Secret Love
khief blue
khief blue
salamat sa mga bumabasa... kay kuya don, kim, at mga friend ko thanks sorry sa tagal ng sumunod na chapter naging busy lang po... paramdam naman kayo sa mga bumabasa. sorry ulit minadali ko lang ang story...
Part 7
“Ronnie Ronnie gising na kain na tayo gutom na ako!” nagising ako sa tawag ni Lesslie gutom na siya. Kaya agad naman akong bumangon.
“dali at gutom na ako tingnan mo nagrereklamo na tiyan ko” reklamo niya na pinagmamadali niya akong magbihis at kakain na lang daw kami sa labas. Tiningnan ko ang oras alas 7 na ng umaga.
Normal pa rin ang kanyang pakikitungo sa akin sa kabila ng nangyari sa amin. Ako’y naguguluhan, kung pinaglalaruan ako ni Lesslie o kaya may nararamdaman sya sa akin. Ngunit Masaya na rin ako sa mga nangyayari. Ngunit naisip ko si Mhiks bf nya saan ako lulugar? Bakit siya nagbibigay ng motibo sa akin pero sila ni Mhiks magulo ang aking utak.
“ano ba tagal mo naman Ronnie, mainis ako ikaw ang kakainin ko…” nakangisi nyang sinabi. Tumayo n ako at sinuot ang tshirt. At lumapit sa kanya.
“anong ibig mong sabihin dun?” nangaakit kong tanong sakanya habang papalapit sa kanya. Na gumigiling giling. Nagkagat labi sya, inangat nya ang kanyang kaliwang kamay at ipinatong sa aking batok habang ang kanyang kanan kamay hinaplos haplos ang aking dibdib.
“ring……ring…..ring….” cellphone ni Lesslie nagiingay nanaman. Lintik na cellphone yan sino ba ang naginbento at nang mapatay… sagabal. Sinagot ni Lesslie ang tawag at tanging ok lang ang aking narinig at binaba nya na ang cellphone.
“dalian na natin at si mammie sabay daw sya pero agahan daw natin samahan muna daw natin sya” yun daw ang pinagusapan nila ni Mammie. Naligo na lang kami at nagbihis at umalis na ng bahay.
“bakit ano ba ang nangyari?” tanong ko kay Lesslie na naguguluhan. ang bilis nyang maglakad. Parang may hinahabol. Hinihingal ako habang hinahabol siya.
“puntahan na lang daw natin siya at siya na ang magsasabi.” Lakad mabilis pa rin siya. Na ako naman ay pawisan na. nakita na namin si Mammies a labas ng tinutuluyan niya, nakangiti na kumakaway sa amin.
“tara magagahan naman tayo sa Mc Donalds parang gusto ko ng pan cakes” yaya ni Mammie. Kamot na lang ako ng ulo kala ko kung anong emergency. Nilakad na namin ang daanan papuntang trabaho namin kung saan nadadaanan ang Mc Donald. Pag pasok namin sa Mc Donalds tanungan kami kung ano ang oorderin ng bawat isa.
“mammie a ako pancake din” order ko. “ako rin pancake din with sausage” order naman ni Lesslie habang umangkla siya kay mammie. Napakalambing talaga nito ni Lesslie at mabait kaya siguro daming nagkakagusto sa kanya.
“kala nyo sa akin waiter?” reklamo ni Mammie. “Absent na nga kayo kahapon ni di ko alam kung saan kayo nagdate kahapon tapos uutusan nyo lang ako.” Oo nga pala absent kami kahapon siguradong tambak ang trabaho namin.
“sorry na mammie, emergency lang kaya sinama ko si Ronnie mammie” para di ka na tampo mammie kami na oorder at lilibre ka ni Ronnie.” Paglalambing ni Lesslie at pumayag naman si Mammie at naghanap na ng mauupuan namin. Binabawi ko nang mabait si Lesslie salbahe sya. Ako pa ang pinahamak niyang magbabayan ng kakainin ni mammie. Salbaheng tao talaga siya. Omorder na kami ng makakain. Pagkatapos namin omorder pinuntahan na namin si Mammie.
“wow nanlibre salamat.” Habang kinuha ni mammie ang inabot na pancake ni Lesslie. At naupo na rin kami. Si Lesslie sa tabi ni Mammie at ako sa harapan naman ni Mammie.
“o Ronnie akin na yung bayad” paningil ni Lesslie nang maupo na kami na naka porma ang kamay na naniningil. “dali bayad mo” inulit pa nya ito.
“ang daya mo Less dapat dalawa tayong magbabayad ng pagkainn ni Mammie dalwa naman tayong umabsent kahapon.” Reklamo ko sa kanya.
“kayo kaya ni kim ang nagyayang pumunta sa pangasinan na dinamay nyo lang ako.” Ani ni Lesslie habang nakasimangot ang mukha.
“anong ako si kim ang may gusto kasama naman ang boyfriend mo nun at nag enjoy rin kayo.” Banat ko pabalik. Nagsalubong na ang kilay ni Lesslie pero.
“bakit hindi ka ba nag enjoy dun?” balik nya sa akin habang kinuha nya ang tissue at pinunasan ang basing lamesa gawa ng namuong tubig sa kanyang soft drinks. Bumibilis na ang tibok ng puso ko nun.
“anong nag enjoy nabitin ako sa ginawa mo nun, hindi mo lang tinuloy kahit kagabi!” sagot ko sa kanya na aking ikinabigla na nasabi ko. At nakita ko na lang na tulala si Mammie at Lesslie. Lagot na ako nadulas ako sa sinabi ko.
“Anong nangyari sa inyo?” sabi ni mammie na naiintriga. Na nagkruss ang kanyang dalawang braso na naghihintay nag may magsasalita. Naniningkit na ang mga mata ni mammie dahil wala pa sa aming dalawa ang gusting magsalita.
“mammie kain na tayo mamaya ko na lang sasabihin sa inyo buong pangyayari.” Biglang sambit ni Lesslie na nakangiti kay mammie at lumingon a akin nag dumila na parang bata. Inubos na namin ang order namin at pinaghatian na lang namin ni Lesslie ang bayad.
Nakapsok na kami sa aming trabaho at nagfile kami ng emergency leave na ang dinahilan na may personal problem na di naman na tinanong ng HR namin. Di nga kami nagkamali nagtambakan nga kami ng trabaho. Lumapit sa amin si nikki na nakamameywang.
“At asan naman kayo nagpunta kahapon? Hindi na kayo naawa sa amin ni ammie. Alam nyo ban a nasabon kami kahapon dahil may revision na isusubmit agad na dumating. Dahil wala kayo kahapon muntik na naming hindi naipasa dahil sa dami nun?” reklamo ni Nikki sa amin sinilip ko si Lesslie sa likod ko at nakita kong tatawatawa lang ito. Samantalang ako naman ay kinakabahan.
“Sorry naman Nikki, mamaya lilibre ka ni Ronnie sa pupuntahan nyo diba may gig mamaya yung friend mo? Banat ni Lesslie na ikinasalubong ng aking kilay na napatitig kay Lesslie na nagtatanong na kung anong kabalastugan nanaman ang kanyang iniisip.
“call Ronnie mamaya uwian sa Eastwood treat mo” sabay talikod si Nikki at bumalik na sa kanyang pwesto. Sumakit ang aking ulo sa nangyari. Ubos na ang allowance ko malayo pa ang sahuran kasalanan ng mga tukmol na to…
Salamat at uwian na makakapagpahinga na ako dahil sa daming naming ginawa ngayon. Palabas na kami nila lesslie at mammies a opisina nag marinig namin si nikki humahabol sa amin at tinatawag kami.
“hoy Ronnie yung promise nyo sa akin. Sasamhan nyo ako sa gig ng kaibigan ko.” Paalala ni nikki sa amin. At hinila niya ang damit ko.
“Nikki sandali lang ha kakausapin ko lang si Lesslie” paalam k okay lesslie habang hilahila ko ang braso niya palayo kila Mammie at Nikki.
“tingnan mo na ang kaguluhan na ginawa mo Less pati ako papahamak mo. Alam mo na lang na allowance ko na lang natitira dito. Saan ako ngayon kukuha ng perang panglibre kay Nikki? na naaburido kong sabi sa kanya.
“haha oo nga noh panu bay an?” balik tanong niya sa akin na aking ikinairita. “hiram ka muna sa kapatid mo Ronnie tapos bayaran na lang natin sa kanya sa sahod hati tayo” mungkahe niya.
“sa tingin mo may pera din yun? Istudyante pa lang yun at saaan naman kukuha ng pera yun? Kay Justin?” sagot k okay Lesslie.
“sige nababayaran din natin sa kanila e” pangungulit ni Lesslie sa akin. At kinuha ko ang aking cellphone sa aking bulsa at hinanap ang numero ng aking kapatid at tinawagan.
“kuya bakit?” sagot sa kabilang linya. “kim baka pwedeng makahiram ng pera sayo kailangan lang. pinahamak kasi kami ni Lesslie e, manonood daw kami ng gig ni Nikki. kaso wala akong pera.” Paliwanag ko sa aking kapatid.
“manonood kayo sama kami ni Justin andito lang kasi kami sa bahay…” naputol na sinabi ni kim.
“sama kami diyan Ronnie sagot na namin sama din natin si Ran at Mhikz tawag ng tawag si Ran sa akin kung kelan ulit tayo magkikita kita.” Si Justin inagaw kay kim ang telepono.
“sige just sabihin ko sa kanila, salamat just.” Pinutol ko na ang tawag at hinarap ko si Lesslie na nakangiti sa kanya.
“ano sabi sama daw sila sa gig text na lang daw natin sila kung ready na tayo. Tapos sunduin na lang natin nila tayo treat daw ni just kaso kasama yung dalawa. Nilapitan na namin sila Nikki at mammie. Nagpaalam na si mammie na uuwi na daw ngunit pinigilan namin siya at sumama na lang at papakilala namin sila sa aming kaibigan.
Mayamaya dumating na si Mhiks at Ran ganun pa rin tig isa pa rin ng sasakyan. Yayabang talaga ng mga ito lagging dala dala ang kanilang sasakyan ayaw magcommute. Pagbaba ng dalawa sa kanilang sasakyan pinakilala namin sila sa isat isa. Na sya namang nagpagilig sa dalawang babae naming kasama.
“Mammie, Nikki si Mhikz boyfriend ko”nakangiting pakilala ni Lesslie kay Mickey na sya namang ikinalungkot ko. Bakit hindi ko pa matanggap na may boyfriend na si Lesslie.
“ano Lesslie nagka boyfriend ka ng ganyang gwapo? Lupit mo saan mo naman nakuha yung gayuma na ginamit mo ng makabili rin ako” biro ni nikki at nagtawanan kami kahit masakit sa aking damdamin biglang tinapik ni Ran ang balikat ko at nagyaya nang umalis.
Sumakay na kami sa sasakyan at naghihintay na daw sila Kim sa may east wood text na lang daw namin sila kung saan. Si Mhiks kasama si Lesslie at Mammie, syempre di pwedeng di magkasama ang mag boyfriend. At kami naman ni Nikki sa sasakya ni Ran.
Kwentuhan ng kwentuhan ang dalawa si Ran at si Nikki samantala ako naman nakaupo sa may likuran at nakatitig lamang sa sasakyan na nasa harapan namin. Sasakyan kung asaan ang mag nobyo.
Mag aalas 8 na nang makarating kami sa east wood pinuntahan agad namin ang bar kung saan magpeperform ang kanyang kaibigan. Tinext na rin namin sila Kim kung saan lugar. Humahanap kami ng pwesto at may nakita kaming bakanteng table malapit lamang sa may stage na tabi na ng pader. Tama lang ang laki kasya sa 10 katao. Omorder muna kami ng tigiisang meal para makakain muna kami bago uminom. Inorderan narin ni Ran sila Kim at Justin para pagkadating makakain na rin agad.
Mayamaya may narinig na kaming nagtitilian kala namin andyan na ang friend ni nikki na tutugtog. Sabi naman ni nikki wala pa mamayang 9 pa raw umpisa. Kaya lumingon kami kung saan naggagaling ang tilian. Nakita ko na lang na nagtilian na rin sila mammie at nikki.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento