Fast as Race
Napakalungkot ng aking nadarama ngayon sunodsunod na pagsubok para sa aking puso. sana wag kang mawawala sa akin. Hi kay kuya don, ran, kim, mama rose at mga silent reader ko kung meron man hihihi...
Part 5
Blumentrit Station siya bumaba ng tren, sa kabilang pinto ng tren ako bumaba upang di niya ako makita. Para akong isang detective na nagmamanman sa aking suspek. Bumaba na siya ng istastyon ng LRT, at ako naman ay aking sinundan pinapanatili kong 10 metro ang layo ko. Halos hindi ako kumurap sa pagkatututok sa kanya ng hindi siya mawala sa aking paningin.
Sumakay siya ng jeep na ang karatula ay Balut, may ganung lugar pala sa isip isip ko. Sumakay siya sa may bandang harap ng jeep at ako naman sa may likod sa may dulo upang di ako mapansin. Magkahalong tuwa at kaba ang aking nararamdaman sa oras na iyon. Tuwa dahil nakita ko na ang kuya ko ngunit malungkot ako hindi kami naaalala. At kaba dahil sa aking ginagawa na pagsunod sa kanya.
………………………2 months and 4 weeks later………………………………………
“anak asan ka ba kuya mo nawawala, at natagpuan ang sasakyan niya wasak ang harapan sa may highway.” Naiiyak si Mommy sa kabilang linya.
Bigla na lang akong nag lambot. Sinundan pala ako ni kuya upang magpaliwanag. Nakita na lang ako ni Ran na napaupo sa may lapag ng kanyang kwarto. Tinanong niya ako kung anong nangyari. Sinabi ko sa kanya kung anong masamang balita na sinabi ni Mommy sa akin.
Sinamahan ako ni Ran pauwi sa bahay namin. Iniwan ko muna ang aking sasakyan kila Ran at pinagmaneho niya ako gamit ang kanyang sasakyan.
“Sir! Nakupo wala po dito Mommy at Daddy ninyo nagiikot ikot pos a mga hospital sila. Hinahanap po kuya ninyo.” Ani ng katulong namin.
Agad ko namang tinawagan si Mommy. Nagriring ang kanyang cellphone ngunit hindi sinasagot. Nagpasama ako kay Ran na hanapin din sila Mommy. Nadaanan namin ang sasakyan ni kuya na wasak ang harap at may bahid ng mga dugo. Agad akong namutla sa aking nasaksihan. Kung naaksidente si kuya bakit wala ito sa sasakyan at nawawala pa siya. Huminto kami sa lugar ng pangyayari at andun pa ang mga pulis na nagiimbestiga.
Tinanong ko ang mga pulis tungkol sa kaso. Tama nga ang hinala ko sinundan nga ako ni kuya nang umalis ako ng bahay.
Ayon daw sa nakakita bigla na lang daw iniwasan ni kuya ang biglang lumusot na tricycle na ang may kasalanan naman talaga. Biglang tumama na lang sa konkretong barikada ang sasakyan ni kuya. Bumaba daw ang sakay ng sasakyan na duguan at balisang balisa. At nag umpisa siyang tahakin ang daanan na kanyang tinatahak.
Napaiyak ako sa akig narinig na kwento. Alam kong mahal ako ng kuya ko. Ginagawa niya lahat para sa akin. Sa kabila ng kanyang pagkakaaksidente pinili pa niyang sundan pa rin ako. ngunit naguguluhan ako kung bakit nawawala siya.
……………………………………..…present …………………………………………..
Biglang tumigil ang sasakyan at bumaba na si kuya sa jeep. Bumaba na rin ako ngunit bigla akong nagtago sa may likuran ng truck na nakaparada lamang sa may binabaan ko.. Naglakad siya hanggang marating niya ang kanto, at lumiko siya. Sinundan ko nanaman siya sa kantong linikuan niya. Lumiko ako sa kanto at sinusundan ko pa rin at patago tago ako sa mga poste doon parang yung napapanood sa isang pelikula.
Sa dulo ng daan matatagpuan ang isang ilog. Ilog na wala ng buhay mistulang isang kumonoy nag basura ito. Paglumubog ka dito di ka na makakaahon sa dami ng basura.sa gilid ng ilog ay mga bahay na mga tagpi tagpi isang squatter area ang aking napasukan. Kinabahan ako dahil sa tanang buhay ko ngayon lang ako napadpad sa isang squatter area. Nakakatakot may mga maskuladong mga nakatambay na animoy mga siga sa lugar na iyon. At may mga nagiinumnan din sa daan.
Linakasan ko ang aking loob para lamang kay kuya. Pagdating niya sa tapat ng isang bahay na may gate na yari sa yero pumasok siya doon. Siguro dun siya nakatago ngayon. Pinuntahan ko ang bahay at sinilip ko muna ito.
Isang maliit na bahay lamang ang aking nakita at mag asawang matanda ang aking nakitang kausap ni kuya. Sa tingin ko sila ang may ari ng bahay. Pinakinggan ko ang kanilang paguusap. Hindi naman kalayuan sila sa aking pwesto na nakasandal sa isang konkretong pader ng kanilang kapit bahay. Habang nagtatago sa may gate nila na yari sa yero.
“Toto kamusta naman ang lakad mo” tanong ng matandang lalake habang inaayos ang kanilang pintuan.
“Ayos lang po Tay . May nagpakilalang kapatid ko raw.” Paliwanag nito sa matandang lalake.
“nakausap mo ba?” tanong naman ng matandang babae habang nakaupo ito sa bangko at inaayos ang mga sinampay niya.
“pasensya nap o ngunit tumakbo nap o agad ako. natakot ako.” paliwanag niya sa magasawa.
Umalis na ako sa lugar na yun at nagmadaling umuwi. Sapat na ang malaman ko kung saan nakatira si kuya at kausapin ko na lang ang magasawa pag wala diyan si kuya pra tulungan kami kay kuya.
Sinundan ko lang ang daan kung saan ako dumaan kanina. Buti hindi mahirap alalahanin ang lugar kaya bukas babalikan ko na alng ang magasawa.
Pagkarating ko sa bahay sinalubong agad ako ni Mommy habang si Daddy nakaupo lamang sa may sofa. At halatang naghihintay din siya sa aking ibabalita.
“anak asan na kuya mo?” nagaalalang tanong ni Mommy.
“alam ko po kung saan nakatira si kuya. Kaya lang kailangan nating makausap muna ang magasawang tinitirhan niya para magpatulong sa kanya at baka matakot nanaman ito sa atin Mommy.” Paliwanag ko.
“sabihin mo sa akin at pupuntahan ko.” Utos sa akin ni Daddy.
“Daddy wag kayong padalos dalos kung pupuntahan nyo agad si kuya matatakot lang yun at ano pa ang mangyari.” Wxplain ko kay Daddy.
“Kung hindi kasi sayo hindin magkakaganun ang kuiya mo. Kasalanan mo lahat ito.” Paninisi ni Daddy sa akin.
“Pwede ba wag na kayong magtalo. Nakita na si Marcus. Isipin nyo na lang kung papaano natin siya maiibabalik at hindi nagsisisihan..” awat sa amin ni Mommy.
Binigay ko sa kanila ang address at pinagusapan namin ang plano kung papaano makukuha si kuya na hindi matatakot. Ngunit kailangan muna naming makausap ang magasawang kumopkop sa kanya. Upang hindi ito mabigla.
Kinaumagahan naghanda na kami nila Mommy kasama si Daddy upang kausapin sila. Wala pang alas nuwebe ng umaga asa Balut Tondo na kami halong imosyon ang aming nararamdaman. Makikita mo sila Daddy at Mommy tahimik lamang. At makikita mo sa kanilang mukha ang balisa at malalim ang kanilang iniisip.
“Daddy, Mommy ako muna ang pupunta doon para masiguradong wala doon si kuya.” Sabi ko sa aking mga magulang.
Tinungo ko na ang bahay ng magasawa at nagmanman kung andun pa si kuya. Hindi ko pinahalata sa mga kapitbahy nila na nagmamanman ako at nasa Tondi pa naman ako ng mabugbog ako. nang mapansin kong wala doon si kuya kumatok ako sa may gate. Agad naman nilang tinugon ang aking katok.
“sino sila?” bati sa akin ng matandang babae.
“Magtatanong lang po ako.” sagot ko sa kanya.
“ano yun totoy?” tanong sa akin. Tinawag akong totoy? Mukha ba akong bata?
“Manang kilala nyo po ba ito?” pinakita ko sa kanila ang larawan ni kuya.
“Si Toto yan ha? Aba Totoy kakilala mo ba siya?” si Manang at nakita ko ring palabas na rin ang kanyang asawa sa kanila munting bahay.
“opo kuya ko po siya matagal na namin po siya hinahanap.” Sagot ko naman kay manang.
“Aba’y mabuti natagpuan mo kami.. at matagal na rin siya naghahanap kung sino siya. Dadalhin sana namin siya sa presinto eh ayaw niya. Natatakot daw.” Si Manong.
“sandali lang po at tatawagin ko Daddy at Mommy ko sa sasakyan.” Paalam ko sandali sa kanila.
Nagmadali akong tumakbo papuntang sasakyan. Di ko alintana kung sino man ang mga taong nakatitig sa akin. Dahil sa aking saya na nadarama. Nakarating ako ng sasakyan at naabutan ko ang dalawa naguusap.
“Daddy Mommy kausapin nap o natin yung magasawa.” Sinundan nila ako habang si Mommy inaalalayan ko sa daan. Na medyo maputik.
Nakabalik agad ako sa bahay ng magasawa at kasama ko ang aking mga magulang. Pinagusapan namin kung ano ang nangyari at kung ano ang gagawin. Ang kwento ng matandang lalake na ang pangalan ay Mang Dencio at ang asawa naman niya ay Aling Tinay. Naglalakad daw siya sa daan nang makita niya naglalakad ang aking kuya ng makakasalubong niya bigla na lang ito nawalan ng malay. Dinala niya sa may klinika ng kanilang Barangay at dun nila ginamot. Nagpagkagising niya nawalan siya ng malay. Hinanapan daw nila ito ng wallet o ano mang pagkekelanlan nitop wala naman silang makita. Alam kong di hilig ni kuya magdala ng wallet kahit saang man lakad nagdadala lang to ng sapat na pera. Dahil saw ala itong matuluyan kaya napagdesisyunan na lang ni Mang Dencio na kupkupin pansamantala si kuya para may matirahan, at payag naman dito ang asawa niya.
Dahil sa nahihiya eto sa magasawa kaya nagtitinda na lang siya ng kung anu-ano sa Divisoria minsan naman sa Quiapo para lamang makatulong sa araw araw na gastusin. Hindi naman daw nahihirapan si kuya sa pagtitinda dahil sa angking kagwapuhan ni kuya marami din siyang nagiging suki. Kaya maaga pa lang nakakauwi ito at nagkakaroon ng pagkakataong hanapin kung sinu man ag nakakakilala sa kanya.
Napagdesisyunan nila na dalhin ng magasawa si kuya sa bahay upang hindi ito maghysterical. Inaabutan ni Daddy ang magasawa ng sobre na laman ay pera ngunit di tinanggap ng mag-asawa, tumutulong lang daw sila at hindi dila humihiling ng kapalit sa kanilang ginagawang pagtulong. Ngunit pinilit ni Mommy na kunin nila, kunin na lang daw nila at pambili na lang dawn g kanilang makakain para rin daw kay kuya. Kaya napilitan na rin tanggapin ng magasawa ang binigay ni Daddy.
Hindi pa raw nila alam kung kalian nila madadala si kuya sa bahay basta ipapaalam na lang nila kung nakausap na nila si kuya at pumayag. Binigay ni Daddy ang address at telephone no ng bahay. Pagkatapos nun umalis na kami sa lugar na yun at baka madatnan pa kami ni kuya.
Kinahapunan pinuntahan ko na ang aking sasakyan sa kaibigan namin upang alamin kung tapos na ba ang settings ng aking sasakyan.
“Pare buti dumating ka tapos na pero test drive pa at konting adjust na lang ang gagawin.” Si Bryan.
“Sige test na natin.” Sakay agad sa aking sasakyan sumunod din si Bryan .
Dinala damin sa lugar na malawak at walang kataotao upang masubukan ang bilis ng aking sasakyan. Ayos amg takbo maganda. Mabilis pwede nang isabak sa laban. Pero may konting adjust na lang at pwede ko nang ipangkarera. Kaya iniwan ko ulit sa talyer ang aking sasakyan.
“ring ring ring” cell phone ko tumutunog sinagot ko ito at si Ran pala.
“Pare asan ka andito ako ngayon Greenhills samahan mo naman ako bumili ng damit di ako matunong pumili.” Pagmamakaawa ni Ran sa akin.
Sinabi ko na lang na maghintay siya at papunta na ako. pumara ako agad ng taxi at sinabing sa Greenhills ang punta agad namang hinarorot ng driver nakarating ako agad dahil kung saan saan nilusot ni Manong ang taxi kaya’t nakarating ako agad.
Alas kwatro ng hapon na ako nakarating sa Greenhills. Tinext ko si Ran at sa may sikat na fastfood chain na lang daw kami magkita pagdating ko dun nakita ko si Ran nasa loob at umiinom ng softdrink. Pagpasok ko tinanong niya ako kung nagugutom daw ba ako sabi ko okay lang ako. at tumayo na kami upang mamili ng kanayng damit.
Habang tumitingin kami kwenento ko sa kanya ang mga pangyayari na nakita na namin si kuya. Hanggang sa anong plano . Kwentuhan at habang naghahanap ng damit ng….
“Ran nakikita mo ba yung lalake na yun? Yung kulot na may kasamang babaeng nakaponytail at nakasalamin.?” Turo ko kay Ran. Napansin kong nagulat si Ran ngunit di ko na lang pinansin.
“Oo bakit?” matipid niyang sagot.
“Siya yung sinasabi kong lalakeng lagi kong nakikita. Tulad ngayon andito nanaman siya.” Kwento ko sa kanya.
Di ko rin alam kung bakit lagi ko na lang siya nakikita. Ganun ba talaga siyang gala?
Tanging pilit na ngiti binitawan ni Ran sa akin. Hindi ko alam parang merong kakaiba kay Ran nung nakita niya si kulot.
“Mhiks! Ran! Andito pala kayo.” Isang pamilyar na kaibigan ang sumulpot mula sa aming likuran.