Navigation Bar

Lunes, Hunyo 27, 2011

chained (part 10-End of chain)

Secret Love
last part ng story salamat sa mga nagbasa. kahit na first time kong magsulat binasa nyo pa rin.... thanks.... Kay kuya don, kim, ran (ayusin mo pa site ko), zeky, at mam rose.... thanks.
Part 10 (Ending- My Undenial Love)
KhiefBlue

Panibagong araw na naman ang dumating. Tambak nanaman ng trabaho at busy nanaman walang pansinan sa trabaho pero minsan nakakapagbiro din. Maraming dumating na revision. Puros revision na lang ang ginagawa namin.

Dalawang buwan na rin nung mangyari ang aksidente ni Lesslie. Tumakbong normal naman ang aming buhay sa loob ng dalawang buwan. At habang tumatagal nagiging mas sweet naman sila Lesslie at Mhiks. Sila mammie at nikki mukhang wala ng pagasa tatanda na ata na dalaga.

Ako naman binuksan ko na ang puso ko sa ibang tao sa katunayan mula nung gabing nagtapat ng pangliligaw sa akin si Ran ay hindi na ako tinigilan. Kaya’t unti unti na rin nahulog ang loob ko kay Ran, sa katunayan may binigay siyang teddy bear sa akin nakita namin yun nung minsang mamili kami sa divisoria at pinangalanan naming Mido.

At ang kapatid ko naman na si Kim at ang nobyo niyang si Justin ay getting stronger pa rin ang samahan kahit na nagkaroon ng mga issue at problema ang mga ito.

“Lesslie may lakad ka ba ngayon?” tanong ko kay Lesslie para magyayang mamasyal sa mall. Biyernes naman na at walang pasok naman bukas.

“pasensya na Ronnie at monthsary namin ni Mhiks. Babawi na lang ako sa susunod Ronnie, pasensya na.” sagot ni Lesslie na humihingi ng pasensya sa kin.

“ok lang enjoy na lang at happy monthsary na rin” sagot ko kay lesslie. Wala na sa akin kung sila na talaga at wala na rin sakit sa aking dibdib. Mahal ko si lesslie kaya gagawin ko kahit ano basta wag lang siyang masaktan. Andito ako sa tabi niya bilang isang kaibigan.

Tinungo ko naman ang pwesto ni Mammie para tanungin din siya habang nakasubsob pa siya sa mga check print na pinasa namin sa kanya para icheck. Naisip ko, ligawan ko kaya si Mammie, pero naisip ko isang malaking EEEEEWWWWW. Hehehe

“Mammie may lakad ba kayo? Tanong ko kay mammie. Matagal bago siya sumagot dahil siguro naka concentrate siya sa trabaho niya.

“ah pasensya na Ronnie may lakad din ako college friends ko makikipagmeet sa akin” sagot naman ni mammie sa akin habang humihingi ng sorry sa akin si Mammie.

Si nikki naman ang nilapitan ko para tanungin. Isa rin tong nakasubsob sa monitor mukhang nagmamadali ito. Excited na ata ito para umuwi. Nilapitan ko pa rin si Nikki para tanungin.

“oh lagi na lang bang panghuli ako sa mga choices mo Ronnie?” pambara sa akin bago ako makalapit sa kanya. “pasensya na rin may lakad din ako sa susunod na lang din” banat din Nikki.

Bumalik na lang ako sa aking pwesto na matamlay. Mag-isa nanaman ulit ata akong mamamasyal. Naisipan kong i-text si Ran ngunit ilang minuto na hindi pa ito nagrereply. Kaya naisipan ko na siyang tawagan. Nagriring ang kanyang cellphone ngunit hindi sinasagot. Nakilang ulit akong tawagan siya ngunit hindi talaga sinasagot.

Naguwian na at wala pa ring reply si Ran sa aking message. Busy ata si Ran o kaya may importanteng lakad ito. Nag out na ako at lumabas na ng building ng malungkot.

Tinungo ko ang greenbelt at sa starbucks ako pumunta tulad ng nakasanayan umorder ako ng cappuccino at tumambay sa labas ng nito. Sinariwa ang mga pangyayari dun nung lagi kaming magkasama nila Mammie at Lesslie.

Cheneck ko ang aking phone at may 3 messages akong natanggap. Binuksan ko ito isa isa. Ang dalawang message ay info ng operator (Mahal na mahal talaga ako ng operator na to, buti pa sya…) at ang isa naman ay galing kay xhander na nagpaalam na umuwi na siya sa kanila. Bukas pala sabado kaya nagsiuwian ang mga kasama namin sa bahay.

Nang maubos ko na ang aking inorder. Tumayo na ako at nagikot ikot sa loob ng greenbelt at nagmunimuni. Lakad dito lakad doon. Hanggang makaramdam na ako ng pagod.

Umuwi na ako sa bahay at para magpahinga napagod din ako sa ginawa ko. Dumating ako ng apartment mukhang wala pa si Lesslie dahil madilim ang loob ng bahay. Kinuha ko ang susi ko sa loob ng bag ko at binuksan na ang pinto ang dilim, pag-apak ko sa loob ng bahay kinapa ko sa pader ang switch ng ilaw. Nagliwanag na ang loob ng bahay na siyang ikinabigla ko.

May malaking banner sa loob ng bahay nakadikit sa may pader ng sala namin. At ang nakasulat ay “Ronnie Can you be my Boyfriend” at sa baba nito ay I Love You – Ran”. Kabog na kabog ang dibdib ko sa pagkakita, halos hindi makahinga at muntikm nang himatayin, hindi ko aklain na mangyari ito. At mayamaya lumabas si Ran mula sa aming kusina may bitbit na maliit na cake at nasa ibabaw ay isang silver na singsing.

Hinding – hindi talaga ako makapaniwala sa aking nasaksihan. Kala ko sa pelikula lang maaaring mangyari ito. Kinurot ko ang aking sarili ngunit totoo nga ang lahat. Pagkalapit ni Ran sa akin lumuhod ito sa aking harap. Habang ang cake na may singsing ay inaabot sa akin an gang kabila niyang kamay ay kinuha ang aking isang kamay at hinalikan ito.

“can you be my boyfriend?” tanong ni Ran na parang nagmamagkaawa ngunit nakangiti na puno ng determinasyon na ako ay mapapasagot niya. Alam ko namang malinis ang intensyon niya sa akin at mahal ko na rin siya. Di naman mahirap mahalin si Ran dahil nung una pa lang eh palaging nanadyan kung kailangan mo siya, sweet, at hindi ako nilubayan hanging ngayon.

“Ronnie can you be my boyfriend?” inulit ni Ran ang tanong niya. Ngunit hindi pa rin ako makasagot. Gusto ko muna magpakipot, at pahirapan siya para malaman kung hanggang saan siya tatagal sa akin.

Hindi pa rin ako sumasagot hanggang tumayo ito at akmang tatalikod ito bigla ko siyang nginitian, niyakap at hinalikan sa labi. Hindi ko alam kung ano ang tumakbo sa aking isipan at ganun ang ginawa kong pagsagot sa kanya. Lumaban naman siya ng halik at nagtagal kami sa ganong posisyon alam kong nangangawit na siya dahil bitbit pa rin ng isa niyang kamay ang maliit na cake kung nasaan ang singsing.

Huminto ako sa pag halik at kumalas sa pagkayayakap. Kinuha ko ang singsing sa may cake at sinuot ito, ngunit kinuha niya ito at siya mismo ang nagsuot nito sa akin. Natuwa ako sa kanyang ginawa, hindi naman niya kailangan marinig ang sagot ko at pinadama ko naman ito sa kanya. Naglulundag ito at sumisigaw na kami. Na agad ko namang pinigil at baka marinig ng mga kapitbahay dahil nakakahiya.

Nagulat na lang ako sa mga sumunod na pangyayari. Mula sa kwarto namin ni Lesslie lumabas sila Mammie, Nikki, Kim, Justin Mhiks at Lesslie na may bitbit na mga pagkain. At nagsimulang magkantiyawan, pinakita na masaya sila para sa aimn ni Ran.

Aba ang gagaling ninyo. Kaya pala may kanya kanya kayong lakad susurpresahin ninyo lang ako. At ang pinakamagaling na ito, eh kinasabwat pa kayo.” Reklamo ko sa kanila habang pingot ko ang tenga ni Ran.

“naaawa na kasi kami kay Ran dalawang buwan ka na niya liniligawan hindi mo pa sinasagot. Kung sa akin lang nangligaw yan sasagutin ko agad.” Ani ni Nikki. “Excuse, taken na sya” Habang nakataas ang daliri na suot ang sing sing na bigay ni Ran.

“paano ba yan kuya, big sis na ang tawag ko sayo” pang aasar ni kim na agad ko namang binigyan ng isang malakas na batok na siyang napayuko siya sa sakit.

“aray! Kuya naman parang binibiro lang naman. Sakit nun ha.” Si Kim habang kinukuskos ang ulo para maibsan ang sakit ng pagkakabatok ko. Nagtawanan ang lahat sa amin ng kapatid ko.

Napagisipisip ko na it’s so gay. Ako ang niligawan, ako ang sinorpresa at ako ang hinabol. Ibig sabihin ako ang babae sa aming dalawa ni Ran. Arggghh….. bakit ganun….hinarap ko si Ran at hinawakan ko siya sa magkabilang balikat para linawin ang isang bagay.

“Ran hindi porket ikaw ang nangligaw naghabol at sumuyo sa akin ako na ang babae. Hindi ganun.” Paglilinaw ko sa kanya.

“Ron hindi dahil sa ako ang nangligaw babae ka na, walang babae sa atin dalawa. Basta ang alam ko lang nagmamahalan tayo.” Pagpapaliwanag naman niya sa akin. Umakap na ako sa kanya ng mahigpit. At siya naang kantiyawan ng grupo sa amin.

Pinagsaluhan namin ang mga handa nilang pagkain para sa amin ni Ran. Ang saya ko nung gabing yun. Inuman, kwentuhan hanggang madaling araw. Nagpaalam na sa amin sila Mammie at Nikki ganun din sila Kim at Justin. Dun na rin namin pinatulog sila Mhiks at Ran. Nangako kami ni Lesslie kung doon matutulog ang dalawa walang mangyayaring kababalaghan, respeto na rin namin sa bahay.

Makalipas ang mahabang panahon hindi pa rin nawawala ang sweetness namin ni Ran. Ganun din sila Mhiks at Lesslie getting stronger ang aming mga relasyon.

May mga natutunan din ako sa mga pangyayari na yun sa buhay tulad ng kung gusto mo ang isang tao hayaan mo lang ang panahon ang magpasya kung kayo nga ang para sa isa’t isa. Wag mong pilitin kung talagang hindi maaari. Dahil sa bandang huli baka masira lang ang lahat. At kung may mahal kang isang tao wag mong isekreto, ipa-alam mo sa kanya para kahit papaano gumaan ang iyong kalooban. Ito ang aking Secret Love na nagpabuo sa akin na hindi na maisesekreto pa.

(end)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento