Navigation Bar

Linggo, Mayo 29, 2011

chained(part3)

Secret Love
khief blue

kuya don ito na yung hinihintay mo... anyway yung ibang tauhan dito umextra lang may sariling kwento yung ibang character dito hehe...

Part 3


Nagtext sakin si Kim ang aking kapatid na lalake na ngayon ay nakatira kasama ang kanyang nobyo. tama may nobyo sya pangalan ay Justin isang modelo at artista. Kaya siguro open din ako sa posibilidad na ako ay kaparehas din ng kapatid ko. Si kim iniibitahan akong magdinner mamayang gabi sa MOA kasama si Justin at ang dalawang kaibigan nito. Dahil anniversary nilang dalawa.

Habang naghihintay ng oras lumabas muna ako at naginternet. Binuksan ko ang aking e-mail add may 236 messages. Ang dami namaan nito nung isang araw ko lang nabuksan marami na ulit laman. Minarkahan ko ang mga sa tingin ko ay di ko na kailangan at binura. 5 messages na lang ang naiwan at tatlo ay galing sa ate kong nasa Japan. Binasa ko ang mga ito at nangngamusta lang ito. Yung isang e-mail naman ay galing sa kaibigan ko may tinatanong at ang isa galing sa isang di ko kilala nagpadala ng quotes at sa baba may pangalang Denver. Mayamaya nag pop up sa tabi ng aking screen, si Denver.

Denver: hi
You: hello
Denver: im Denver
You:  Mhikz

Di ko alam kung bakit naisipan kong gamitin ang pangalan ni mhikz. siguro may dahilan ako na di ko masabi.

Denver: really?
You: yup! Don’t you believe?
Denver: nope..
You: why?
Denver: your e-mail add

“shit… oo nga pala yung e-mail add ko pangalan ko pala.

You: sorry
Denver: it’s ok, I know you don’t trust me yet. But give me a chance to know each other. then I’ll be also a good friend
You:ok. It’s Ronn
Denver: thanks for telling the truth.
You: how about you is that your real name?
Denver: yup I don’t use any alias.
You: ASL?
Denver: 22, 3 time a week (kiddin male), GMA Cavite
You: do you understand tagalong?
Denver: oo naman…

Babasagin ko mukha nito pag nakita ko to sa personal paduguin nya pa ilong ko.

You: nakaka intindi ka pala ng tagalog pinapadugo mo pa ilong ko.
Denver: sorry dude… kaw tagasaan ka?
You: malapit lang sa inyo Carmona cavite.
Denver: nice
You: bakit? gusto mo makipagkita?
Denver: not yet. Darating tayo dyan but first I want to know you more.
You: yan ka nanaman. Paduduguin mo nanaman ilong ko.
Denver: sorry

Nagenjoy akong kausapin si Denver dami rin kaming nagusapan. Mabait din naman sya. At di tulad ng ibang chatter gusto na agad makipagkita. At alam mo na ang susunod nilang pakiusap. Ngunit si Denver naiiba. Gusto nyang makilala ang tao. At naghahanap lang sya ng kausap ng Makita nya account ko sa isang webpage na nakakatawa ang mga nakapost.

Sa tagal kong nakipagchat kay Denver di ko namalayang naka 5 hours na pala ako. tiningnan ko ang relo ko mag aalas 5 na. nag paalam na ako kay Denver at nagbayad na ako. umuwi para maghanda.

 Pagdating ko sa bahay wala na doon si Lesslie. may pinuntahan ata sya. nasa kama pa nya ang pinagbihisan nya. Kaya nagmadali na akong maligo at magbihis. Pagkalabas ko pumara na ako ng taxi para mabilis. 6:30 na ako nakarating sa MOA. Sa may sea side kung nasaan ang mga bar ako naghintay nakaupo sa semento na tabi ng dagat habang hinihintay sila. Ang tagal ng oras, 30 minutos parang taon ang aking binibilang. Pinanood ko na lang ang mga ipis sa may batuhan. Di ko ba alam kung weirdo ako. Natutuwa pa ako habang pinapanood sila.

Biglang may kumalabit na lang sa likod ko si Kim kapatid ko. Yinakap ko sya ng mahigpit dahil tagal na rin naming di nagkita. At andun sa likod nya si Justin naka suot ng baseball cap at nakashades kahit madilim na ang kapaligiran. Siguro umiiwas sa mga taong nakikiusyuso sa kanya. Habang nagbubulungan “si Justin cruz ba yan?” uu nga ang gagwapo rin mga kasama. oo nga. Bulungan ng mga tao sa paligid. Baka pwede na tayong umalis at pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Reklamo ni Justin. “tara na kuya baka magkagulo pa dito kawawa naman si Just ko. Umalis na kami sa lugar na yun.

Pumasok kami sa isang restaurant. andun na naghihintay ang kaibigan ni Justin si Ran. Si ran ay mestizo may lahing espanol ata, nasa 26 ang edad maganda ang pangangatawan na bumagay sa suot nyang fitted shirt na may stripes na yellow at brown. Ran si Ronnie kuya ni Kim, Ronnie pala pare, inaabot ko ang kamay k okay Ran. Ran, Randolf… sabay shakehand sa aking kamay. At umupo na kami, ako sa tabi ni Ran at syempre si Kim at Justin.

Asan na si Mickey? at ang papakilala nya ang bago nya. Tanong ni Justin kay Ran. Parating na raw sila. Sagot naman ni Ran. Kahit kelan talaga yun laging late. Reklamo ni Justin.

Habang naghihintay sa isang kaibigan ni Justin. nagkekwentuhan kami ni Ram ng kung ano ano. Marami din akong nalaman tungkol sa kanya at may mga bagay din kaming napagkakasunduan. Interesado syang kausap dami mong malalaman sa kanya. Tulad ng bilog pala ang mundo. Hehehe.

Sa sarap ng paguusap namin ni Ran dumating na ang hinihintay namin. “andyan na pala yung dalawa sambit ni Justin. Hinintay ko na lang silang maupo para tingnan dahil nakatalikod ang aking pwesto sa entrance ng restaurant. “pare andito na pala kayo. Sorry kung nalate kami, may binili kami para sa inyo, ito oh. sabay abot mula sa likod ko ang regalo na tinanggap naman ni Justin.

Parang kilala ko yung boses bulong ko habang nakatingin sa kawalan. pagupo ng lalake sabay pakilala “si Less pala bago kong bf” at sinabayan ng pagupo ni Lesslie napatingin ako sa kanila. Na syang ikinabigla din ng dalawa. Para akong binuhusan ng malamig na tubig na nagunaw ang aking mundo.

Mhikz? Lesslie? Tanong ko sa kanila. Anong ginagawa mo rito? Balik tanong ni Mhikz sakin. Inibitahan ako ni Kim na kapatid ko” sagot ko. Habang napatingin ako kay Lesslie na nakayuko na lamang, siguro sa hiya na nalaman ko ang sikreto nya. Nilingon ko ulit si Lesslie “Lesslie? Banggit ko. Biglang nagtakip sya ng mukha “Lee Le Lester… pala pare hindi Lesslie” banggit nya habang iniiwas nya ang mukha nya sa akin. “Lesslie!!!” sigaw ko ulit na syang nagtinginan ang mga katabi naming mga table.

Magkakilala kayo? Tanong ni Ran. “oo nakilala namin sya ni Lesslie sa Starbucks” sagot ko. At si Lesslie naman pano mo kilala? Tanong ni Justin. “Kaofficemate at kasama ko sa bahay” sagot ni Lesslie na umiiwas ng tingin sa akin. Na alam nyang wala na syang kawala sa akin. What a small world. Biruin nyo kayo kayo rin ang nagkita. Sabi ni Justin. Tama nga sya maliit nga lang ang mundo.

nagpaalam si Less na magc cr. na sya naming sinundan ko habang nakatitig sa amin si Mhikz. tinutungo naming ang rest room. Pagdating dating ko sa rest room andun na si Lesslie nakaharap sa salamin na nakatulala.

Linapitan ko at pinatong ko ang aking kamay sa kanyang balikat. “less wag kang magalala tatanggapin kita kung ano ka man. Walang pagbabago ang pagtingin ko sayo kung yun ang iniisip mo” ang binitawan kong salita kay Lesslie “Sorry kung di ko nasabi sayo natatakot ako baka layuan mo ako.” Sagot ni Lesslie “wala sa akin kung ano ka mahalaga sakin kung sino ka. Alam ko mabait kang kaibigan. Kaya ganun pa rin ang pagtingin ko sayo. Promise walang magbabago sa atin” paninigurado ko sa kanya. “promise?” si Lesslie “Promise!” sagot ko habang naluluha. At sya naming pagpasok ni Kim. Ang dadrama nyong dalawa. Natatawang sabi ni Kim sa amin. “Kim si Lesslie kambal ko sa lahat at Lesslie si Kim kapatid ko at bf nya si Justin. Pakilala ko. At nagkamayan yung dalawa. Bakit di mo sinabi Ronnie kilala mo pala si Justin.” Pasimangot na sabi ni Lesslie “type ko pa naman sya” pahabol pa ni Lesslie na nagbibiro. “kuya akin lang si Just ko walang agawan may Mickey ka na.”  si Kimberly at nagtawanan lang ang dalawa. Parang biglang nagbago ulit ang mood ni Lesslie. Ang bilis nyang magbago ng mood. At bumalik na kami sa aming lamesa.

Masaya ako at nakilala ko nang lubusan si Lesslie at may kurot naman sa aking puso dahil sila na ni Mhikz. Nasa hapag kainan kami ng tanungin ko si Lesslie ng bilis naman ata nagging kayo? Kagabi lang natin nakilala si Mhikz ngayon kayo na.” “papahirapan ko pa si Mhikz kung doon din ang tuloy” sagot ni Lesslie.

Parehas pala kayo Berry ni Lesslie na pambabae ang pangalan at magkahawig pa kayo kaysa kuya mo. Yun nga lang kulot ang buhok ni Lesslie. Puna ni Justin. Uu nga Just, baka si Lesslie ang kuya ko talaga at hindi si Kuya Ronnie” sabay bitaw ng peace sign sa akin ni Kim. Sige kuya mo na sya tinatakwil mo na ata akong kuya.” Tampo k okay kim na natatawa naman si Lesslie. “tol pasensya na kung di naming nasabi sayo agad tungkol sa amin ni Lesslie” si Mhikz. Ok lang yun basta wag mong sasaktan ang kambal ko. Kungdi sisirain ko ang mahal mong sasakyan. Tawanan namin. Nagulat ako ng biglang kunin ni Ran ang aking kamay at hinawakan ito sabay sabi” Ron kakainggit sila no tayo rin holding hands tayo.” Laro laro naming pinapakita sa kanila. Ngunit parang may kuryenteng dumaloy sa akin. At aking binitawan ang kamay ni Ran. “ baka maniwala sila. May balak pa akong mag girlfriend. Patawa ko. Naku straight talaga yan si Ronnie liniligawan nya nga yung kaofficemate naming si Nikki. “ano kuya may liniligawan ka na? tama ka kuya Less daming babae nyan sa amin. Panunukso ni Kim sa akin. “hoy baka maniwal mga yan na nililigawan ko si Nikki. patay ka sa akin Less. Pananakot ko sa kanya.

Napakasaya naming parang matagal na kaming magkakilala lahat. Hanggang maguwian na kami. si Kim at just umuwi na sila sa kanilang condo unit dahil may dalang sariling sasakyan si Justn. Ako naman at si Lesslie hinatid kami ni Mhikz at si ran may sariling sasakyan umuwi na rin.

Nag makarating kami ni Lesslie sa bahay kinausap ako. “Ronnie pwedeng humingi sayo ng pabor?” tumingin ako sakanya at nagsalita”oo naman ano yun?” “sana walang malaman ang mga tao sa office tungkol sa akin” hiling nya sa akin “ yun lang ba? Basta ikaw. Natuwa sya at nabigla ako sa kanyang ginawa hinalikan nya ako sa labi at bumitiw na bigla. “tol pasensya na nabigla lang ako, sorry!”  tinapik nya ako sa balikat sabay talikod at hinubad ang suot nyang damit iniwan nya ang boxer short at dumapa na sa kama at natulog. Nanigas ang aking kalamnan sa ginawa nya at napatitig na lang ako sa kanya habang natutulog. Ganda talaga ng katawan nya, bulong ko sa sarili ko. Nagbihis na rin ako at natulog.

Lingo napakasarap ng gising at alas 7 palang gising na ako at wala na si Lesslie sa kanyang kama. Lumabas ako ng kwarto may naririnig akong nagluluto nakita ko si Less hawak ang sandok at nakaharap sa kalan. Linapitan ko sya at sinabing “hmmmm… sarap naman ng linuluto” “syempre, Espesyal na tao ang pinagluluto ko. Sagot nya na agad naman akong nalungkot bingyan na lang syang pilit na ngiti. Alam ko naman baka para kay Mhikz yun. “taran! Chicken curry para sa mahal kong kambal…”sigaw nya habang pinepresinta nya sa haraman ko ang isang mangkok na may luto nya. Nashock ako sa sinabi nya hindi ko alam kung maiiyak ako sa tuwa o tatambling ako. “wow akin pala yan! Kala ko kay mhikz yan.” Bangit ko sa kanya. “ano ka masmahal ko ang kambal ko kaysa sa bf ko noh! Bf napapalitan kambal hirap palitan.” Natouch ako sa sinabi nakawa ko na lang tumalikod sa kanya at naluha. Hindi ko na pinakita sa kanya na lumuluha ako sa tuwa. “o bakit ka tumalikod tara kain na tayo.” Sige may nakalimutan ako sa kwarto kunin ko lang. tinungo ko na lang ang kwarto.

Pagdating ko sa aking kwarto agad akong naluha ulit. Bakit kaya ako naluha? Dahil bas a masmahal nya ako kaysa kay mhikz o mahal nya ako dahil ako ang kaibigan nya at si mhikz ang bf nya. Andun na ako nagseselos pero sobra naman tong damdamin ko bakit pa nya ako pinapaluha.

Nasa kalagitnaan ako ng pagiyak nag biglang bumukas ang kwarto at bumulaga dun si kim ang kapatid ko. “kuya!” sabay lundag sa akin. Di ko na napunasan ang luha ko dahil dumagan na ito sa ibabaw ko. At napansin nya nga ang aking matang namumula at puno ng luha. “kuya bakit ka umiiyak?” tanong sa akin ni kim.

Di ako makapagisip  ng palusot kaya din a lang ako sumagot. “kuya less” sigaw naman ni kim na agad ko naman tinakpan ang bibig nito. Biglang pumasok si Less at si Justin sa kwarto kaya isinobsob ko ang aking mukha sa dibdib ni kim habang nakatakip ang aking kamay sa kanyang bunganga at ibinaligtad ko sya ng pwesto na ngayon ako ang nasa ibabaw nya. “bakit?” tanong ni Less habang nakasilip si Justin sa may pinto ng kwarto. “wala nagwwrestling lang kami ni kim, ok lang kami” habang nakasobsob pa ako sa dibdib ng kapatid ko. “kala ko kung anon a sige naghahanda pa ako ng pagkain natin. At lumabas na si Lesslie at sumunod naman si Justin para tulungan sya. “bakit kayo andito? Ano ginagawa nyo ditto? Bakit di ka sumagot? Tanong ko sa kapatid ko. “hmmm…. Mmmm…. Uhmmm… uhmmmm….” Sagot nya. “ay sorry!” sabay tangal ng aking kamay sa kanyang bibig. “una free kami ni Just ngayon tapos gusto naming magyaya pumunta ng Manaoag kahit balikan lang tayo. Alam namin na taga Pangasinan si Lesslie kaya pinuntahan namin kayo.” Si kim.  “sira ba kayo 7:30 na at malayo yun.” Angal ko sa kapatid ko. May sasakyan naman tayo e. saka anim tayo. Kaya di boring”  paliwanag ni Kim. “kuya bakit ka pala umiiyak kanina?” pahabol na tanong nya. “sige payag na ako kausapin ko si Lesslie basta wag mo na lang akong tanungin kung bakit ako umiiyak ha” kundisyon ko sa kanya. “call!” syang nabanggit na lang ni kim.

Paglabas naming ni kim asa dining sila Justin, Ran at Mhikz na sya naming ikinisimangot ko. Tara kain na at ng makapaghanda na tayo kambal” si Lesslie habang nakayakap sa likod nito si Mhikz parang dinurog ang puso ko habang nakikita ko silang sweet. Napako ang aking tingin sa kanila. Hoy tara na tol kain na tayo” tapik sa akin ni Ran habang tinitingnan nya ang tinititigan ko. “ah sige” matipid kong sagot di ko alam kung napansin yun ni ran, sana di nya npansin.

Nakapagayos na kaming ni Lesslie at lumabas na ng bahay. Handa na kami bumiyahe papuntang Pangasinan. Magkahalong excitement at magkaselos ang nararamdaman ko. Ano na kaya mangyayari sa amin ni Lesslie na ngayon ay may mhikz na.


(itutuloy)

1 komento:

  1. who is denver? what will his role be in ronnie's life? what is with the extra sweetness that lesslie is showing and when will ronnie admit that he is falling for lesslie?

    some points to ponder. hehehe nice job khiefster. I can't wait for the rest of it.

    TumugonBurahin