala ko.
Sabay na naman kaming umuwi ni Mam Ammie ngayon sabay na rin kaming kumain ng hapunan dahil wala syang kasama . dahil tanging kasama lang nyang maghapunan ay si Lesslie lamang, at sa ngayon ay wala pa sya. Nagtanong nanaman ako tungkol kay Lesslie kay Mam Ammie at dun nya nahalata na medyo may pagkainterest ako kay Lesslie. “lagi mo na lang tinatanong si Lesslie sa akin parang interesado ka sa kanya”. Hindi Mam Ammie lagi nyo po kasing binabanggit si Lesslie sa akin kaya na cucurious ako kung ano ang ugali nya. Mabait, matulungin, makulit at madaldal palakaibigan minsan alaskador. “alaskador?” sambit ko. Dyan kasi sa office pag hindi sport iiyak ka. Kaya masanay ka na sa mga alaskahan pag tumagal ka dyan humanda ka ikaw na ang aalaskahin dyan hehe.
Nakauwi na ako ng boarding house. nagpalit ng damit naligo at humiga na sa kama . At nagmuni muni. Naiinlove naba ako kay Lesslie ni di ko pa sya nakikita. Masmaganda ba sya sa personal? Mabait ba talaga sya? Magustuhan kaya nya ako? Teka bakit magustuhan agad ni di ko pa sya nakikilala. Nasa ganun akong pagiisip nang makatulog ako. Nasa office ako at ginagawa ko lahat ng mga exercises na pinapagawa sa akin ni Mam Ammie. Nang Makita ko isang magandang babae ang papalapit sa akin at umupo sa likuran ko. “ang ganda nya” sabi ko sa aking sarili. At maya maya tumayo siya at pumunta sa aking harapan at inaabot nya sa akin ang kanyang kamay “Lesslie and you are Ronnie right?” banggit nya “yup I’m Ronnie” pagkaabot ko nang aking kamay sa kanya bigla nya akong siniil ng matamis na halik. Nagulat ako sa nangyari ang kanyang mga labi ay pababa ng aking leeg at bumalik sa pisngi nang bigla akong nagising may ipis sa aking mukha. Napatayo ako bigla at nauntog sa double deck nasa ibaba kasi ako. “Array ko” sambit ko. na syang pagkagising nang kasama ko sa itaas. “uy anong nangyari?” tanong nung nagising. May ipis gumapang sa mukha ko. “tol lakas nang appeal mo sa mga ipis huh? Hahaha!” pangasar nya sige na matulog ka na ulit pasensya sa ingay. Pagpapaumanhin ko sa kanya at natulog na rin sya. Habang ako ay sinasariwa ko ang maganda kong panaginip nang dahil sa ipis naputol. Nang biglang nagpakita ulit ang ipis this time nasa balikat ko. At aking tinaboy ang ipis na syang tumilapon sa isa naming kasamang si cholo. Nagising sya at naglulundag dahil sa ipis. Nagising lahat nang kasama namin at tiningnan sya nang napatunganga kami nang tumili sya na parang babae. Bigla akong tinaasan nang balahibo. Ang lalakeng lalake na si Cholo ay isang bading? Tanong ko sa isip ko. At sya rin atang iniisip nang mga iba. At bigla na lang kaming nagtawanan. “bakla ka ba?” tanong ng kasama ko sa itaas. “sinong bakla? Ako nagulat lang ako, sino ba ang gagong nagbato sakin ng ipis bubugbugin ko.” At lumabas na lang ako at nag cr para hindi mapagbintangan. Totoo lang ako naman talaga ang dahilan.
Lumipas ang araw at dumating na ang biyernes. Tiningnan ko ulit ang table ni Lesslie at inisp 3 araw na lang makikita ko na sya. Na para akong gago na naghihintay sa isang nobyang nawala. Hoy nkatingin ka nanaman dyan sigaw ni Nikki na kagroup ko rin sa trabaho. Hindi ah deny ko naman. Napapansin ko lang kasi araw araw nakatingin ka dyan sa lamesa ni Lesslie ikaw ha may tinatago ka sa amin. Tukso ni nikki ulit sa akin. hindi po, Naiintriga lang po kasi ako sa kanya.. di ko pa nakikita pero lagi kong naririnig pangalan nya. Paliwanag ko. “ahh… wala naman dyan sa table nya kasagutan ha. Saka nakita mo naman pic nya e. sabi ni Nikki. Oo nga e cute nga sya e. sabi ko na lang. si Lesslie cute? Ew! Biglang sagot ni Nikki sabay alis papuntang pantry. Natulala na lang ako sa mga sinabi ni Nikki. Bakit ganun sya parang galit sya kay Lesslie dahil ba masmaganda si Lesslie sa kanya? Ang pagtataka ko.
Sabado mag isa o lang sa boarding house at naguwian silang lahat. Ako lang ang naiwan natulog na lang akong magdamag. Nagising ako nang makaramdam ako ng gutom tinext ko si Mam Ammie kung asan sya sabi nya kasama raw nya si Lesslie nasa Quiapo kakagaling ng magsimba at papunta raw sila ng Divisoria. At nagsorry sya kung nakalimutan daw nya akong imbitahan. Sabi ok lang wala rin din naman akong pera nasabi na lang nya na ingat na lang daw ako at mamayang gabi sabay daw kaming kumain. At doon ako napangiti baka kasama si Lesslie kaya dali akong naligo at nagbihis at nagmadaling pumunta ng MCS or Makati Square para magpaayos ng buhok. Kailangang gwapo ako pagmakita nya, bulong ko sa sarili ko. Para akong baliw na nangangarap sa isang taong hindi ko pa kilala. At sa buong buhay ko bakit ako nagkaganun. Basta hinayaan ko lang ang sarili kong damhin ang ganun pakiramdam, isang exciting na pakiramdam. Na parang may humahalukay sa tiyan mo na matatae, kung tawagin ata yun butterfly in my stomach hehe. At doon na rin ako ako nagpalipas ng oras sa arcade sa may lower floor ng MCS. Mag aalas 6 na nun nung i-text akoni Mam Ammie na magkita daw kami sa Waltermart Makati sa may Jollibee sabi ko on the way na ako. Dahil malapit lang naman ang MCS sa Waltermart nakarating ako kaagad dun at naghintay. “asan ka na?” text ni Mam Ammie sakin. Nang magrereply na ako saka ko sya nakita at nilapitan. Mam Ammie saan tayo kakain?” tanong ko habang papalapit sa kanya. Nagyaya na lang syang kumain sa may Jollibee at sinangayunan ko na lang. sa isip isip ko wala nab a kaming alam kainan kundi Jollibee at Mc Donalds?. Nang nakaupo na kami ni Mam Ammie sa upuan nagtanong na sya kung ano ang oorderin naming. Sabi ko na lang yung one piece chicken joy yun na rin din daw sa kanya sya na ng tumayo ang omorder binigay k na lang ang bayad ko sa kanya. Nang makabalik na sya at bitbit nya ang order naming tinanong ko sya kung bakit di nya kasama si Lesslie sabi nya nagmamadali at pupuntahan pa daw nya jowa nya at doon daw matutulog. Sa isip isip ko napakababaeng tao sa lalake makikitulog. Pero hindi pa rin bumaba ng pagtingin ko sa kanya.
Pauwi na kami nang makasalubong naming si Ian, isa sa katrabaho namin pero sa iba syang group. Maputi ito maganda ang pangangatawan at at may taas na 5”7”. “mommy uwi na kayo?” tanong ni Ian. “oo kakatapos lang naming kumain e” ang sagot naman. “mommy samahan mo naman ako muna sa Greenbelt sige na…” pagmamakaawa nya. Pumayag naman si Mam Ammie at tinanong nila kung sasama ako sabi ko na lang hindi na lang ako sasama at may gagawin pa ako. Nagtanong ako sa aking sarili bakit mommy ang tawag nito kay Mam Ammie? Sila ba? Ang sweet nilang dalawa. Marami pang mga sekreto siguro sa kompanya namin. Lalo na kay Lesslie at ang pagtataray ni Nikki. at naiisip ko rin na may jowa na pala din tong Lesslie sayang. At napagbuntong hininga na lang ako.
Kinabukasan lingo kakatamad bumangon walang magawa. Kaya natulog na lang ako magdamag parang déjà vu ganitong ganito ang nangyari kahapon. Nagising ako nang nakaramdam ako ng gutom mag aalas dos na yun ng tanghali bumangon ako at naligo nagbihis at tinext si Mam Ammie kung asan sya at kung pwedeng makipagkita sa kanya. limang minuto na mula nung tinext ko sya di pa sya nagrereply. Kaya naisipan kong magsimba na lang sa Baclaran. Nag jeep ako papuntang LRT Gil Puyat Station at dun sasakay ng tren. Yun ang piniling kong ruta sa kadahilanang ito pa lang ang alam kong daan. Bago rin lang ako sa Maynila. Nakarating din ako ng simbahan at kakaumpisa pa lang ng makarating ako. Naka tayo lang ako sa gilid ng loob ng simbhan dahil napakaraming taong nagsimba dahil araw ng lingo. Habang nakikinig ako sa sermon ng pari, kinuha ko ang panyo ko at nagpunas ng pawis napakainit. Mainit ba dahil sa panahon o mainit ba dahil mahaba ang sungay ko bwahahaha… nang di ko na makaya pa ang init nagdasal na lang ako at lumabas na. naisipan ko na lang mag ikiot-ikot sa Baclaran. Nasa tapat na akong Chowking nang Makita ko si Nikki may kasamang lalake. Mestizo slim pero makikita mong parang naggigym, parang pinaghalong intsik at espanol ang itsura nung lalake. ang sweet nilang dalawa nagbibiruan at umakbay pa ang lalake sa kanya. Namukhaan ko yung lalake parang sya yung nasa picture sa table ni Lesslie na katabi nya. Kaya pinagtagpi tagpi ko ang mga pangyayari. Nung sinabi kong cute si Lesslie nagtaray sya at sinabi nyang “cute mo si Lesslie?” at umalis, sa picture magkasama ang lalake at si Lesslie. Hindi kaya third party si Nikki at hindi alam nung Lesslie kaya na niloloko sya? Imbes na lapitan ko sila. Iniwasan kna lang at umuwi. Nasa boarding house na ako nun at iniisip pa rin ang mga pangyayari. Hanggang nakatulugan ko na ito.
Nagising ako sa text message ni Mam Ammie na sinasabi ay sabay daw kami. Kaya nagmadali na ako maligo at nagbihis. Kumain na rin ako sa malapit na karinderya at pinuntahan na rin si Mam Ammie. “Good morning Mam Ammie!” bati ko sa kanya. Habang nakatayo sa gilid ng kalsada. “Good morning din…” bati nya rin sa akin. Magisa lang si Mam Ammie nung dumating ako di ba sila sabay ni Lesslie. Habang naglalakad kami ni Mam Ammie hindi ko mapigil ang aking sarili na tanungin siya tungkol kay Lesslie ngunit di ko na ituloy at baka sabihing interesado ako at patay na patay makilala sya. Kaya di na lang ako umimik.
Nakarating na rin kami sa wakas sa opisina. At diretso ako sa aking pwesto may nakita akong knapsack sa likod ng pwesto ko.”andito na pala si Lesslie makikilala ko na rin sya sa wakas.” Bulong ko sa aking sarili. Lumapit si Mam Ammie para ibigay sakin ang bago kong exercises nang lumabas mula sa pantry ang lalakeng nakita kong kasama ni Nikki kahapon at papalapit sa amin. Mommy sya ba yung bago natin?” taong nya kay Mam Ammie napatitig na lang ako sa kanya. At nagtanong ng pabulong kay Mam Ammie. “Mam Ammie anong ginagawa ng boyfriend ni Lesslie dito?”. “huh! Anong boyfriend? Si Lesslie yan…” natatawang sabi ni Mam Ammie. Kala ko babae si Lesslie… pagtaka ko. Lesslie pala tol Ronnie right? Pakilala nya sabay abot nang kanyang kamay. Parang naalala ko ang aking panaginip at parehas ang kanilang sinabi sana naman wag akong halikan nito bulong ko sa sarili ko. “hoy anong nangyayari sayo? Sigaw nya nang biglang bumalik ako sa katinuan. “ ah ok. I mean nice meeting you…” nautal kong sagot. Nagtawanan sila Mam Ammie at ni Lesslie. “alam mo ba sa buong lingo pala napagkamalan kang babae ni Ronnie” tawa ni Mam Ammie. Kayo naman kasi di nyo na sinabi na lalake ako. Haha!!! Sabay tawa nya. “ano yun ano yun? Usisa naman ni nikki na tapat lang ng pwesto nya. Si Ronnie napagkamalan si Lesslie na babae” kwento ni Mam Ammie kay Nikki. “ah kaya pala tingin ng tingin si Ronnie sa table ni Lesslie hahaha… hanggang kumalat na sa buong office at pinagtawanan nila akong lahat. Ako naman ay namula na sa hiya. “tol ok lang yan daming nagkakamali sa akin. Basta wag mo lang akong ligawan. Ha” patawa nya. Parang gusto kong mawala sa kinaroroonan ko sa hiya. Pero nakitawa na lang ako sa kanila kahit na hiyang hiya ako sa kanila. Nung araw nay un pinabantayan ako ni Mam Ammie kay Lesslie sa kadahilanang sya ang pinakamalapit sa akin. Nagkwentuhan na rin kami habang nagttrabaho sya sabay pagturo sakin. Ang babae pala na kasama nya sa picture ay dati nyang girlfriend na ngayon ay kanyang bestfriend na hindi naman nya binanggit kung ano ang dahilan. At kung bakit mommy ang tawag nila kay Mam Ammie dahil din daw pinagsama na nila ang Mam at Ammie kaya “Mammie” hindi pala mommy. Sya rin ang nagging kasama ko sa buong maghapon at kasabay naming ni Mam Ammie umuwi at kumain. Masaya rin pa lang kasama si Lesslie. Tatawa ka ng tatawa sa kanya. At pakiramdam mo ayaw mo nang humiwalay kay Lesslie.
(itutuloy)
wow good one. i hope more chapters will be posted. next time na ang comment sa writing styles at flow ng story. busy pa sa bakasyon.
TumugonBurahinsmile always. keep writing.
salamat kuya... miss na kita.
TumugonBurahinmiss n din kita. hehe balik ako ng manila bukas ng umaga. sana sa next na gala ko kasama ka na...\
TumugonBurahinasan na ang sunod na chapter, good start.
pero ung font, it makes the post less readable. konting increase ng size. Arial or century gothic or trebuchet ang suggested kong font para mas malinaw. hehehe pero suggestion lang naman ung akin. basta ako ay naghihintay na ng sunod na chapter.
*akap sa diwa* ^_^
sigo po ayusin ko sa susunod yung font di ko kasi arial po yan ewan ko kung bakit nagiging ganyan yang font e.
TumugonBurahinarial naman na. mas madali na syang mabasa ngayon. sana hindi ka na busy para magkaroon na ito ng kasunod. promise ko din na before the end of this month gagawa na din ako ng kwento. hehehe hope to bump into soon. hehehe ^_^
TumugonBurahin