Secret Love
pasensya na sa paghihintay salamat din sa mga bumabasa malapit na rin ending nito.... ps. kathang isip lang po ito. salamat kay Kuya Don, Kim, Ranran, Mam Rose at marami pang iba....
Part 9
Khief Blue
Ayaw kong pakawalan sa pagkakayakap ko ang bangkay. Kahit si nikki pilit niya na akong hinihila. Kinalas ko ang pagkakahawak sa akin ni nikki at itinulak siya papalayo sa akin. Nagulat siya sa ginawa ko. At napatingin na lang sa akin na blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha.
Isang babae ang lumapit sa akin na tantiya ko nasa 25 anyos pa lang to may itsura at umiiyak din to papalapit sa amin. Nang makalapit umakap din to sa bangkay.
“kaano ano mo pala ang asawa ko?” tanong sa akin ng babae. Na siyang napabitaw ako sa bangkay. Napaisip ako sa sinabi niya. “asawa may asawa ba si Lesslie?” bulong ko sa aking sarili na napatingin ako sa kinaroroonan ni nikki na parang nagpipigil ng tawa.
Hinila ko ang kumot na tumatakip sa mukha ng bangkay ng bumulaga sa akin ang di ko kilalang lalake na may dugo pa sa may noo. Kinilabutan ako sa aking nasaksihan. Agad naman akong napatayo at humingi ng despensa sa babae.
“sorry missis ha di ko sinasadya, nakikiramay na rin ako” at tumakbo habang hatak ko si nikki. hindi ko alam ang gagawin habang si Nikki ay pinakawalan na niya ang pinipigil niyang tawa.
“hahahaha Ronnie kakatawa yung itsura mo dun kanina hahaha” pangaasar ni nikki sa akin. Namumula ang aking mukha sa kakahiyan
“malay ko na hindi pala siya yun ikaw naman di mo sinabi sa akin buti walang masyadong tao doon.” Nanginginig ko pang sinagot si nikki.
“sinasabi ko sayo pero anong ginawa mo sa akin tinulak mo pa ako, tara na nga nasa kabilang kwarto sila at may malay na si Lesslie hinahanap ka.” Natatawa pa ring sinabi ni nikki sa akin.
“wag mo ng sabihin sa kanila ang nangyari leche ka todo emote pa naman ako tapos mali pala.” Pagmamaktol ko kay Nikki.
“pang best actor ka nga e muntik na nga akong pumalakpak sa drama mo.” Napapayuko na si Nikki sa kakatawa. Na mayamaya baka bigla tong umutot.
Pagpasok namin sa kwarto naputol ang masayang paguusap nila Mammie, Mhiks at Lesslie at napatingin sila sa akin. hindi ko alam kung ano ang saabihin ko.
"Lesslie sorry hindi ko sinasadya ang mga pangyayari” hingi ko ng tawad kay lesslie. ngunit nakatitig lamang ito sa akin. binigyan nya lang ko ng blankong tingin. hindi ako mapakali at yumuko na lang ako tanda ng hindi ako komportable sa lagay ko na yun.
"Ronnie" tawag sa akin na siya namang napalingon ako sa kanya. ngayon ngumiti na siya sa akin at tinawag ako sa kanyang tabi. lumapit naman ako sa kanya at inakap niya ako.
"Ronnie wala yun sa akin. yun nga lang at ikaw ang magbabayad dio sa hospital dahil kasalanan mo ito. napakalas ako sa kanyang sinabi, wala akong perangpangbayad dito lalo na maliit lang ang sahod ko.c
"wag ka nang magalala tungkol dun pare nabayaran ko na yung bill dito. tinginan lang kami at nagtawanan.
"may ipapanood ako sa inyo siguradong matatawa kayo dito." si nikki habang binubunot niya ang cellphone nya sa kanyang bag. naalala ko baka ang video na yun yung umiyak ako sa di ko kilalang bangkay kanina. hala impakta talaga tong nikki na to. vinideo rin pala ako. tinakbo ko si nikki ngunit nakapagtago ito sa likod ni mhiks na siya namang pinipigilan ako ni mhiks na abutan ko si nikki.
"nikki ang daya mo diba nangako kang di mo sasabihin tungkol dun" sigaw ko kay nikki na natatawa. habang inaabot ko ng kaliwang kamay ko si nikki at si mhiks naman ay hinaharangan ako.
"di ko naman sasabihin ah, ipapanood ko lang sa kanila." natatawang sagot ni nikki sa akin. katapusan ko na to. may posibilidad na kumalat ito lalo na si nikki aktibo sa social network.
nagumpisa nang magplay ang video rinig ko sa cellphone kung paano ang aking pagtangis sa video na yun. lumipat na lang ako sa may bintana at nagtakip ng kurtina para takpan ko ang aing sarili sa kahihiyan.
nakita ko na lang sila na nagtatawanan. tapos na nga ako. naramdaman ko na lang na hinihila ako ni mammie palabas ng aking pinagtataguan.
"Ronnie haha galing mo best actor hahaha!" napuno ng tawanan ang buong silid ngunit pigil dahil nasa loob kami ng hospital. si lesslie nagpipigil sa pagtawa dahil sa sumasakit din ang kanyang pilay tuwing tumutawa.
"dahan dahan lang at baka lumala yang pilay mo." ani ni mhiks na natatawa pa rin sa napanood. sa lagay na yun di ko na rin nagawang magselos gawa ng ako rin kasi ang maydahilan kung bakit nahospital sa Lesslie. at tanggap ko na rin na sila na ni mhiks at hindi talaga pwedeng maging kami.
"mga friends pwedeng iwan nyo muna kami ni ronnie at may paguusapan lang kaming importante" pakiusap ni Lesslie sa iba. At isa isang lumabas sila huli si mhiks na humalik muna sa pisngi ni Lesslie bago to lumabas.
“Ronnie sorry sa lahat. Ito siguro na ang karma ko. Hindi ko naman binalewala ang nararamdaman mo sa akin. Kahit ako mahal na rin kita. Ngunit sa mga pinagdaanan kong kabiguan. Mas gusto kong maging kibigan ka, dahil sa pakiging magkaibigan natin alam ko mastatagal tayo o kaya habang buhay kang nasa akin. Di tulad ng kung maging magkasintahan tayo may posibilidad na mag away tayo o kaya magkahiwalay na may samaan ng loob. Walang nagtatagal kasing relasyon na parehas ang kasarian.” Paliwanag sa akin ni Lesslie.
Nauunawaan ko naman ang kanyang sinabi. Nakayuko lang ako na nakaupo sa gilid ng kanyang kama . At unti unti nanamang pumatak ang aking luha. At siya naman ay nananatiling mahinahon sa kabila ng lahat ng pangyayari.
Naramdaman ko na lang ang kanyang kaliwang kamay na hinawakan ang aking baba at hinatak ang ulo ko papalapit sa kanyang mukha. At iginawad niya sa akin ang iang masarap na halik. Sarap nag kanyang halik banayad para akong lumulutang sa ulap sa oras na yun. Sana tumigil ang oras hiling ko.
Mayamaya kumalas na sa pagkakahalik sa akin si Lesslie at hinaplos ang aking pisngi at ang hinlalaki nito pinunasan ang aking labi na may laway pa. nakangiti siya sa akin at gumanti rin ako ng ngiti sa kanya.
“salamat” yun lang ang tangi kong nasabi sa kanya. Agad naman niya akong yinakap. Mahigpit at parang mababali na mga buto ko sa kanyang pagkakayakap, aakalain mong wala siyang tinamong pilay mula sa kanyang pagkakasagasa.
Sa pangyayari na iyon mas lalo ko siyang minahal ngunit tulad ng sabi niya masmagandang maging magkaibigan na lang kami dahil ayaw niyang magkasira kami at doon kami magtatagal.
“salamat kahit sa kabila ng lahat tinanggap mo pa rin akong maging kaibigan. Salamat” pasasalamat ko kay Lesslie. Kumalas ako sa pagkayakap sa kanya at umayos ng pagkakaupo sa tabi niya.
“tawagin na natin sila at baka naghihintay na sila sa labas.” Utos sa akin ni Lesslie. At tinungo ko ang pinto at binuksan para tawagin sila papasok.
Pumasok mula sa pinto sila mammie, mhiks, nikki at kasama na rin nila si Kim at Justin na may dalang mga prutas. Nakangiti sila na parang alam nila ang nangyari sa pagitan nami ni Lesslie.
Nakiusap na rin sa amin si Lesslie na wag na lang paalam sa magulang niya ang pangyayari at baka lamang magalala ang mga ito. At isa pa hindi naman malala ang sinapit niya.
Napakasaya namin nung gabing yun kahin na naaksednte si Lesslie at maraming nangyari maganda naman ang kinahinantnan ng mga pangyayari. Ngayon alam ko na may nararamdaman si Lesslie para sa akin dahil sa ayaw niya akong mawala maspinili nalang niya akong maging kaibigan kaysa anu pa man. Alam niyang masmakakabuti na lang na ganun para sa amin dahil para kaming kambal kung titingnan lagging magkasama kahit saan minsan mas swwet pa kami kaysa mag nobyo. kaya tinanggap ko na rin kung ano man ang kagustuhan niya. Alam ko rin para sa ikakabuti namin dalawa yun.
Naiwan pa si Lesslie sa hospital at si Mhiks ang magbabantay sa kanya habang kami nila mammie at nikki ay napagpasyahan na umuwi na at magpahinga dahil may pasok pa kami ng kinabukasan. Alas singko na rin ako nakarating ng bahay. Kaya may oras pa para matulog. Nagbihis na ako ng pambahay na damit at humiga sa aking kama . Inisip ang bawat pangyayari ng hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako.
Lumilipad ang aking isip dahil sa kakaisip kung kamusta na si Lesslie. Nasa trabaho na kami at lahat ay busy. Enexcuse na rin namin si Lesslie na nahospital siya gawa ng naaksedente. Kaya lahat ng mga gawa niya pinaghatian namin tatlo.
Maapos ang araw ng trabaho naispan namin n mammie dalawin sa hiospital si lesslie para alamin na rin ang kalagayan niya. Dumaan muna kami sa grocery ni mammie para bumili ng mga prutas para kay lesslie at deretso na kami sa hospital.
Pagkaratting namin sa hospital naabutan namin si Lesslie na nakaayos na at handa ng umalis hinihintay na lang niya si Mhiks dahil iniasikaso nito ang permit na pwede ng umalis si Lesslie.
“Mammie pumunta pa kayo dito. Pauwi na rin ako.” Salubong ni Lesslie sa amin pagkapasok ng kwarto.
“syempre para dalawin ka. Hindi ka lang nagtext na lalabas ka na. at ok ka na ba talaga? Wala na bang masakit sayo?” tanong naman ni Mammie kay Lesslie.
“gusto ko kasi kayong surpresahin kaso andito na kayo. Ok naman na ako sa bahay ko na lang daw ituloy ang pagpapahinga at under observation pa ako kung may maramdaman daw akong pananakit balik lang daw ako sabi ni dok. Paliwanag sa amin ni Lesslie.
Dumating na rin ang hinihintay ni Lesslie si Mhiks naayos na ang lahat at umalis na rin kami sa hospital. Habang nasa sasakyan kami panay pa rin ang aming kwentuhan bago kami makauwi ng bahay dumaan muna kami sa isang fastfood chain para doon maghapunan. At pagkatapos umuwi na rin kami. Una naming hnatid si mammie sa kanyang boarding house. At hinatid na rin kami ni Mhiks sa aming apartment.
Hindi na rin nagtagal sa mhiks at nagpaalam na lang ito sa amin at umalis na rin. At kami naman ni Lesslie pumasok na rin ng bahay para makapag pahinga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento