Secret Love
khief blue
khief blue
sorry po tinatamad po ako ngyon magcheck hehe...
Part 4
Nakita ko na lang na tatlong kotse ang nakaparada sa labas ng bahay namin. “aba kala ko sama sama tayo bakit tatlong kotse ang dala nyo. Tanong ko. “e ayaw pumayag lahat na iwan ang kanya kanyang sasakyan e. kaya dinala na lahat namin” si Justin. Kim at Justin magkasama sa isang kotse. Lesslie at mhikz sa isa. At dahil magisa lang ni Ran, sa sasakyan nya ako sumakay. Dahil si Lesslie ang nakakaalam ng daan, sila ni Mhikz ang nauna at sumunod sila Kim at kami nila Ran.
napakabilis ng beyahe naming dahil nga sarili naming ang sasakyan dagdag pa na para silang nagkakarerahan. Kaya wala pang dalawang oras lagpas na kami ng Nlex puro bukid na lang an gaming nakikita. Habang nagmamaneho si Ran panay ang tanong nya sa akin. Na malugod ko nmang sinasagot. Sa ganun kaming kalagayan ng makaramdam sya na naiihi na sya kaya itinabi nya sandali ang sasakyan at naghanap ng magandang pwesto para umihi. Agad ko naming tinext ang mga kasama namin. Ngunit napakamalas ko ata walang signal ang cellphone ko. Pano yan napakalayo na nila sambit ko sa sarili ko. Pumasok na rin sa sasakyan si Ran. “ran naiwan na tayo hindi ko sila matext wala akong signal” sambit ko sa kanya. Tiningna nya rin ang kanyang celphone wala ring signal.”damn! kailangan nating habulin sila, pakuha ng mapa dyan sa may harapan mo at tingnan mo kung saan ang daanan natin” pinaandar nya ang sasakyan at tinumbok nya ang daan. Habang tinitingnan ko ang mapa pasilip silip naman ako sa aking cp kung may signal na.
Nakarating na kimi ng Urdaneta ng magkasignal na an gaming cellphone na agad ko naman tinawagan sila Lesslie. Sinagot naman ang kabilang linya. Tama ang tinatahak naming daan. Andun na raw sila naghihinaty. Kaya piagpatuloy lang ni Ran ang pagmamaneho. “close na close talaga kayo ni Lesslie noh? At siya pa ang tinawagan mo.” Puna ni Ran.”haha close talaga kami kaya nga kambal kami e. isa pa siya kaya ang nakakaalam ng daan remember siya ang taga ditto?” sagot ko sa kanya. Ngumiti na lang sya at din a umimik.
Habang tinatahak naming ang daang tinuro ni Lesslie, nagkekwentuhan kami. May gf daw sya dati at naghiwalay sila. Tinanong ko kung ano ang dahilan. Hindi na rin sya sinabi to sakin. Hula ko parehas sila ng dahilan ni Lesslie kaya ayaw nilang sabihin ang dahilan, yun ang nasa isip ko at napangiti. Nakita naman ako ni Ran na napangiti “bakit ka napangiti? May ideya ka siguro kung bakit kami naghiwalay ng gf ko noh?” tanong nya sakin na nakakunot noo. “wala parehas lang kasi kayo ni Lesslie na nakipaghiwalay sag f at hindi sinabi ang dahilan kaya ako napangiti.” Sagot ko. Ngumiti na lang sya sa akin “ganun na nga sa iniisip mo” tipid nyang banggit.
Nakita na naming ang isang simbahan na nakaelevate. Nakita naming ang mga sasakyan nila Justin at Mhikz na naka park sa harap ng Chowking na malapit lamang sa Simbahan. Paglabas naming ng sasakyan lumabas naman si Lesslie sa loob ng Chowking at kinakawayan kami.
“kanina pa naming kayo hinihintay kain muna tayo at mag aala una na.” yaya ni Lesslie sa amin. Hila hila ako ni Lesslie papasok ng Chowking, pagpasok naming agad naming nakita kung saan nakaupo ang iba sa may bandang dulo na malapit na sa counter. Kita ko ang tingin ni Mhikz sa akin, may halong pagseselos na hindi naman masakit tumingin. Naupo ako sa tabi ni Justin dahil nasa tabi nya si Kim. At si Ran naman ay naupo sa tapat ko. Habang nanatiling nakatayo si Lesslie. “anong oorderin natin. Tanong ni Lesslie na parang waiter. “chow fan lang sa akin” sabi kong order. Tumayo si Justin “tara Less tayo na pumili ng makakain at treat ko” habang dumudukot ng pera si Justin. “wow ang bait mo naman. Tara nab aka magbago ang isip mo” sabay hila ni Lesslie kay Justin na agad namang tumayo si Kim para sundan ang dalawa.
Seloso talaga ang kapatid ko kahit kelan hahaha… natatawa kong sambit sa aking sarili. Kaming tatlo na lang ang natira sa lamesa ng tumayo rin si Ran at nagpaalam na magccr.
“Ronnie pasensya ka nap ala kung di naming nasabi sayo ni Lesslie na kami na.” paumanhin ni Mhikz sa akin. “ayos lang yun basta wag mong sasaktan kambal ko kundi wawasakin ko ang mahal mong kotse. “wag kang mag alala pre aalagaan ko ang kambal mo.” Sagot nya. “dapat lang” pagsusungit ko sa kanya.
Dumating na silang apat at kumain na rin. Walang imikan dahil lahat ay gutom. Kahit na sweet ang mga magnobyo hindi pa rin sila nag pPDA. Dahil may inaalagaan pa rin na pangalan si Justin. Para lang silang magbabarkada gayun din sila Mhikz at Lesslie kaya hindi kami nakaramdam ng pagka OP ni Ran.
“ay si Justin man awa?” bulong ng isang babae sa tabi naming. Anong sinasabi nila Less tanong ni Justin kay Lesslie habang kumakain ng halo halo. “si Justin yun dib a?” translate ni Lesslie.
Malalanding babae: “on on sikato, kagwapo. Ga asingeren ta.”
Lesslie: oo sya tara lapitan natin. (translate nya) (subo ulit ng halo halo)
Malalanding babae: Justin… I inar aro taka….
Lesslie: mahal ka daw nya (sabay subo ng halohalo)
Hanggang dumami na ang nakatingin at nagsisilapit na sila sa table naming. Dami nang nagpapapirma at sa buwisit ni Lesslie kunyari nyang natapon ang halohalo nya sa side ng mga babae.”ay sigaw ng mga babae”. “ay putsa! Nakikita nyong kumakain ang tao bigla nyong sisiksikin. Konting respeto” pagbubunganga ni Lesslie sa mga tao.
“ang sungit hindi naman sya ang linalapitan.” Sabi ng isang babae. Sasabat pa sana si Lesslie ng takpan ni Mhikz ang bunganga nito habang nakangiti sa mga tao.
“pasensya nap o kayo sa kasama ko” medyo mainit ang ulo. Pero galang din po natin ang mga kumakain. Mamaya po magaauthograph ako sa labas patapusin nyo pa muna akong kumain.” Mahinahong kinausap ang mga malandi nyang fans.
Pagkatapos naming kumain. Nagautograph signing sandali si Justin sa labas at Tinungo na namin ang simbahan dala ang mga sasakyan at pinark sa likod ng simbahan kaya umikot pa kami para makarating sa likod nito. Kasi kung iiwan naming ang mga sasakyan dun baka may mangyari di tulad sa parking lot ng simbahan may guardya.
Sabay sabay kaming pumasok sa simbahan dahil sa likod kami nagpark sa likod kami dumaan. Nagdasal kami ng taimtim. Pinagdasal ko ang aking sarili. Na bigyan ako nglinaw sa aking nararamdaman at kung ano talaga ako. At kung no si Lesslie sa akin. Tumayo ako at nagpalam sa kanila na pupunta lang ako sa harap ng simbahan para bumili ng souviner. Nakita kong nakaupo si Lesslie at si Mhikz magkatabi. Nakasandal si Lesslie kay Mhikz. Agad naman akong lumabas dahil sa nagseselos ko. Sana kung pinaalis ko na lang si Mhikz nung araw na nakilala naming sya sana Masaya akong kasama si Lesslie. Pagsisisi ko. Ngunit kahit anong gawin ko ay hindi na maibabalik ang pangyayari. Nkatadhana na talagang magkita sila. Hay kung maibabalik ko lang.
Tumitingin ako ng souviner ng may namamalimos sa akin na matandang babae. Naaawa ako kay lola ngunit buo ang pera ko. Hindi naman pwedeng ibigay ko yun ako naman ang mamamalimos. Mula sa likod ko may umakbay sa akin at inabutan ng isang daang piso si lola. Salamat mga apo pagpalain kayo nag Diyos. Dumukot si lola mula sa kanyang bulsa at inilabas ang dalawang coin na sa tingin ko ay matagal na panahon nay un ngunit hindi sya pera na ano man. Sa inyo na lang to mga apo. Pares na anting anting. Ang mga yan pagtinago ng isa ang kaparehas nyan at kung mawala man ito o nagkalayo magkikita at magkikita ang dalawang mamera na yan. Kinuha ko naman ito at inabot kay ran. Nagpaalam na ang matanda at umalis na ito.
Inabot sa akin ni ran ang isang mamera at itinago nya naman ang isa. Bakit mo binigay naman sa akin to sayo to dahil ikaw ang nagbigay. Sabi ko kay ran. Sa atin dalawa binigay yan kaya tagisa tayo. Sabay akbay sakin ni ran at tinungo naming ang likod ng simbahan kung asan naghihintay ang iba.
“San tayo ngayon?” tanong ni Ran nang papalapit na kami sa kanila. Tara sa bahay papakilala ko kayo. Sambit ni Lesslie. “Miles papakilala mo na ako sa magulang mo.” Tanong ni Mhikz. Parang gusto ko talagang iuntog ang kumag namumuro na. talagang selos na ang nararamdaman ko.
“May pakiusap sana ako sa inyo, pasensya na Miles di pa kita maipakilala sa family ko dahil di nila alam kung ano ako humahanap lang ako ng tiyempo para sabihin s kanila.” Pakiusap ni Lesslie. Kung pwede san a wag nyong paalam na mag nobyo kayo kim ni Justin, ganun din kami ni mhikz at…” naputol ang sasabihin ni Lesslie at syang nagpataas ng aking kilay. “Gago hindi kami ni ran.” Sabi ko habang binatukan si Lesslie. Si ran naman ay tatawa tawa lang. pumayag naman ang grupo at ayos lang dahil hindi naman halata lahat ni hindi mo rin makikita na nag pPDA ni isa sa kanila.
Sumakay na kami sa kanya kanyang mga sasakyan patungo sa bahay nila Lesslie. As usaual una nanaman sila Mhikz dahil si Lesslie lang ang nakakaalam sa pangasinan.
“wag ka magagalit Ronn ha sa sasabihin ko” si Ran habang susulyap sulyap sa akin. “ano naman yun? Tanong ko ksy Ran. “Nakikita ko sa mga mata mo na nanggagalaiti ka sag alit tuwing nakikita mo si Mhikz parang gusto mong patayin. Nagseselos ka ba kay Lesslie?” hindi ko napaghandaan ang tanong na yun kaya yumuko na lang ako at di umimik. “silent means yes” si Ran. “wag ka nang magselos alam ko mahal mo si Lesslie pero hayaan mo na lang sila malay mo meron naghihintay lang ng iyong pagmamahal, ngunit di mo sya nakikita dahil sa iba ka nakatingin.”
Napatingin ako kay Ran nang sabihin nya yun. At dineretso ko sya “ikaw ba ang naghihintay ng aking pagmamahal? Sabay ngiti sa kanya. “hahaha malay natin. Marami pang pagkakataon. at mahaba pa ang panahon para magkakilalahanan tayong mabuti. Sabit nya n siyang nagpangiti sa akin. Ewan ko ba parang kinilig ako. Pero andun pa rin ang pagseselos ko kay Lesslie.
“ran kung mamaari wag mong sabihin sa iba yung pinagusapan natin.” Pakiusap ko naman kay ran. “oo naman sekreto natin yun, pinapangako ko dito sa coin na ito sabay labas nya ng mamera na ibinigay sa amin ng matanda. Patunay nya na hindi nya sisirain ang pangako nya.
Harutan naming ni Ran habang binabaybay namina ng daan papuntang bahay nila Lesslie. Nakapalagayan ko na sya ng loob kaya wala na rin akong hiya sa kanya. “panu bay an may bago ka ng best friend?” sabi ni Ran. Ngumiti ako sa kanya at tinapik ko ang kanyang balikat.
Ring ring….ring ring…..
Ring ring…ring ring…
Napansin ko na lang ang phone ko nagriring nang akmang dadamputin ko na ang aking cellphone sa may dashboard huminto na lang ito. 5 misscalls hindi ko nasagot nang tiningnan ko si Lesslie. Kaya tinawagan ko sya busy na ang linya. Siguro tinatawagan nya ako. Nakatutok pa ang cellphone ko sa aking teynga ng nagring naman ang cellphone ni Ran. “hello” sagot ni Ran “sige sige bye!” at binaba nya na ang kanyang cellphone.
“si Lesslie sabi malapit na raw tayo. Kaya medyo bagalan na daw natin ang pagpapatakbo.” Banggit ni Ran habang binagalan nya na ang kanyang pagpapatakbo.
Nagsignal light na ang dalawang sasakyan sa harapan namin. Na ibig sabihin liliko na kami. Di nagtagal lumiko na rin kami. Medyo mabagal an gaming pagpapatakbo dahil maraming bata sa kalsada. At ang mga tao dun ay takatingin sa amin parang ngayon lang may nakarating doon.
Maya maya huminto na ang sasakyan nila Lesslie sa tapat ng isang bahay. At sunod sunod na kaming huminto. Kakatawa lang dahil parang may parade sunod sunod an gaming sasakyan.
Alas 4 na kami nakarating sa bahay nila Lesslie. Bumaba siya pati si Mhikz kaya ganun din ang ginawa naming lahat. Habang nakatingin ang mga tao sa amin.
“kuya” mula sa loob ng gate may papatakbong isang magandang babae. Tama lang ang pagkaputi nya ganda ng katawan na medyo chubby. Naka mini shorts sya at loose t shirt. Pero bakat pa rin ang dibdib nito. Chinita ito na kabaligtaran kay Lesslie na bilugan ang mata. Mapula ang labi maliit ang ilong na matangos at angat ang pisngi. Sa tantya ko nasa 19 lang ito. papalapit ito kay Lesslie.
“guys si Lesslie Ann kapatid ko” natulala kaming lahat sa pinakilala ni Lesslie. Siguro pare parehas kami ng naramdaman. Nagging straight kami ng araw na iyon. May tinatago pala si Lesslie na isang napakagandang kapatid.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento