Navigation Bar

Martes, Hunyo 21, 2011

Chained (part8)

Secret Love

sorry sa mga pinag hintay ko hehe matagal bago ko naupdate hehe....

Part 8

Khief Blue

“ayyy!!! Si Justin nakatingin dito at papalapit sa atin” tili ni Nikki habang si mammie inuuga-uga niya si Lesslie. Huminto sa harapan namin sila Justin at kim at nakangiti ito sa amin habang tulalang nakatitig sila Nikki at Mammie kay Justin.

“Kanina pa ba kayo?” tanong ni Justin sa amin na nakangiti habang si Kim naman nasa likod niya na natatawa sa mga pangyayari. Umusog ako ng upuan. At katabi ko na si Ran, tumabi sa akin naman si Kim at si Justin naman sa dulo na tapat naman ni Nikki. tulala pa rin ang dalawang dalaga naming kasama habang titig na titig na kinikilig ang dalawa. Ngunit makikita mo sa mukha nila ang pagtataka.

“Mammie, Nikki si Kim kapatid ko at si Justin…” napatigil ako sandali di ko alam kung papakilala ko si Justin na boyfriend ng aking kapatid. Kaya lumingon na lang ako sa kanila.

“si Justin bestfriend ko.” Dugtong na lang ni Kim. Habang sinisiko siko niya si Justin na nagtataka kay kim. At ang dalawang dalaga naming kasama ay nakikipagkamayan kila Justin at kim.

Mayamaya dumating na ang mga kaibigan ni Nikki. isa sa sikat na banda rin. at bestfriend  ni nikki mismo ang vocalista ng banda. Lumapit sa table namin ang vocalist at kinamusta kami sa aming table nasurpresa din siya ng Makita niya si Justin. Nagkamustahan at umalis na rin para maghanda sa kanilang pagtugtog.

“nikki friend mo pala sila may tinatago ka rin pala.” Sabi ko kay nikki na pasigaw na naguumpisa nang umingay ang paligid gawa ng pagtetesting nila ng mga instrumento nila.

“kaw nga rin kaibigan nyo rin pala si Justin di mo rin sinabi sa amin.” Sigaw pabalik sa akin ni Nikki. dumating na rin an gaming order kanina. Kumain na kami para mamaya ay deretso inuman na. wala akog ganang kumain nun kaya hinimay himay ko lang ang aking kinakain. Habang nakatitig kila Lesslie at Mhikz.

Nagumpisa na kaming maginuman, una dalawang bucket ang inorder namin. Kumuha ako ng isang bote at ipinasa ito kay Ran. Kwentuhan lang ng kwentuhan minsan nakikisabay kami sa pagkanta sa banda. Di ko namamalayan maramirami na rin pala ang aking nainom. Parang bumabagal ang kapaligiran ko at umiikot. Ramdam kong tinamaan na ako. Nakatingin na lang ako kay Lesslie habang nakikipag kulitan sa iba naming kasama lalo na kay Mhikz. Nakatulala akong nang…

“Ronnie pwedeng magtanong? Alam kong mali ang oras na ito para itanong.” Bulong sa akin na pasigaw ni Ran dahil medyo umiingay na ang kapaligiran. Kinakabahan kung ano ang itatanong niya sa akin.

“Ronnie pwede ba kitang ligawan?” ani Ran na siya ko namang ikinatulala. Ni hindi ko alam ang gagawin.

Napatingin sa amin sila Mammie at Lesslie narinig ata ang tinanong ni Ran. Hindi ko alam ang gagawin lalo’t pa lasing na ako. Nangilid na lang ang luha sa aking mga mata. Naghalo ang aking nararamdaman. Masaya dahil may nanliligaw sa akin, malungkot dahil kay Lesslie. At pagkalito na nauntog sa katotohanan na parang may nararamdaman na rin ako kay Ran. Maiksi lamang ang oras ng aming pagkakakilalan. Bakit parang napakabilis ng mga pangyayari. Wala pang isang lingo at eto na si Ran nangliligaw na. At sila Lesslie at Mhiks isang gabi lang sila na. ano na ang nangyayari dito? Daming tumatakbo sa isip ko.

“Ronnie!” natauhan ako sa pagtawag ni Ran. Tumayo ako ng walang paalam at tumakbo papuntang cr. Hndi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras nay un. Hindi ko alam ang isasagot. At lalong hindi ko na alam ang sarili ko. Pag pasok ko sa cr humarap agad ako sa salamin at naghilamos para magising ang aking utak. Nag umpisa nang pumatak ang aking mga luha. Wala na akong pakialam kung sino man ang makakita.

Nakatitig ako sa salamin habang iniisip ang lahat ng pangyayari. Sa likod ko ang isang lalakeng lasing habang inaalalayan siya ng kanyang kasama palabas ng cr. Pagkalabas ng dalawa bigla naman ang pagpasok ni Lesslie agad akong tinanong kung ano ang nangyari. Ngunit nanatiling nakatitig ako sa salamin parang walang narinig.

“Ronnie ano ba ang nangyari at bigla ka na lang umalis dun?” tinanong ulit sa akin ni Lesslie na hindi ko pa linilingon.

“alam mo bang iniwan mo si Ran dun na malungkot” habang tinititigan nya ako sa salamin. Na nagsasalubong ang kanyang mga kilay. Hawak niya ang aking balikat at  yinuyugyog.

“hoy! bakit ka umiiyak? Ano ba ang nangyari sa inyo ni Ran?” pangungulit ni Lesslie sa akin. Naiirita na ko sa pangungulit ni Lesslie gawa ng aking kalasingan at pagkalito bigla na lang akong sumabog.

“ANO BA?!” nasigawan ko si Lesslie ng di ko sinasadya. “alam mo ba ang dahilan na bakit ako nagkakaganito? Dahil sa iyo. Hindi mo alam kung ano tong nararamdaman ko na to sa iyo! Mahal kita ngunit hindi pwede, kasi may mahal ka ng iba” waring natahimik si Lesslie sa pagkabigla unti unti na ring pumatak ang kanyang mga luha.

“bakit mo to sinasasabi? A-ano kasalanan ko? B-bakit?” nauutal na wala sa sariling pagsasalita ni Lesslie. Parang hindi sanay sa ganung pangyayari si Lesslie kaya nakatitig lamang sya sa akin at pumapatak ang mga luha.

“Nililigawan ako ni Ran at baka sagutin ko na siya para makalimutan ko na ang nararamdaman ko sayo.” Para kaming sabog na naguusap na hindi man lang pinagiisipan ang binibitawang salita. Kung makikita nyo lang kami sa ayos matatawa kayo.

“maganda yun para sumaya ka rin naman” ang tanging naisagot ni less sa akin na yumuko. Nainis ako sa sagot niya parang bale wala sa kanya ang pinagtapat ko.

“yun lang ba ang masasabi mo? Bale wala ba sayo na mahal kita?” agad ko siyang hinila sa braso at niyakap. Lumakas ang aking loob dahil sa dami ng aking nainom na alak.

“ano ba nasasaktan ako.” Reklamo ni Lesslie sa akin. Alam kong gasgas na ang ganitong scenario pero ginaya ko pa rin. Bigla ko na lang siyang hinalikan sa labi na siya namang nagpaubaya sa akin si Lesslie. Nang….

“ano to?” si mhiks bumulaga sa amin di namin namalayang sumunod din pala si mhiks kay Lesslie. Na siyang pagkatulak sa akin ni Lesslie ng malakas at napasandal ako sa lababo.

“mhikz…!” tanging sambit lang ni Lesslie na nanginginig habang npapalapit siya kay mhiks. At si mhiks naman ay blanko ang ekspresyon ng mukha. Napayuko na lang ako sa hiya kay mhiks dahil alam kong ako ang may kasalanan.

Tumakbo na lang si Mhiks palabas ng cr na wala man lang sinabi. hinabol naman siya ni Lesslie at sa pag-alala hinabol ko rin sila para makapagpaliwanag kay mhiks na walang kasalanan si Lesslie. Dumiretso sa labas si Mhiks na sinusundan ni Lesslie na kasunod ako. Nakita kami nila Ran kaya sinundan din ako. Wari kaming naghahabulan.

Paglabas namin ng bar tumakbong patawid ng kalsada si Mhiks na sinundan ni Lesslie nang biglang may dumaang van. Kaya huminto agad si Lesslie sa pagtawid. Patakbo pa rin akong papalapit kay Lesslie ng matisod ako ng isang bato na siyang dahilan ng pagkakatulak ko kay Lesslie at napadpad sa dadaanan ng van at biglang….

Sccccccrrrreeeecccchhhh!!!!! BLAG! Hindi ako makapaniwala sa aking nagawa. Nakita na lang namin si Lesslie na nakahandusay sa kalsada habang ang driver ng van ay bumaba at tumulong na rin. Natulala na lang akong nakatitig kay Lesslie habang pinapalibutan siya ng mga tao. Tumakbo rin si Ran at Mhiks kay Lesslie para tulungan siya. Wala itong malay.

Natauhan na lang akong ng tinapik ako ni Nikki at tinanong kung ano ang nangyari habang si mammie naman ay tumakbo na rin kung asan nakahandusay si Lesslie.

Dumating na rin ang ambulansya na magdadala kay Lesslie sa hospital sumama si Mammie sakay sa ambulansya at siya na rin ang nagbantay dito. Tulala pa rin ako sa lahat ng pangyayari. Kaya hindi ko alam kung saan akong sasakyang nakasakay habang naka angkla si nikki na inaaalalayan ako.

Pagdating sa hospital takbo agad ako sa receptionist at tinanong kung asan ang pasyenteng nasagasaan. Pagkaturo tinungo ko agad kung asang kwarto na confine si Lesslie.

“miss asa po dito yung pasyenteng nasagasaan?” tanong ko sa nurse na nakasalubong ko sa kwarto tinuro naman niya kung asan ang pasyente.

Pagkatungo ko sa lugar na tinuro ng nurse nakita ko na lang isang katawan na  natalukbungan ng kumot. Nag umpisa nanaman akong umiyak at tinakbo ko ang walang buhay na katawan.

“Ronnie, tama na yan Ronnie” habang hinahagod ang aking likod para patahanin ako sa aking pagiiyak. Pilit akong hinihila ni nikki patayo. Pero wala talaga akong pakialam.

Iyak lang ako ng iyak at niyapos ko ang malamig na bangkay. Kasalanan ko ito. Lahat ng pangyayari ay kasalanan ko. Kung hindi ko na lang sinabi kay lesslie ang nararamdaman ko at hindi ko siya hinalikan walang naganap na ganitong pang yayari.

(itutuloy)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento