Fast as Race
Part 2
Quarter to 12 na ako ng makarating ng bahay nila grace 35 minutes din ang biyahe mula sa bahay namin. Huminto ako sa tapat ng gate nila grace nasa exclusive subdivision sila nakatira. Pagpaba ko ng kotse pinuntahan ko ang gate at nagdoor bell wala pang isang minuto bumukas ang gate at lumabas na si grace.
“bakit ang tagal mo? Kanina pa ako naghihintay” pagtataray nag aking bestfriend.
“pasensiya na matraffic.” Palusot ko.
Pagtingin niya sa aking dalang sasakyan ay pinagmasdan niya ito ng maiigi inikutan at animong pinagaaralan.
“nabili mo na pala yung dream car mo.” Sambit niya at sumakay na siya sa loob ng aking sasakyan.
“sumakay narin ako at pinaandar ko na ang kotse.
“saan tayo?” tanong ko sa kanya habang minamasdan niya ang loob ng sasakyan.
“ano na nangyari sa civic mo?” tanong ni Grace
“ah nasa bahay ginagamit ko rin. Pero mas gusto ko tong sasakyan na to maraming naiinggit hehe” pagmamayabang ko sa kanya.
“ok basta treat mo ngayon dahil may bago kang sasakyan haha.” Pamimilit niya.
Kilala ko siya kung di mo siya ilelebre magtatampo at di ka papansinin. Kaya kailangang gawin mo ang guto niya pero napakabait na kaibigan ni Grace lalo na nung girlfriend ko pa siya.
“sa greenbelt tayo may gusto akong bilhin doon na skirt” sabi niya
“magaaksaya ka nanaman ng pera dami mo ng damit sa bahay ninyo ah” protesta ko sa kanya.
“Yun na nga lang ang kasiyahan ko magshopping. At kailangang magpaganda dahil kailangan magka boyfriend nah aha” ani Grace.
Kulitan at tuksuhan kaming dalawa sa sasakyan hanggang makarating kami sa Greenbelt . Pag dating namin sa greenbelt naghanap kami agad ng makakainan. Pinili na lang namin ang Mc Donalds dahil fastfood at dina kami maghihintay, gutom na rin kami.
Matapos kaming kumain, inumpisahan na ni Grace ang [pagshoshopping at ano pa nga ba ako ang personal alalay ng aking bestfirend.
“sa susunod best magdala ka ng katulog ha. At dami ko nang bitbit.” Reklamo ko kay Grace.
“pasensya na Mhikz di ko akalaing mapaparami shopping ko hehe” tinawanan lang ako ni Grace.
Mag aalas sais na kami natapos sa pagshoshopping ni grace at ngalay na rin ang aking buong katawan ko sa bitbit kong mga paperbag at kahon. Ginawa na akong driver ginawa pa akong personal alalay nitong maldita na ito.
“tara starbucks muna tayo.” Anyaya naman ni Grace sa akin.
Pumayag naman ako sa at nang makapagpahinga naman ako sa dami ba namang bitbit ko. Kumuha na ako ng pwesto sa labas ng starbucks at si Grace na bahalang omorder.
Ipinatong ko sa bakanteng upuan ang mga pinamili ni Grace at ang iba sa lapag na lang dahil sa hindi magkasya sa upuan.
Habang naghihintay kay grace napansin ko ang isang grupong maingay. Kaya napalingon ako sa pwesto nila. Isang lalake ang napansin kong napakaingay sa grupo nila nakatalikod ito sa akin kaya di ko Makita ang itsura nito. Nakablack tshirt ito at kulot ang buhok na mahaba. Ang sasaya nila parang gusto kong sumali sa kasiyahan nila ngunit di ko naman sila kilala. Agaw pansin talaga sa akin ang lalakeng kulot ang buhok nakakatuwa siyang panuorin habang makulit siyang parang may ginagaya sa mga pelikula.
“ito na ang order mo mocha frappe” sabay abot sa akin ni Grace.
“salamat alam mo pa rin ang favorite ko.” Sagot ko kay Grace.
Nagkwekwentuhan kami ni grace ngunit di ko pa rin maalis ang tingin ko sa grupo na tabi lang naming pwesto. Maya maya sumulyap yung lalakeng kulot ang buhok sa aking dereksyon nang Makita niyang nakatitig ako sa kanya ay agad naman nitong binawi ang tingin at humarap sa kanyang grupo. At parang tinukso siya ng mga kasama niya at naghigikkikan. Aba ako ata ang pinaguuspan ng mga to ah...
“hoy mhiks nakikinig ka ba?” si grace nawala ang attensyon ko sa sinasabi niya.
“ah oo… wait lang grace cr lang muna ako.” Paalam ko kay Grace.
Tinungo ko ang cr sa Greenbelt medyo malayo rin sa aming pwesto ang cr. Pagpasok ko ng cr walang tao sa loob tinungo ko na ang isang urinal at at umihi. Pagkatapos kong umihi sa lavatory naman ako tumungo para maghugas at ayusin ang sarili sa harap ng salamin.
Nang palabas na ako. bumukas ang pinto at tinamaan ako sa ulo ng pinto. At pasok naman ang isang lalake. Nakita niyang tinamaan ako ng pinto kaya agad tong lumapit sa akin.
“sorry sorry! Di ko po sinasadya.” Paghingi niya ng paumanhin sa akin.
“wala anuman to. Ok lang ako” habang hinihimashimas ko ang aking noo sa sakit.
“sorry po talaga” nakatingin siya sa aking noo ko at sinusuri kung may sugat ito.
Paglingon ko sa kanya si kulot pala natitigan ko siyang malapitan. Napakaamo ng mukha maputi ito na mamulamula ang balat niya. Mapupula ang mga labi. At mahabang kulot ang kanyang buhok na buhay na buhay. Slim ang katawan niya na may mga muscle na hindi kalakihan. Para siyang may lahi na pianghalong Pilipino Chinese at espanyol.
“ok lang po ba kayo” tanong niya sa akin
“ok lang. salamat sa pagaalala.” Sagot ko sa kanya.
“sorry po ulit” at nagbitaw ng napakagandang ngiti. Na siyang ikinatulala ko.
“sige ok lang ako apology accepted” at sabay alis na ako sac r. paglingon ko sa aking likod nakatititig pa rin ito sa akin na nakangiti. Nagbitaw din ako ng isang ngiti sa kanya at labas na rin ako sac r.
“ang tagal mo naman” sambit ni Grace habang papalapit ako sa pwesto namin.
“tara uwi na tayo at pagod na rin ako” si Grace ulit. Siya pa ang napagod ako naman ang nagbubuhat ng mga gamit nito.
Lumingon ako sa pwesto ng grupo kanina ngunit wala na rin ang mga ito umalis na ata. Liningon ko rin kung saan ang cr ngunit di ko na rin nakita si boy kulot. At isaisa kong kinuha ang mga pinamili ni Grace at binitbit.
Pagdating namin sa parking binuksan ko ang likod ng aking sasakyan para ilagay dun ang mga pinamili namin. At sumakay na rin kami ni Grace at umuwi.
Hinatid ko si Grace sa bahay nila at nagpaalam na rin dahil gusto ko na ring umuwi. Napagod ako sa pagiging personal julalay ni Grace daig ko pa ang isng boyfriend o kaya masasabi nating daig ko pa ang pagiging katulong bitbit lahat ng pinamili niya habang siya bitbit lang ang purse niya. Kung kelan ko siya naginf bestfriend nagging malupit to sa akin hahaha.
Pagkarating ko ng bahay deretso sa kwarto ako at humilata s aking kama . Ahhhh ang sarap talagang magunat at maihiga ang likod sa kama . Nang biglang.
“ring ring ring” ang aking cellphone may tumatawag. Nakita ko si Ran at sinagot ko agad ito.
“pare bakit?” tanong ko sa kabilang linya.
“pare punta ka sa ****** may drag race ngayon malaki ang pustahan.” Sagot sa kabilang linya.
“sino ang maglalaban?” excited kong tanong sa kanya.
“si Victor gamit niya yung Toyota Altezza niya saka si Vic gamit nya yung Suziki Cappucino” ani Ran
“ayos yan ganda siguro ang laban nila. Hintayin mo ako darating ako agad diyan” sabi ko sa kabilang linya at binaba ko na ang aking telepono.
Nagmadali akong magayos kahit na pagod ako nawala ang aking pagod nang marinig ko ang drag race. Kaya kinuha ko aang susi ng aking sasakyan at nagmadaling umalis.
Pagkarating ko sa venue nakita ko agad si Ran na kumakaway sa akin dala ang kanyang sasakyan na Mazda Eunos Roadster. Agad ko naman linapitan na siya namang lahat ng mga andun pinagtitinginan ako. alam kong dahil sad ala kong sasakyan dahil bihira na lang ito Makita at kahit sino ay may gusting bilhin ito. Ngunit di ko pa pwedeng pangkarera dahil hindi ko pa napapaset ito.
“pare kelan mo naman ilalaban yang Toyota mo?” Tanong sa akin ng isang karerista.
“di pa yan pwede, di pa naipapaset yang sasakyan niya” si Ran ang sumagot.
“basta pare kung ready na yan laban tayo” banat ulit ng isang karerista.
“sure pare” sagot ko na lang sa kanya.
Dami ding kumausap sakin dahil interisado sila sa aking sasakyan. Ang iba hinahamon ako yng iba nagtatanong kung saan nabili at ang iba kung ibebenta ko raw ba. Natuwa rin naman ako sa feedback ng mga tao sa aking sasakyan kahit old model na siya dami pa ring interisado. Pakiramdam ko tuloy brand new ang aking sasakyan.
Mayamaya nakita ko ang isang pamilyar na mukha na nakatingin sa aking sasakyan minamasdan niya. Si boy kulot ang lalake na yun. Sa di ko malamang kadahilanan parang sumaya ang aking pakiramdam. Lalapitan ko n asana biglang may humarang na isa kong kaibigan at kinausap ako. nang sumulyap ako sag awing kung asan si boy kulot ay wala na ito. Nakita ko na lang sa di kalayuan nakita kong pasakay na siya sa isang kotse at nagmamadaling umalis sa venue.
Nalungkot ako dahil ni di ko lang nakausap at natanong ang pangalan nito. Sayang sana tinanong ko na siya nung nasa greenbelt pa kami kanina. Nakakatuwa siyang pagmasdan wala siyang keme sa katawan. Galawgaw siya na matutuwa ka, parang makakalimutan mo kung anong problemana meron ka. Siguro di pa oras para makilala siya.
Nagumpisa na ang karera kanya kanya silang pusta at ako nman ay nanuod lamang .wala kasi akong pangpusta naubos sa pagbili ko ng sasakyan ko at inilalaan ko sa pagaayos ng aking sasakyan. Ganda nang laban pinangako ko sa sarili ko na pagmaayos ang aking sasakyan ako naman ang susunod mangangarera.
astig ah karerahan,,,,
TumugonBurahin