Fast as Race
sorry di ko talagang magawang mag edit hehe daming pinapagawa dito sa office.. wala kasi akong lappy tappy na ginagamit.
Part 3
Tanghali na ako nagising, mag aalas dose na nun. Bumangon ako sa aking higaan at tumungo ng banyo para maligo na rin. Tulad ng kinasanayan naghubad ako hanggang walang saplot na naiwan sa aking katawan at naligo gamit pa ang shower. Di ko pa rin maalis sa isipan ko si kulot ewan ko ba kung ano ang meron ang taong iyon at naattrack ako sa kanya. Di hamak masgwapo naman ako sa kanya. Ngunit nabibighani pa rin ako kay kulot lalo na ng kanyang ngiting malainosente. Maamo ang mukha na kala mo’y isang anghel.
“Mickey! Kain na anak labas ka na diyan sa kwarto mo.” Sigaw ni mama mula sa labas ng aking kwarto.
“Opo Mommy pagmatapos akong maligo!” sagot ko kay Mommy habang ang kalahating katawan ko nakalabas sa banyo.
Minadali ko ng maligo at nagbihis. boxer shorts at sando lamang ang suot ko at bumaba na rin ako. nakita ko sila Mommy at Daddy nakaupo na sa hapag kainan habang si Daddy ay may kausap sa kanyang cellphone, parang kausap niya ay isa sa mga kashare niya sa isa naming negosyo.. Ako na lang ang hinihintay nila para magumpisang kumain. Pagkaupo ko siya namang ibinaba na ni daddy ang kanyang telepono.
“tara magumpisa na tayong kumain.” Utos ni Daddy na napakalamig ng boses.
Napakatahimik habang kumakain kami sabay nga kami kumain kaso parang magisa ka rin. Si Daddy pala nanlamig sa akin nung ayaw kong sumunod sa gusto niyang pamahalaanan ang aming mga negosyo at maspinili ko pang tumambay kasama ang aking mga kaibigan. Lalo na nung nalaman niya tungkol sa aking pagkatao.
“Bukas mga 7am magsimba tayo tagal na rin nating di nagsisimba.” Pamasag katahimikan ni mommy.
“Baka di ako pwede tumawag si Mr. Jinales magyayang mag-golf” sagot ni Daddy na napakalamig.
“Baka maaaring ipagpaliban muna yan daddy matagal na rin tayo di nakapagmisa na magkakasama” pagmamakaawa ni Mommy.
“Importante tong kleyente natin malaki ang ipapasok niyang pera kaya kailanganin nating kaibiganin natin ito.” Pagmamatigas ni daddy
“Daddy baka naman maaari namang magsimba tayong magkakasama bilang isang pamilya” paglakas loob kong nagsalita.
“Isang pamilya? Naisip mong kasama ka dito sa pamilya? Bakit di mo ako tulungan sa pagpapatakbo n gating negosyo para makatulong ka rin sa pamilyang ito. Kung andito lang si Marcus sana may katulong ako sa negosyong ito….” Panunumbat sa akin ni Daddy.
“Daddy tama na!” pang aawat ni Mommy.
“Lagi na lang si kuya… hindi nyo ba naiisip na may isaa pa kayong anak.?” Sagot ko kay Daddy.
“Anak?! Ni di mo lang tulungan ang pamilyang ito?” si Daddy
“Kung hindi ko nga kayang gawin ang pinapagawa ninyo sa akin?” balik sagot ko kay Daddy.
“Hindi ko kayang pakasalan si Grace. Bakit din a lang ninyo tanggapin. Kaibigan ko naman si Grace” pumatak ang aking luha ng di ko namamalayan.
“Hindi sapat na maging kaibigan mo lamang ang anak ng mga Oliva pano natin mapapagisa an gating yaman sa kanilang pamilya?” nanginginig sa galit si daddy.
“hindi ko nga po kayang gawin!” pagmamatigas ko.
“hindi mo kayang gawin dahil isang kang……..” di maituloy ni daddy ang sasabihin.
“oo di ko kaya dahil bakla ako…. ano na daddy? Bakit di mo maituloy?! hindi mo tanggap ang aking pagkatao at si kuya sa akin mo rin sinisisi kung bakit siya nawala.
“tama na please” pagmamakaawa ni mama.
“tarantado ka! Wala akong anak na bakla” sigaw ni Daddy.
“sa ayaw ninyo o sa gusto meron na!” sinabayan ko ng pagwalk out.
Di ko na naintindihan ang mga pinagsasabi ni daddy dahil ayaw ko ng marinig. Umiiyak na ako sag alit kay daddy hindi niya ako maintindihan. Kung andito lang sana si kuya matutulungan niya ako.
Umakyat ako ng kuwarto at nagbihis kinuha ko ang susi ng aking sasakyan na Toyota Trueno at umalis ng bahay. Tinext ko si Ran na pupunta ako sa talyer ng aming kaibigan para ipaayos ang setting at i-upgrade ang anumang i-uupgrade sa aking sasakyan.
Pagkarating ko ng talyer kinausap ko ang kaibigan naming mikaniko upang sabihin sa kanya ang gusto kong setting sa aking kotse at pinacompute ko na kung magkano ang aking magagastos. At iniwan ko na ang sasakyan sa kanya.
Hindi ko na hinintay ang pagdating ni Ran at namasyal akong maisa. Total malapit lang naman ang Quiapo kaya napagdesisyunan ko ng dumaan muna sa sinbahan at magdasal. Pagkatapos ikutin ang buong Qiapo.
Alas dos y medya na ako nakarating ng simbahan nh Quiapo. Taimtim akong nagdasal sa simbahan. At hiniling kong matanggap ni Daddy kung ano ako. handa naman akong tulungan siya sa aming mga negosyo wag lang sa pagpapakasal kay Grace.
Business Partner kasi ni Daddy si Mr Oliva at gusto nilang maipakasal kami ni Grace upang ganap na maging isa ang pagiging partner nila.
Lumabas ako ng simbahan na andun parin ang sama ng loob sa aking daddy ngunit kahit papaano gumaan n gang aking pakiramdam. Lionakad ko ang daan patungo ng LRT 1 daming mga tao siksikan marami ding mga nagtitinda.
Ewan ko ba maspinipili kong pumunta sa mataong lugar para magalis ng sama ng loob. Di tulad ng iba gusto nilang mapagisa, kakaiba lang siguro ako. tumitingin tingin din ako sa mga tinitinda ng mga tao dun. Dahil minsan may tinitinda silang kakaiba tulad ng mukhang stapler na mini sewing machine pala haha.
Nakarating ako sa malapit na sa stasyon ng LRT Carriedo tumingin tingin ako ng mga gadget na galing sa china natuwa naman ako dahil ang iba gaya talaga nila.
Nakaharap ako sa isa sa mga estante na puno ng mga mp4 player ng napalingon ako sa gawing kanan nakita ko si kulot tumitingin ng ano mang gadget yun di ko makita sa may kabilang puwesto. Nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko siya o hindi.
Ano kaya ang ginagawa nito dito at parang kung asan ako andun din siya. Di kaya nakatadhanang makilala ko na siya. Yan ang aking katanungan na dapat ko nang masagot sa oras na iyon.
Nagumpisa na siyang maglakad papalayo sa akin. Agad ko naman siyang sinundan. Alas magisa lang niya kakausapin ko na siya ngunit kukuha ako ng tiyempo. Tumawid siya ng kalsada lumipat sa kabilang sidewalk at naghintay ng jeep na papuntang luneta. Binilisan ko ang pagsunod sa kanya mabilis din siyang maglakad.
Mayamaya pumara na siya ng jeep at sumakay sa may harapan sa tabi ng driver. Dahil bakante pa ang tabi niya agad din akong sumakay at tumabi sa kanya.
“mama bayad ko pos a luneta lang” abot niya ng bayad sa driver.
Nagbayad na rin ako sa driver at sinabi kong sa luneta rin ako bababa. Pinagmamasdan ko siya waring di siya makapakali parang gusto niyang tingnan ang katabi niya na nahihiya na tulad din ng aking gusting gawin.
Nagtatama ang aming balat na nagkikiskisan na siyang nagpatayo ng aking mga balahibo sa katawan at nagbibigay kakaibang sensasyon sa aking makiramdam. Nakatitig lamang siya sa may windshield tinitingnan ang mga nadadaanan namin. Ganun din ako. naisip kong sa luneta ko na lang siya kausapin para maging romantiko ang dating.
Nakarating kami sa sa luneta na walang sulyapan. Nauna akong bumaba at sumunod siya. Hindi man lang niya ako sinulyap. Nagumpisa na siyang maglakad dahandahan lamang ang kanyang paglalakad. Habang ako naman ay sinusundan siya na wari bang isa akong stalker.
Tumitingin siya sa kanyang kapaligiran nagmamsid kung ano man ang kanyang nadadaanan at patuloy lang siya sa kanyang paglalakad. Nakarating siya sa break water at umupo siya may konkreto at waring may iniisip. Sa di kalayuan naman akong umupo minamasdan ang kanyang ginagawa ngunit di ako nagpapahalata na sinusundan k siya. Maya maya nagsalita siyang magisa.
“kamusta mga babies ko?” nakatungo lamang siya habang ang kanyang mga paa ay nagsiswing.
Sino kaya ang tinatawag iyang babies? Wala naman aking nakikitang nakasiksik sa kanyang teynga at walang ring cellphone na nakikita. Nakita ko nalang ngumiti siya habang nakatungo pa rin siya. Ngunit napansin kong parang may tinititigan siya sa mga bato.
Liningon ko kung ano ang kanyang tinitingnan samga bato. Nagulantang ako sa aking nakita, mandidiri ba ako o matatawa. Mga ipis kinakausap ni kulot at tinawag pa niyang “Babies”. Sa isip isip ko may pagkaweirdo rin tong kulot na to. Imbis na maturn off ako sa kanya at maslalo lang akong natuwa at lumakas lalo ang aking pagnansang makilala siya.
Ang saya saya niya habang tinititigan ang mga ipis at nagkukuwento sa mga ito kung ano ang mga nangyayari sa buhay niya. Narinig ko ang mga nakakatuwang mga nangyari sa kanila sa opisina, sa mga kaibigan niya, at nang ikwento niya sa mga ipis ang tungkol sa kanyang karelasyon lumungkot siya at tumulo ang kanyang mga luha kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mukha. Parang wala siyang masabihan ng sama ng loob at problema at sa ipis na lang niya sinasabi mga ito.
Nalulungkot ako para sa kanya gusto ko siyang damayan. Ramdam ko ang kalungkutan na bumabalot sa kanya. Sa kabila ng masayahin niyang pinapakita sa mga tao. Ay may kalungkutang sinasarili lamang niya. Nasaksihan ko ang mga iyon. Di niya pansin na nakikinig at pinagmamasdan ko siya.
Lalapitan ko n asana siya upang magpakilala at damayan siya sa kanyang kalungkutan ng mag ring ang kanyang cellphone. Binunot nito sa kanyang bulsa at sinagot ang tawag.
“Ronnie bakit ka napatawag?” sagot nito sa tumawag sa kanya habang pinupunasan niya ang kanyang mga luha gamit ang kabilang kamay niya.
“sige papunta na ako diyan 30 min andyan na ako.” agad niyang pinutol ang tawag at nagmamadaling umalis.
Sinundan ko siya paalis ng luneta. Nasa likod lamang niya ako. sinundan ko siya papuntang LRT 1 UN Station. Maraming taong nakapila kaya malayo ako sa kanya sa pila. Nakabili na siya ng ticket habang ako ay kinakapkapan pa ng gwardiya. Bibili n asana akong ng ticket ng sumakay na siya sa tren na dumating. Binilisan ko ang pagbayad at ipinasok ko na ang ticket sa daanan ngunit nagsara na ang tren di ko naabutan.
Ang bilis ng mga pangyayari ni hindi ko lang nakuhang makipagkilala. Katabi ko na ng matagal sa jeep di ko na agad siya kinausap. Sayang! maypagkakataon na ngunit sinayang ko ulit.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento